DAY 7
I was left with nothing to do when Sera left. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss ang trabaho ko. I'm working as an editor in a publishing company. Hectic ang schedule pero masaya ako sa ginagawa ko. As if on cue, tumawag ang boss ko na si Ralph.
Nakangiti kong sinagot ang tawag, "Boss!"
He's my boss for three years pero matagal ko na siyang kaibigan dahil sa iisang ampunan lang kami lumaki.
"Hey Rykki, kumusta na?" kahit na hindi ko nakikita ay nakakasiguro akong malungkot ang mukha ng boss ko.
Of course, he knew my condition. Siya lang ang nakaalama ng kondisyon ko. He immediately approved my leave, though I think I need to resign from my job. It will be impossible na makakabalik pa ako sa trabaho.
"Ayos lang ako, boss. How about the company? Kumusta sila Cess? Did they close the deal with the Soriano brothers?"
"Everythings fine, Ry. Ikaw? Ayos ka lang ba talaga? Are you in the hospital?"
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita, "I'm not in the hospital, Ralph. I clearly told you na wala akong balak na sumailalim sa treatment."
"Yeah...hindi ka na ba talaga mapipilit? Hiro keeps on--"
"I knew it! Ikaw ang nagsabi kay Hiro!"
Matapos manahimik ay tumikhim ang nasa kabilang linya, "I think I need to go. I just called to make sure that you're fine. We'll be waiting for you."
"Ralph...Hindi ninyo na ako kailangang hintayin pa. Just wait for my resignation letter."
"Rykki! You don't have to do that--"
Umiling ako, "I have to. I got to go, next week I'll visit you! Bye boss!"
Huminga ako nang malalim nang maibaba ang cellphone. I'm feeling down. In just a snap, kailangan kong iwanan ang trabahong gusto ko.
Tumayo ako at kinuha ang purse ko.
I need some ice cream.
NAPANGITI ako nang makita ang pamilyar na ice cream parlor malapit sa dati kong school.
I suddenly crave for my favorite ube quezo. Pagpasok ko pa lang ay napunta na ang paningin ko sa matandang abala sa counter.
Hindi pa rin nagbabago si Aling Pacing, nakangiti pa rin nitong pinagsisilbihan ang mga bumibili.
Iginala ko ang paningin sa paligid. Natigil ang tingin ko sa lamesang nasa bandang dulo. Walang nakaokupa roon at habang nagtatagal ang paningin ko roon, hindi ko napigilan ang pag-agos ng alaala mula sa nakaraan.
It reminds me of that one summer day fifteen years ago...
Init na init akong pumasok sa ice cream parlor na nadaanan ko mula sa school. Masyadong tirik ang araw at nagkataong naiwan ko ang payong ko sa bahay-ampunan. Iginala ko ang paningin at napansing wala ng bakanteng lamesa.
Napailing ako. Bahala na nga. Ayoko namang lumabas na naman at maghanap ng shop na pagtatambayan. Dalawang oras pa ang vacant ko. At naririnig ko sa mga sosyalin kong kaklase na masarap daw ang ice cream dito. Tiningnan ko ang menu at nakahinga nang maluwag nang hindi naman pala kamahalan ang mga ice cream nila.
"Anong gusto mo, hija?"
Ngumiti ako sa medyo may edad ng babae, "Ube quezo po." ang tingin ay nasa estanteng kinalalagyan ng mga ice cream.
Wala pang ilang minuto ay naibigay na sa akin ang inorder ko. Nanlumo ako nang makitang hindi pa rin nababawasan ang tao sa loob.
"Doon ka lumapit kay Seth, mabait na bata 'yan tiyak ay papayag siyang maki-share ng table sa 'yo." nakangiting pag-imporma sa akin ni Aling Pacing na nalaman ko ang pangalan nang tawagin siya ng isa sa mga staff--at itinuro sa akin ang bandang dulo ng lamesa kung saan may lalaking nakaupo at busy sa pagbabasa ng libro.
Kimi akong ngumiti kay Aling Pacing at sinunod ang suhestiyon niya. Lumapit ako sa lalaki at huminto sa gilid ng table na inookupa niya. Ibinaba ko ang tray na hawak ko.
Nang hindi ako tingalain ng estranghero ay buong lakas akong tumikhim para mapansin niya ang presensiya ko.
"What do you want? Look lady, I'm not interested." Sinabi niya 'yon nang hindi pa rin ako tinitingala.
Napanganga ako sa sinabi niya. Not interested? Anong tingin niya sa akin?
"Excuse me?! Magtatanong lang sana ako kung puwede akong makishare sa table. Hindi kita type 'no! Abnormal ka ba?" Napapikit ako sa hiya nang mapansing pinagtinginan ako ng mga tao.
Muntik ko nang hampasin ang bunganga ko dahil hindi ko na naman napigilan ang pagiging palengkera ko.
Sa hiya ay muli kong kinuha ang tray na naglalaman ng ice cream ko.
"Just sit. Sorry," Napaismid ako sa sinabi ng aroganteng lalaki.
Binalingan ko ito ng tingin at handa na naman sanang umarangkada ang bunganga ko nang makita kung sino ang lalaking tinarayan ko.
Ang anak ng mag-asawang Vallejo!
Pinamulahan ako ng mukha nang mabistahan ang lalaki. Palagi ko itong pinagmamasdan sa tuwing sumasama siya sa mga magulang niya sa bahay-ampunan. Bakit hindi?
Sa guwapo nito'y bulag lang ang hindi makakapansin. Higit pa roon ay natutuwa ako rito dahil bagama't mayaman sila ay hindi siya nangingiming makihalubilo sa mga bata sa bahay-ampunan.
"Hey, is there something wrong? Look Miss I'm terribly sorry--"
"Sorry rin po Mr. Vallejo!" pangunguna ko sa sasabihin niya. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya at mali ang naging asta ko rito.
"You know me?" Napapakagat-labi kong inangat ang paningin ko at dahan-dahan na tumango.
"Hindi ba't kayo ang anak ng mag-asawang Vallejo?"
"Yeah..." Kumunot ang noo niya, "You look really familiar..."
Napangiwi ako nang pumikit pa siya at tila inaalala kung sino ako.
"Ako ho si Rykki! Isa sa scholar ng mga magulang n'yo. Doon din ho ako nakatira sa bahay-ampunan na pinupuntahan n'yo..."
Dumilat ang mga mata niya at nailang ako nang pagmasdan niya ako. Umawang ang labi niya at mayamaya ay napangiti.
"Yeah, I know you...sit." muwestra niya sa upuan na nasa harap niya.
"Ho?"
Tumawa siya, "I'm not that old. Stop with that Ho or po."
Parang robot na naupo ako sa tapat niya.
"Sorry again, I didn't mean to be rude."
Umiling-iling ako, "Okay lang, ako naman itong biglang sulpot, eh."
Ngumiti siya at inabot sa akin ang kamay niya.
"I'm Seth by the way..."
Pinunas ko ang kamay ko sa pantalon ko bago ako nakipagkamay sa kanya.
Nang maibaba ang kamay ay inisip ko kung paano ko masusuhulan si Rafael na siya muna ang maghugas ng pinggan mamaya. Dahil wala akong balak magbasa ng kamay.
Natawa ako sa naisip na kalokohan.
"What's funny?" nangingiting tanong sa akin ni Seth.
Mabilis akong umiling at yumuko para kainin ang ice cream kong papatunaw na.
Nang maramdaman na nakatingin pa rin sa akin si Seth ay tumingala ako.
"Bakit?"
Nagkibit-balikat siya, "Nothing..."
Tumango ako pero di yata't hindi ako kumbinsido.
"I just wanted to ask you this,"
Napalunok ako at kinabahan sa sasabihin niya.
"Is there a chance na maging type mo rin ako?"
Sa narinig na tanong mula sa binata ay nag-init ang buong mukha ko.
"Rykki?"
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang pagtawag sa akin.
Paglingon ko ay bumungad sa akin si Aling Pacing na pinakatitigan ako, tila naninigurado na ako nga si Rykki.
"Aba'y ikaw nga Rykki!" tuwang-tuwa niyang saad.
Napangiti ako at lumapit sa matanda, "Magandang tanghali ho Aling Pacing,"
"Aba't mas lalo kang gumanda sa paglipas ng panahon, kumusta ka na?"
Eto ho may time limit na ang buhay...
"Ayos lang naman po, kayo po? Hindi tayo tumatanda Aling Pacing ah,"
"Kuu napakabolera nitong bata na ito. Siya, maupo ka na. Hanggang ngayon ba ay paborito mo pa rin ang ube quezo?"
Tumango-tango ako at ngumiti. Hindi maiwasang mamangha sa matalas na memorya ng matanda.
Saglit ko pang sinulyapan ang mesa sa bandang dulo. Malungkot akong ngumiti, imbes na roon ako umupo ay mas pinili kong maupo sa kalapit na table.
"Oh ba't dito ka naupo?" tanong ni Aling Pacing matapos ilapag ang tray na naglalaman ng paborito kong sorbetes.
"Si Aling Pacing naman reserved na ho ba ito kaya bawal na akong maupo rito?" pagbibiro ko.
"Sows hindi gayon ang aking ibig sabihin. Hindi ba't doon kayo laging nauupo ni Seth?"
Tumawa ako pero alam kong walang saya sa pagtawa ko. "Matagal na ho 'yon Aling Pacing..."
Pinakatitigan ako ni Aling Pacing, "Kumusta na ba kayong mag-asawa? At iyong anak n'yo? Panigurado'y malaki na iyon."
Mapait akong ngumiti, "Hiwalay na po kami."
Lumarawan ang pagkagulat sa mukha niya. "Aba'y papaanong nangyari 'yon? Parang nito lang nang nakikiusap kayong dalawa sa akin na kausapin ang pari kong kapatid para mabasbasan ang kasal n'yo. Ang sumunod ay ang pabalik-balik na pagpunta rito ni Seth noong buntis ka dahil pinaglilihian mo ang mga sorbetes namin dito."
Nagkibit-balikat ako, "Nangyari lang ho. Tama ho siguro kayo noong sinabi n'yong nagmamadali kami masyado. We did everything in a rush, hindi namin masyadong inisip ang mangyayari."
Lumungkot ang mukha ni Aling Pacing. "Nagsisisi ka ba na pinakasalan mo si Seth?"
Everyone who knew about my failed relationship always ask me that question.
Pero palaging parehas ang sagot ko.
Umiling ako, "Hindi po. I will never regret it. Kung hindi ko siya pinakasalan, kung hindi ko siya nakilala. Walang Serafina sa buhay ko ngayon."
Palaging iyan ang sagot ko pero higit pa riyan, hindi ko pinagsisisihan ang lahat dahil mahal ko si Seth. Mahal na mahal.
Pinalipas ko ang buong maghapon sa pakikipagkuwentuhan sa kanya. Bago ako umalis ay ipinangako kong dadalhin ko si Sera sa ice cream parlor para makilala niya.
Nagtungo ako sa school ni Sera at saktong-sakto na kalalabas pa lamang niya mula sa school.
"How's school, baby?" paghaplos ko sa buhok ng anak ko nang makalapit siya sa akin.
Sumimangot si Sera na siyang nakapagpakunot ng noo ko.
"What's wrong, Sera?"
"I need to retake my exam in my baking class," kandahaba ang ngusong tugon ni Sera.
Papara na sana ako ng taxi ng isang busina ang narinig ko. Kumunot ang noo ko nang makita si Mang Gustin--ang driver ni Seth--na bumaba sa isang kotse.
"Mang Gustin, ano hong ginagawa ninyo rito?"
"Pinapasundo po ni Sir Seth si Sera Ma'am Rykki,"
"Tell Dad that I won't go! I told her that I don't want to have dinner with that b***h! I hate her!"
"Serafina! Hindi ganyan ang tamang pakikipag-usap kay Mang Gustin!" may himig ng panenermon kong turan kay Sera.
Tila natauhan na tumingin si Sera kay Mang Gustin. "Sorry po!"
Matapos sabihin iyon tumalikod siya at iniwanan kaming dalawa ni Mang Gustin.
"Sera!" sigaw ko pero parang walang narinig na nagpatuloy siya sa paglalakad.
Nilingon ko si Mang Gustin, "Tatawagan ko na lang po si Seth, Mang Gustin. Ako nang bahala,"
Tumango ang pobreng driver. Nagmamadali ko namang sinundan ang anak ko.
"Sera!"
Huminto sa paglalakad si Sera at nilingon ako.
"Mom, sorry alam kong hindi ko dapat sinigawan si Mang Gustin."
"Ano ba kasing problema?"
Ngumuso si Sera, "That b***h--"
"Stop saying that word baby, that's bad."
"But she's really a b--"
Sinamaan ko ng tingin ang anak ko.
"Dad called me when I was on my class. He said that Tita Divine wants to have dinner with us. She's a pretender Mommy! Nginingitian niya ako kapag nandiyan si Daddy. She's acting like an angel pero kapag wala sila Daddy sa paligid, wala siyang ginawa kung hindi irapan ako! She keeps saying that I should accept her dahil magpapakasal din sila ni Daddy at wala akong choice kung hindi maging Mommy siya! I don't like her to be my Mom! I only want you..."
Nag-umpisang pumatak ang luha ni Sera at ang pinakaayoko sa lahat ay ang nasasaktan ang anak ko.
"I-I messed up my exam because of Dad! A-Akala ko iiwanan niya na si Divine now that you've come back. Hindi pa rin pala."
Hinaplos ko ang likod ni Sera.
Sinasabi ko na nga ba...
"Sera, you know that your Dad and I can't go back to how we used to be."
Hindi nagsalita ang anak ko. Mas lalong lumakas ang iyak dahil sa sinabi ko.
"I-I know dahil nasaktan ka niya...sobrang nasaktan..."
Napatigil sa pag-iyak si Sera umalingawngaw ang isang tunog mula sa bulsa niya. Nagpapahid ng mukhang hinugot niya ang cellphone niya.
Tumingin siya sa akin.
"It's Dad..."
Kumuyom ang kamao ko. Kung totoo ang mga sinasabi ng anak ko. Then I will never let that Divine to be her second mom. Never.
Inagaw ko ang cellphone ni Sera at ako mismo ang sumagot sa tawag niya.
"Serafina, it's just a dinner--"
"Ayaw ng anak ko na pumunta sa dinner na 'yan."
"What the--Rykki?!"
"Look Seth, we need to talk about that girlfriend of yours! Ano itong ikinukuwento sa akin ni Sera?!"
Nanlaki ang mga mata ni Sera sa sinabi ko.
Tumalikod ako at lumayo rito.
"What? Look Rykki, Sera's just being a brat. Kung anuman ang sinabi niya, hindi mo dapat--"
"I can't believe you Eros! Are you telling me na nagsisinungaling si Sera?"
Natahimik ang lalaki sa kabilang linya.
"Let's talk when you get home but for now just go and have a f*cking dinner with your girlfriend..."
TBC