DAY 5
WARNING: 18+
"Are you okay?!" sigaw sa akin na siyang nagpadilat sa mga mata ko. Nanghihina akong napatingala.
"What the hell Miss--Nuñez?"
Bago ko pa tuluyang mabistahan ang lalaking muntik nang makabangga sa akin ay nagdilim na ang paningin ko.
"Stay still." mariin ang boses na aking narinig sa pagdilat ng mga mata ko at tangkang pagbangon.
"D-Doc?" napapaos ang boses kong saad nang makita ang taong nagkakabit ng suwero sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid at napagtantong wala ako sa hospital.
He's Doctor Mendez-- ang taong naka-diagnose ng sakit ko.
"Anong ginagawa ko rito?" tanong ko.
Naupo siya sa paanan ng kamang kinahihigaan ko.
"You passed out after I almost hit you with my car." madilim ang mukhang tugon niya sa akin.
Napayuko ako, "P-pasensya na po,"
"Forget it. Bakit hindi ka na bumalik sa ospital? In your condition, delikadong nagpapagala-gala ka sa kalsada. Look what happened, muntik ka nang masagasaan."
Tiningnan ko siya at tila doon lang ito natauhan sa pagtataas ng boses sa akin.
Tumikhim siya, "So I assumed na sa hindi mo pagbabalik sa ospital, you decided na huwag magpagamot?"
Hindi ako sumagot at tinangkang hilahin ang suwero pero napigilan niya ako.
"Don't. You need that."
"Pero kailangan ko nang umuwi."
Kailangan nga ba? Hindi ba't wala ka ngang lugar na mapupuntahan? You need to hide from them. Hindi ka nila puwedeng makita.
"Kahit two hours mo lang paabutin 'yan then you're free to go. You're my patient, you can't expect me na hayaan kitang paalisin sa bahay ko nang ganyan ang kondisyon mo."
Tiningnan ko ang doktor. Masyado siyang bata tingnan para maging doktor pero ayon sa mga kasamahan ko na pinagpapantasyahan ang doktor na ito. He's already 33 years old.
He's Kian Mendez. Naalala ko pa kung paano kong narinig na kiligin sa kanya ang mga kasabayan kong pasyente no’n. Inaamin kong guwapo naman talaga ang naturang doktor. Mas papasang artista kaysa manggagamot.
"Are you done checking me out?" saad niya na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
"I'm not checking you out Mister!" mariing pagtanggi ko.
Nagkibit-balikat siya, "If you say so..." nangingisi niyang saad. "I'm just going to take a bath. Maiwan na muna kita."
Pumikit ako. Nahihiya man sa pamemerhuwisyo ko sa doktor ay naramdaman ko ang pagod sa katawan ko.
Sa pagpikit ko ay bumalik sa isipan ko ang eksenang naabutan ko kanina.
Siya pala si Divine. Ang ikinukwento ni Sera na kasintahan ni Seth. Bagay sila. Halata ring gusto siya ng parents ni Seth unlike me.
Marahas kong pinalis ang kumawalang luha sa mga mata ko.
What now Rykki? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nasasaktan?
Nagpasalamat ako nang igupo ako ng antok.
"Hon..."
Binalingan ako ng asawa kong busy sa pagtipa sa laptop niya. Pero nang makita ako ay isinara niya ang kanyang laptop at tinapik ang hita niya na tila sinasabing doon ako maupo.
Nangingiting kumandong ako rito habang mahigpit na kapit ang hawak-hawak ko.
"Are you ready to be a Dad, Hon?" kinakabahan kong tanong pero hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
"What do you mean? D-Don't tell me--"
"I'm pregnant!" pagputol ko sa sinasabi niya at pinakita ang hawak-hawak kong pregnancy test.
Nagningning ang mga mata niya sa galak at bago pa ako makapagsalita ay mariin niya akong hinalikan. Tinugon ko ang halik na ibinibigay niya sa akin.
Naramdaman ko ang pagkabuhay ng kanyang p*********i at unti-unti ko ring nararamdaman ang paggupo ng init sa katawan partikular sa ibaba ko. Hindi tinatapos ang halikan na binuhat niya ako at marahang hiniga sa kama. Napaungol ako nang tumaas ang kamay niya at sapuin ang dibdib ko. Bumaba ang halik niya patungo sa leeg ko pababa sa dibdib ko. Kahit na may telang nakaharang ay hindi iyon naging hadlang para hindi ko maramdaman ang init ng halik niya sa dibdib ko.
Nagpaubaya ako nang iangat niya ang sando ko at hubarin. Mabilis niyang sinibasib ng halik ang dibdib ko. Napaungol ako at nasabunutan ang buhok niya. Palakas nang palakas ang ungol ko lalo na nang bumaba ang kamay niya at sapuhin ang p********e kong nahaharangan ng short ko. He continues rubbing it until I felt like I am going to explode. Tumigil siya sa paghalik sa dibdib ko. Napadaing ako nang itigil niya rin ang ginagawa sa ibaba ko.
Ngumisi siya at mabilis na hinubad ang short at panloob ko. Napasinghap ako nang imbes na ibalik ang halik sa dibdib ko ay bumaba ang halik niya papunta sa p********e ko...Napasigaw ako nang maramdaman ang nalalapit kong sukdulan.
Hindi pa ako tuluyang nakakahuma sa pagpapaligaya niya ay naramdaman ko ang pagpasok niya sa akin.
Habang umuulos sa akin ay pinaulanan niya ng halik ang buo kong mukha.
"Thank you Hon...for making me this happy. For bearing my child. I love you so much, Rykki Nuñez-Vallejo."
Napaiyak ako nang maramdaman ang pagpatak ng luha niya sa mukha ko.
"I love you too, Seth Eros Vallejo." tugon ko at masuyo siyang hinalikan. Napasigaw ako nang muling maramdaman ang kaluwalhatian na dulot ni Seth pero sa pagkakataong iyon ay sabay naming narating ang langit.
"Hey, wake up!"
Hinihingal akong napabangon nang marinig ang boses na iyon kasabay nang pagtapik sa pisngi ko.
Bumungad ang doktor pagmulat ng mga mata ko.
"You're crying in your sleep. I thought you're having a nightmare so I woke you up."
Pinahid ko ang gilid ng mga mata kong basa. Napatingin ako sa unan at nakitang basa iyon.
"Pasensya na Dok--"
"Call me Kian, wala tayo sa hospital," saad niya habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala siyang suot na pang-itaas.
Bago pa ako makapagsalita at pagsabihan siyang magdamit ay narinig namin ang tunog ng doorbell.
Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at hindi man lang nag-abalang magsuot ng damit.
Napailing ako at minasdan ang kamay kong wala ng dextrose na nakakabit.
Namula ako nang maalala ang napanaginipan ko. Panaginip. Isang magandang panaginip.
Sh&t Rykki! Kalimutan mo na 'yon!
Tumayo ako at hindi na tiningnan pa ang sarili sa salamin.
Sinilip ko ang bintana bago dumiretso palabas. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na lugar sa labas.
Kung ganoon ay nasa Montevilla Estates pa rin ako. Kapitbahay ni Seth si Kian?
Inikot ko ang paningin sa kuwarto. Black and brown ang motif nito. I saw a huge cabinet at sa loob no'n ay nakalagay ang maraming libro. Hindi ko na inabala ang pagmamasid sa loob ng kuwarto. I'm an intruder. Hindi na dapat ako nagtatagal pa rito.
Paglabas ko ng kuwarto ng doktor ay napadungaw ako sa ibaba. Napatda ako nang makita kung sino ang nakaupo sa sofa sa sala ng bahay.
Nang maramdaman sigurong may nakatingin sa kanya ay tumingala ito at napatda nang nakita ako.
"Seth..." bulong ko. Napatayo ito sa kinauupuan at tinitigan ako nang masama.
Anong ginagawa niya rito?
Tila iyon din ang tanong na nakikita ko sa mga mata niya. Kung anong ginagawa ko rito.
"Dude, ubos na pala ang hard drinks ko. How about we go to Samuel? Panigurado hindi 'yon nauubusan ng alak--" Napatigil sa pagsasalita ang bagong dating na si Kian nang mapansin na hindi naaalis ang tingin sa akin ni Seth.
Pinagpalit-palit ni Kian ang tingin sa aming dalawa. Nakita kong mas lalong nagdilim ang mukha ni Seth nang makita ang gayak ni Kian.
Napahawak ako sa buhok ko na sigurado akong gulo-gulo. I probably look like someone who just woke up which is true.
"Oh, you’re awake? Are you ok—"
Kinakabahang hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Kian. "M-Mauna na ako! Salamat Do-- I mean Kian," saad ko at nanginginig man ang tuhod ay nagmamadali akong bumaba.
Napapikit ako. Kinakabahang malaman ni Seth ang lahat tungkol sa akin.
Ano bang kinakatakot mo?
Wala naman siyang pakialam sa 'yo kahit na malaman niyang mamamatay ka na.
"Kahit mamatay ka sa harap ko, wala akong pakialam. I won't even blink my eyes and just turn my back on you. Ganoon kita kinamumuhian."
Tila may pumiga sa puso ko nang maalala ang mga salitang 'yon mula sa kanya.
"Pare, this is..." Napapikit ang walang kaalam-alam na doktor. Nalimutan kung ano ang una kong pangalan.
"I know her. No need to introduce her to me." matigas ang boses na saad ni Seth.
"Oh really? Small world huh?" nakangising saad sa akin ni Kian.
Napalunok ako. Hindi kinakaya ang mabigat na tingin sa akin ni Seth. The last time I saw that look was five years ago. When he hated me to death.
"So what's your relationship with her? Friend? Employee--"
"She's my ex-wife." pagputol ni Seth sa pagsasalita ni Kian. Binalingan niya ako, "Go home! Kanina pa nag-aalala sa 'yo ang anak natin!" pagdidiin niya sa huling salita.
"Let's drink some other time, Kian. Mauna na ako." matabang niyang saad at walang lingon-likod na iniwan kaming dalawa ni Kian Mendez.
Pinagmasdan ko ang papalayo niyang bulto. Tumikhim ang lalaki sa tabi ko kaya napabaling ako sa kanya.
"Sorry, mukhang na-misunderstood tayo ng ex-husband mo," saad niya at apologetic akong tiningnan.
Nagkibit-balikat ako, "Ikaw na rin ang may sabi. He's my ex-husband. Walang dahilan para humingi ka ng sorry."
"So, you're the mother of Sera?"
"I am. How about you? Sino ka?"
Iminuwestra niya ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon.
"I'm Kian Mendez. Pinsan ni Seth."
Napanganga ako sa sinabi niya.
Indeed, we really have a small world.
TBC