DAY 6
"Alam niya ba?"
Napahinto ako sa pag-alis nang marinig ang sinabi ni Kian.
"Hindi niya na kailangang malaman pa. So I'll really appreciate it kung wala kang sasabihin sa kanya lalo na kay Sera."
"You don't have to worry about that. Wala akong pagsasabihan."
Ngumiti ako, "Salamat kung ganoon,"
"Don't say that, trabaho ko bilang doktor ang malalagay sa alanganin kung sasabihin ko kay Seth ang kondisyon mo."
Tumango ako at muling nagtangka sa pag-alis.
"Are you sure about your decision?"
Saglit ko siyang sinulyapan. "Mauuna na ako, Kian. Salamat sa pagtulong sa akin." pag-iwas ko sa tanong niya.
Wala sa sariling lumabas ako ng bahay niya. Nakakailang hakbang pa lang ako papalabas nang may humablot sa braso ko. Napangiwi ako sa sakit na idinulot no'n sa akin.
Pagtingala ko ay sumalubong sa akin si Seth na masama pa rin ang tingin sa akin.
"S-Seth, bitiwan mo ako! Nasasaktan ako! Ano ba?!" pagpiksi ko sa hawak niya.
"Lahat na lang ba Rykki? Ganyan ka na ba kalandi?!"
Napanganga ako sa sinabi niya.
"A-Anong sabi mo?"
"Sera is waiting for you! Nakatulog siya sa sala kakahintay sa 'yo! Natatakot siyang iniwan mo na naman siya. Tapos heto lang ang ginagawa mo? Nakikipaglandian ka sa pinsan ko?! Alam ba ng boyfriend mo ang ginagawa mo? Na sumasama ka sa ibang lalaki na ngayon mo lang nakilala? Ganyan ka na ba talaga kababa?!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umangat ang kamay ko at malakas na sampal ang idinapo ko sa pisngi niya. Naramdaman ko ang pagmanhid ng palad ko.
"T-Tapos ka na ba? Tapos ka na bang laitin ang pagkatao ko? Sino ka ba? A-Anong karapatan mo para pagsalitaan ako nang ganyan?!" Lumunok ako para maalis ang bikig na namumuo sa lalamunan ko. Hindi ako iiyak sa harap niya. Hinding-hindi. "Let me tell you this Seth, you're just my ex-husband and the father of my child. Wala kang pakialam kung anong gawin ko sa buhay ko. K-Kung makipaglandian ako kung kanino! Labas ka na roon!" Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko at tinalikuran siya.
"Meron Rykki! For as long as you're living in my house. May karapatan ako sa 'yo at sa kung anong gagawin mo. Kung ayaw mong pakialaman kita, then you're free to leave. But don't worry hindi ko papakialaman ang affairs mo kung hindi mo ipapakita sa akin 'yon lalo na kay Sera. Just please, huwag ang pinsan ko. Hindi niya deserve ang babaeng katulad mo."
Naramdaman ko ang pagbangga niya sa balikat ko. Habang pinagmamasdan ko ang paglayo niya sa akin ay pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko.
Nasaan na ang lalaking minahal ko?
Why did he turn into someone like him?
So cruel.
See Rykki, nagbago na siya. Hindi na siya si Seth--ang lalaking nakilala at minahal mo noon. Hanggang kamatayan mo ba dadalhin mo pa rin ang pagmamahal mo sa kanya?
Yes. I'm still in love with my ex-husband. Unfortunately.
••••
"Mommy!" mahigpit na yakap ni Sera ang gumising sa akin kinabukasan.
Humikab ako at nginitian ang baby ko.
"How's your sleep, baby?"
"Akala ko hindi ka na babalik." saad niya at sumiksik sa dibdib ko.
"Did you saw them last night kaya ka umalis?"
Humigpit ang yakap ko sa anak ko. "Hindi ako umalis dahil sa kanila, baby. Tumawag lang sa akin ang Tito Hiro mo, he needed me. Brokenhearted na naman, eh."
Sorry Hiro...
"Si Tito Hiro talaga... Mommy bakit ba lagi siyang naf-fall in love sa wrong one?"
Natawa ako sa sinabi ni Sera.
"Instead of asking me that, why don't you get up? Fix yourself. Baka mahuli ka pa sa klase mo."
"Will you pick me up again, later?"
Ngumiti ako at pinisil ang tungki ng ilong ni Sera.
"Of course, baby."
Sa narinig ay nagmamadali siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Tumayo ako at inayos ang pinaghigaan. Silent uttering to myself how thankful I am na hindi ako nagising na tila binibiyak ang ulo ko.
"Mommy, hindi ka pa rin ba sasabay sa amin mag-breakfast?"
Umiling ako. "Sera, later na lang si Mommy."
Ngumuso siya. "I'll talk to Dad! It's not healthy to skip your breakfast."
"Sera, no I can--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Nagmamadali ko siyang hinabol. Ayokong magalit na naman sa akin si Seth. Sapat na sa akin ang nangyari kagabi.
Kung maaari nga lang ay hindi ko na nanaisin pang makaharap siya.
"Serafina!" sigaw ko pero humagikgik lang ang pilya kong anak.
"Don't run, Sera baka malaglag ka!" panunuway ko. Kinakabahang mahulog siya sa hagdan.
"What's the commotion all about?" sulpot ni Seth mula sa dining area.
"Goodmorning Dad!" bati ni Sera kay Seth. Lumapit siya sa ama at hinalikan ito sa pisngi.
"Dad, can Mommy join us for breakfast?"
Tumingala sa akin si Seth at blanko ang matang tiningnan ako. Binalik niya ang tingin kay Sera.
"Walang nagbabawal sa Mommy mo na sumabay sa atin." saad ni Seth at ginulo ang buhok ni Sera.
Tiningala ako ni Sera, "Heard that Mom? Let's eat!" excited ang boses niyang saad sa akin.
Napailing ako at sumunod kay Sera.
Agad na naghanda ang katulong ng plato para sa akin.
Wala pa ring pagbabago ang puwesto ng mga gamit sa dining area. Kung ano ito noon ay ganoon pa rin. Nagbago lamang ang mga muwebles. Limang taon na ang nakakalipas nang umalis ako sa bahay na 'to.
Pero hindi ko na maalala ang huling beses na nagkasalo-salo kaming tatlo sa hapag-kainan. Nakikita ko ang tuwa sa mga mata ni Sera. Kahit palagi niyang sinasabi sa akin na ayos lang ang set-up namin ni Seth. Alam kong nahihirapan siya at umaasang darating din ang panahon na magkakasama kami sa hapagkainan just like the old times.
Ganadong kumain si Sera habang naiilang naman akong kumakain.
Ramdam ko ang paminsan-minsang sulyap sa akin ni Seth.
"Wala ka bang pasok?"
Tumingala ako at binalingan si Seth. Kumunot ang noo ko.
Ako ba ang kinakausap niya?
"Naka-leave ako," sabi ko nang manatili ang tingin niya sa akin.
Tumango siya at muling nagpatuloy sa pagkain. Sariwa pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi.
Sa naisip ay iniwas ko ang paningin sa kanya.
"Mom, our school will be having a family camping trip,"
"Family camping trip?"
Tumango si Sera. "Since this will be our last year in elementary, isa ito sa mga activities sa school. I need you and Dad to come with me!"
Napangiwi ako. Ayos lang sa akin pero kay Seth?
"Sera, kelan ang trip na 'yan?"
"Next next week pa naman Dad,"
Kumunot ang noo ni Seth na tila may naalala. "I'm sorry Sera, but I have an important meeting in Japan during that time."
Lumungkot ang mukha ni Sera at saglit lang na sinulyapan si Seth. "I understand, Dad. Of course, business first." may himig pagtatampo nitong saad.
"Sera, cheer up. I'll be there--"
"You'll be there but I will be an outcast to my classmates. Lahat sila kumpleto. Ako lang ang hindi. But anyway, sanay naman na ako."
Tumingin ako kay Seth at nakita kong napapahilot na siya sa sentido niya.
"How about I ask your Tito Hiro kung pwede siyang sumama sa atin?"
Nagliwanag ang mukha ni Sera sa sinabi ko. "Really Mommy? I will be happy kung papayag si Tito Hiro!"
Ngumiti ako. "I'm sure kung hindi siya busy papayag--"
"Enough! I'll cancel my meeting on that week! Ako ang sasama at hindi ang lalaking 'yon!"
Napamulagat kami ni Sera sa reaksyon ni Seth.
"H-Hindi ba importante ang meeting mo?"
Huminga nang malalim si Seth. "I can handle it. Just don't ask some other man to fulfill my responsibility to our child."
Hindi na ako nakapagsalita nang nagdadabog na nilisan ni Seth ang komedor.
Ano na naman bang ikinagalit no'n?
Napabaling ako kay Sera na humahagikgik.
"Someone is jealous..."
"Serafina! Finish your food. Mahuhuli ka na sa klase mo," pag-iling ko sa sinabi niyang imposibleng totoo.
TBC