Day Four

1821 Words
DAY 4 "Hiro, let me go!" mariin kong saad habang hinihila niya ako papasok sa loob ng hospital. Nasa parking lot kami at alam kong nakakakuha na kami ng atensyon. "Hiro! Ano ba?! Bakit ba tayo papasok diyan? Para ano? Para ipamukha ulit sa akin ng doktor kung anong lagay ko? Na walang kasiguraduhan kung tatagal pa ba ng isang taon ang buhay ko?" Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Hiro hanggang sa tuluyan niya na akong binitawan. Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Pagbaling ko kay Hiro ay nakaupo na siya sa lapag at nakayukyok sa tuhod niya. Yumuyugyog ang balikat niya at ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagtangis niya. Lumapit ako sa kanya at napaluhod sa lapag. Niyakap ko siya at parang batang mahigpit siyang yumakap sa akin at umiyak. "Bakla, hindi ba dapat ako ang iiyak nang ganito? Ako 'yung mamamatay loka, h-hindi ikaw," tumatawa kong saad habang pumapatak ang mga luha ko. "P-Please Ry, m-magpagamot ka 'wag naman g-ganito! Hindi k-ka puwedeng m-mamatay! P-Paano na ako?! I-I can't lose you!" paghagulgol niya sa dibdib ko. Hiro is like a brother for me. A younger brother/sister. At alam kong ganoon din ang turing niya sa akin. During those times na itinakwil siya ng lahat ng tao sa paligid niya. Ako ang nasa tabi niya. Hindi ako sumukong ipaunawa sa kanya na mawala man ang lahat ng tao sa paligid niya. Mananatili akong nasa tabi niya. But right now, alam kong hindi ko na matutupad ang pangako ko rito. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nasa ganoong posisyon. Siya habang humahagulgol habang ako naman ay tahimik na umiiyak. "S-So what's your plan?" sisigok-sigok niyang saad sa akin nang pumasok kami sa loob ng kotse niya. Inabot ko sa kanya ang tissue at walang hiyang suminga siya roon. Nagkibit-balikat ako, "I honestly don't know. Ang tanging gusto ko lang ay makasama si Sera," sabi ko at pinakatitigan ang picture frame na nasa dashboard niya kung saan kasama namin si Sera. "Rykki! I can bring you to the states, pwedeng doon ka magpagamot tapos 'pag gumaling ka pwede mo nang makasama nang matagal si Sera--" Umiling ako at pinutol ang sasabihin niya, "Paano kung hindi? Paano kung mamatay ako nang hindi man lang nakikita sa huling sandali si Sera? I don't want her to hate me for leaving her just like that. I want to spend the remaining days of my life with her. Gusto kong makatulog at magising na katabi siya. Ang iparanas sa kanya na mahal na mahal ko siya. Na mawala man ako may maiiwang alaala sa kanya kung gaano ko siya kamahal." Natahimik si Hiro sa sinabi ko. Hinila niya ako at niyakap, "What do you want me to do? I can't live knowing that I didn't do anything to save you..." Ngumiti ako nang mapait. "May magagawa ka, just support me from my decision at sana wala ka nang iba pang pagsabihan." "Rykki—" "My condition is a rare case. Hindi biro ang tumor na nasa utak ko. Hindi nila kayang operahan dahil delikado. At ang tangi lang nilang magagawa ay ang pigilan ang paglaki at pagkalat nito sa ibang organs ko. I want to fight Hiro but how can I fight kung alam ko namang sa huli talo pa rin ako? Pagod na ako, Hiro. Maybe it's His way of punishing me. Karma ko 'to sa lahat ng mga maling nagawa ko." Hindi na siya nagsalita at niyakap lang ako nang mahigpit. "Are you sure you're going to be fine?" nag-aalala niyang saad sa akin pagkababa ko ng kotse niya. After our dramatic scene, we ate and stroll around the mall just like what we always did during our free time. Uwian na ni Sera kaya hinatid niya na ako papunta sa school ng anak ko. "You know me right? I'm strong...Kaya ko 'to." "After graduation of Sera, go with me in states alright?" Ngumiti lang ako at hindi umimik. "Call me every day, don't forget to buy your meds. If you need money just tell—" "Enough Hiro. Kaya ko na 'to. Alam kong busy ka sa new project ng company mo. Just focus on that." Mabilis akong humalik sa pisngi niya at naglakad papasok sa school ni Sera. "Ry!" Lumingon ako nang marinig ang sigaw sa akin ni Hiro. Ayan na naman ang mga mata niyang punong-puno ng awa para sa akin. "Okay lang ako..." I mouthed those words and smiled. He smiled. "Love you!" Natawa ako at kinawayan na lang siya. Hiro...I wonder what would happen to me kung hindi kita nakilala. Thank you...thank you for everything. Kapag dumating ang panahong nalimutan ka na ng isip ko, hinding-hindi ka mawawala sa puso ko. "Mommyyyyy!" matinis na boses ang sinalubong sa akin ni Sera nang makita niya ako sa labas ng gate ng school nila. "How's my baby?" Ngumuso siya nang marinig na naman ang tinawag ko sa kanya. Pero kalaunan ay ngumiti rin at hinila ako papalapit sa mga kaklase niya. "Eunice and Shellaine, this is my Mom," Bumaling sa akin si Sera. "Mom, they're my best friends." "Ang ganda ng Mommy ko 'no?" tuwang-tuwa niyang saad sa mga kaibigan niya. "Hi Tita finally nakita ka na namin. Excited na excited si Sera na ipakilala ka sa amin, eh," ngiting saad ni Eunice. She's pretty even with her large eyeglasses. "Oo nga Tita, at tama nga si Sera you're really beautiful po," masayahing saad ni Shellaine. "Hi girls, may nanliligaw na ba rito sa baby ko?" Binalingan ko si Sera na namumula ang magkabilang pisngi at pinanlalakihan ng mga mata ang dalawang kaibigan. Natawa ako. "So meron na nga?" "Mommy! Wala po!" todo pag-iling sa akin ni Sera. "Tita, wala pong nanliligaw kay Sera, siya po ang nanliligaw--" "Shell, ayan na ang sundo mo!" sigaw ni Sera sabay turo sa pulang kotse. Natatawang nagpaalam sa akin si Shell na sinundan din ni Eunice. Nang makaalis ang dalawa ay puno ng kuryosidad kong pinagmasdan si Sera na namumula pa rin ang buong mukha. "Wala bang ikukuwento sa akin ang baby ko?" Nahihiyang tumingin sa akin si Sera, "Mommy I'll tell you pero sssshh ka lang kay Daddy please?" Natawa ako sa sinabi niya. Sa loob-loob ko ay wala namang pagkakataon para ikuwento ko kay Seth ang ikukuwento niya. He's busy and he doesn't want to talk to me. Tinaasan ko ng kilay si Sera habang todo yuko naman siya sa kinakaing pasta. We're in her favorite fast-food chain. "So totoo ang sinabi ni Shellaine? You're courting someone? Serafina..." Huminto siya sa pagkain at tiningala ako. "It's just for fun Mommy! Si Louis kasi, eh. Hindi niya ko pinapansin and he even told me that I'm ugly at hindi ako magkaka-boyfriend. So, I told him na magkakaroon ako at sisiguraduhin kong siya 'yon! Saka hindi ko naman pinapabayaan ang studies ko. Alam ko rin ang limitation ng ginagawa ko, after all I'm still your baby..." Tumayo siya at tumabi sa akin. Humilig at niyakap ako, alam na alam kung paano ako paaamuhin. "Siguraduhin mo lang Serafina, hanggang ganyan lang 'yan. No holding hands—" "Mommy that won't happen. Ayaw pa rin sa akin ni Louis!" inis na inis niyang saad at bumalik sa puwesto niya. Nakangiti kong pinagmamasdan si Sera habang maganang kumakain. Memorizing every corner of her face. If there's one thing na kinakatakutan ko sa sakit ko, iyon ang makalimutan ko ang batang nasa harap ko. I'm scared na maramdaman niya ang sakit na dinanas ko nang unang beses kong marinig sa ama ko ang tanong kung sino ako. Na lumayo ako dahil hindi niya ako kilala. "Mommy...may problema ba?" nag-aalalang saad niya. Pinunasan niya ang pisngi kong basa dahil sa luhang hindi ko napigilan. "Nothing baby, I'm just happy na dalaga na ang baby ko." Natawa si Sera, "Si Mommy talaga, dalaga pero baby pa rin ang tawag mo sa akin." "What do you want to do after this? Gusto mo bang mag-arcade tayo? How about we buy some dress for you?" sunod-sunod kong sabi at tuwang-tuwa naman siyang tumango sa akin. Ginugol namin ang maghapon sa paglalaro sa arcade at kahit nararamdaman ko na ang pagod ay nawawala 'yon sa tuwing pinagmamasdan ko ang masayang mukha ni Sera. Nang pumatak ang alas-siyete ay nagyaya na rin siyang umuwi. "Mommy...I'm really happy na makakasama na kita sa bahay. Hindi na ako malulungkot and I won't wait for friday just to be with you..." inaantok niyang saad at humilig sa akin. Hinaplos ko naman ang buhok niya. Tantya ko ay may tatlumpung-minuto pa bago kami makarating sa bahay. Kaya naman hinayaan ko siyang matulog. Dinukot ko ang wallet ko at napangiwi nang makitang naubos pala ang pera ko at nalimutan kong mag-withdraw ng pera. "Mommy, may problema po ba?" Humihikab na tanong sa akin ni Sera. Itinaas ko ang wallet ko. "Nalimutan ni Mommy ang mag-withdraw..." nakangiwi kong saad. "That's not a problem Mom, meron pa—ooops naubos ko rin pala ang allowance ko for today." Hinarap ko ang taxi driver na mukhang naiinip na. "Manong, magwi-withdraw—" "Mom, nakakahiya kay Manong. I'll just ask Dad some money." Bago pa ako makatutol ay nagmamadali na siyang bumaba ng taxi. "Pasensya na po Manong..." Umismid ang matanda at hindi na lang nagsalita. Dahil sa hiya ay sininop ko ang mga gamit namin ni Sera at nagpasyang sa labas na lang hihintayin ang bata. Muntik na akong matumba nang paglabas ko ay nakita ko si Seth na papalabas ng bahay. "Next time, huwag mong ilalagay sa ganitong sitwasyon ang anak ko," saad niya at nilagpasan ako. May inabot siya sa driver at sumibad na paalis ang taxi. "Hindi ko sinasadya nakalimutan kong—" "Doon ka sa back door dumaan," aniya at hindi pinatapos ang sasabihin ko. Nagtaka ako sa sinabi niya pero sinunod ko rin siya. Ako itong nakikisiksik sa bahay niya. Wala akong karapatang magreklamo. Habang naglalakad ako papunta sa back door ay napangiti ako nang mapait nang madaanan ang duyan sa garden na pinagawa niya noong pinagbubuntis ko si Sera. This house. Maraming alaala na nakabaon dito. Mga alaala ng masayang pagsasama namin ni Seth at mga mapapait na alaala. Dahan-dahan kong binuksan ang back door. Inilapag ko sa counter table ang pinamili namin ni Sera. Nagtataka pa rin ako kung bakit ako rito pinadaan ni Seth pero nasagot ang tanong ko nang marinig ang mga pamilyar na boses. Gumilid ako at sinilip ang sala. "How's your study, Sera?" striktang saad ni Doña Leona. "Ayos naman po, Granny," nakayukong saad ni Sera. "That's good to hear hija," nakangiting saad ni Don Philip. "Siguro naman ay hindi ka tutol kung mag-aasawa muli ang Daddy mo?" "Mama!" panunuway ni Seth kay Doña Leona. "Babe, huwag mo ngang sigawan si Tita Leona," sabi ng isang posturyosang babae sa tabi ni Seth. Nakaangkla ang kamay niya sa braso ni Seth. Humihimas at tila pinapakalma ang dati kong asawa. Tumalikod ako at hindi kinaya ang nakikita. Sumabay pa ang panginginig ng mga kamay ko at pananakit ng ulo ko. "Ma'am?" Umiling ako sa katulong na lumapit sa akin at sinenyasang 'wag siyang maingay. May pag-iingat pero may pagmamadali akong lumabas sa back door. Nagtatakbo ako palabas ng bahay. Tila may tumutusok sa puso ko. Akala ko ayos na ako. Hindi pa pala. Masakit pa rin. Sobra. Nanlalabo ang paningin ko habang naglalakad palayo sa bahay ni Seth. Tumawid ako at nasilaw sa kotse na paparating. Hindi ako nakagalaw sa puwesto ko at napapikit na lang habang hinintay ang pagbangga sa akin ng sasakyan. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD