DAY 8
SETH
Napapikit ako nang marinig ang sigaw ni Rykki mula sa kabilang linya. Iiling-iling kong ibinaba ang cellphone ko.
Kakatwang imbes na makaramdam ng galit sa sigaw niya ay naaaliw akong muling marinig ang mala-amazona niyang boses.
Kumunot ang noo ko sa naisip. What the hell? Bakit ako maaaliw sa boses ni Rykki?
Padarag na nagtungo ako sa swivel chair ko at naupo. Ipinaikot ko ito at humarap sa glass window. Pinagmasdan ko ang langit at napunta ang paningin ko sa ulap na nakagawa ng korte ng isang isda. Imbes na magtrabaho ay natagpuan ko ang sarili kong hinahanapan ng hayop o bagay ang langit.
This is what Rykki taught me when we were still together--
F*ck it! You're insane, Seth!
Pero sa pagpikit ko ay bumalik ang gunita ko sa alaala ni Rykki na walang sawang tumatawa habang nakatingin sa akin.
Mabilis akong dumilat at kinuha ang mga nakatambak na papeles na dapat kanina ko pa dapat pinirmahan. Kailangan ko nang mapagkakaabalahan.
Hinanap ko ang fountain pen ko sa mesa pero wala iyon doon. Naiiritang pinagbubuksan ko ang drawer ng cabinet thinking that I probably misplaced it.
Pagkabukas ko ng huling drawer ay natagpuan ko ang hinahanap ko, kinuha ko iyon. Pero nang isasara ko na iyon ay napunta ang paningin ko sa picture frame na nakabaligtad.
Inabot ko iyon at ipinaharap, bumungad sa akin ang larawan ni Rykki na nakasakay sa kabayo at nakangiti. Isang ngiting matagal ko nang hindi nakikita. Isang ngiting sa tuwing nakikita ko noon ay hindi mawala ang kabog sa puso ko.
Makikita ko pa kaya ang ngiting iyan?
Napailing ako sa iniisip at mabilis na inilagay sa dating puwesto ang larawan. Bakit nga ba sa hinaba ng panahon, hindi ko pa rin naitapon ang larawan. Pumikit ako at hindi na inisip pa ang dahilan. Ipinokus ko ang atensyon sa trabaho at saktong matatapos na ko nang dumating si Divine-my girlfriend.
"I thought magkikita na lang tayo sa restaurant?" tanong ko pero ngumiti lang siya at hinalikan ako sa labi. Pumikit ako nang mag-umpisang lumalim ang halik na iginagawad niya sa akin pero natulak ko siya ng isang imahe ang nakita ko sa pagpikit ko.
"What's the problem, hon?"
Tumikhim ako at tumayo. "Nothing, baka kasi pumasok ang secretary ko. Why don't we go now baka matraffic pa tayo..."
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya muling nagtanong at sumama na lang sa akin.
I've known Divine for almost three years, pinakilala siya sa akin ng parents ko and the rest is history.
"YOU know my best friend Claire is getting married..."
Saglit akong napatigil sa paghihiwa ng steak. "That's good news..." nasabi ko na lang sabay inom ng wine.
"How about us?"
Binaba ko ang hawak kong kopita at pinakatitigan si Divine. I like her. Magkaparehas ang mga gusto namin kaya madali ko siyang nakagusto.
But...I don't love her enough to marry her. I'm still not ready. Especially because of Serafina.
Iyon lang ba talaga?
"Divine, napag-usapan na natin 'to hindi ba?"
"You're still not ready? Kelan ka pa magiging ready when I can no longer bear a child?"
"Divine--"
"Tell me iyon ba talaga ang dahilan o hindi mo lang talaga nakakalimutan ang ex-wife mo?"
Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya. "I told you many times na ayoko siyang pinag-uusapan--"
"Sir?"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lumapit sa akin ang driver ko.
"Anong problema?"
"How dare you interrupt us?!"
"Divine!" pagsaway ko sa kanya na pinagbuntunan ng inis ang pobre kong driver.
"Sir, tumawag po kasi sa akin si Sera umiiyak hindi raw po kayo makontak... Nasa hospital daw po siya."
"Anong ginagawa niya ron?" gulat kong usal at nakaramdam ng kaba.
"Naibaba na po 'yung tawag bago ko pa matanong..."
Kumunot ang noo ko at mabilis kong dinampot ang cellphone ko na nasa lamesa. Nakapatay iyon kaya hindi ko naiwasang magtaka. I never turn off my phone. Pagbukas ko non ay bumungad ang maraming missed calls mula kay Sera. Tiningnan ko si Divine at kumunot ang noo ko nang makita ang panginginig ng daliri niya habang umiinom ng wine.
"May kinalaman ka ba rito?"
Iniwas niya ang paningin sa akin. "It's our date...I-I just want--"
Tumayo ako at hindi na siya pinatapos sa sasabihin niya. Hindi ko pinansin ang malakas na pagtawag niya sa akin at idinayal ko ang numero ni Sera. Nakailang dial ako pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
"Nasabi ba sa 'yo kung nasaang hospital siya?"
Tumango ang driver ko kaya lakad takbo kong tinungo ang kotse ko.
What the hell happened? Nasaan si Rykki?
Idinayal ko ang numero ni Rykki pero wala ring sumasagot. Nagmamadali akong tumakbo papasok sa hospital nang makarating kami ron.
"Serafina!" sigaw ko nang makita siyang nakaupo mag-isa sa labas ng emergency room habang umiiyak.
Lumapit ako sa kanya pero hahawakan ko pa lang siya nang pumiksi siya.
"Sweetie..."
"B-Bakit hindi ka po sumasagot? B-Bakit ngayon ka lang?"
"Sera s-sorry...my phone was turned off--"
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin dumarating sa tuwing kailangan ka namin ni Mommy! You never changed Dad! We'll always be your least priority! You were with Divine while I was so scared holding my unconscious Mom!"
"What happened to your Mom?!"
Pero hikbi lang ang isinagot sa akin ng anak ko.
"Sera--"
"Aki..."
Mabilis na tinalikuran ako ni Sera at lumapit sa kalalabas lang na lalaki sa emergency room.
"Tito Hiro, how's my Mom?! Is she awake?"
"She's still unconscious Aki but she'll be fine..."
"Magiging ayos lang ba talaga siya Tito?"
Kumuyom ang kamao ko nang yakapin niya si Sera.
"Stop crying Aki, your Mom won't like it..."
Tumikhim ako at doon napunta ang atensyon ng lalaki sa akin.
"Can we talk?"
Tumango siya at binalingan si Sera. "Aki, you can go inside and see your Mom, just stay quiet okay?"
Walang lingon-likod na nagmadaling umalis si Sera.
"What happened with Rykki?"
"S-She's fine, sabi ni Aki nagluluto daw sila nang nahimatay si Rykki..."
She fainted again?
"...tinatawagan ka daw ni Aki pero hindi ka sumasagot kaya ako na ang tinawagan niya."
"Anong sabi ng doktor?"
Iniwas niya ang paningin sa akin at hindi ko nagustuhan iyon. May tinatago ba siya?
"She's just stressed and overfatigue..."
Stressed?
Kumunot ang noo ko. "Ayon lang ba talaga?"
Tumikhim siya at tinitigan ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Bumuka-sara ang bibig niya na tila may gustong sabihin pero sa huli ay tumango lang siya.
"Can I talk with her doctor?"
Umiling siya, "No need. Nakausap ko na, aayusin ko lang ang papers para sa admission niya rito sa hospital. Hindi naman siya magtatagal pero oobserbahan pa siya ng doctor."
Tinapik niya ako sa balikat. "You can go inside para masamahan si Sera. Calm her down, takot na takot ang bata 'eh."
Hindi ko gusto ang lalaking ito pero malaki ang utang na loob ko sa kanya sa araw na ito kaya bago pa siya tuluyang makaalis ay nagsalita ako.
"Thank you for help...Mister Tan."
"Don't be too formal, you can call me Hiro..." saad niya makaraan ay naglakad na palayo.
NAABUTAN ko si Sera na hawak nang mahigpit ang kamay ni Rykki. May tumutulong luha sa mga mata niya na mabilis niyang pinalis nang mahagip ako ng tingin. Walang emosyon ang mga mata niyang tiningnan ako. Ramdam ko na naman ang pader na nasa gitna namin ng anak ko.
I'm doing my best to be a good father to her dahil ayokong magaya siya sa akin na lumaki na malayo ang loob sa magulang. Pero alam kong hindi pa rin sapat iyon. Hindi kayang tumbasan ng mga material na bagay ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Rykki. At ngayon, hindi ko alam kung ano na naman ang dapat kong gawin para hindi tuluyang lumayo ang loob niya sa akin.
"I'm sorry Sera," saad ko at tinangkang haplusin ang ulo niya pero katulad kanina ay mabilis siyang lumayo sa akin.
"Y-You don't know how scared I am Dad, I didn't know what to do and you are the person who was supposed to make me feel better but you weren't there...again. Sanay naman na ako, kasi hindi naman ito iyong unang beses na wala ka sa mga oras na kailangan kita...now I fully understand why Mommy had to leave. It's because of you...hindi mo kami mahal."
Umiling ako at lumalayo man si Sera ay pinilit kong mayakap siya. "You know it's not true! Mahal kita...mahal ko kayo," saad ko sabay dako ng tingin kay Rykki. Unti-unti siyang dumilat kasabay ng pagtulo ng luha mula sa gilid ng mga mata niya.
"H-Hindi siguro enough 'yung love ninyo Dad, para kami ang piliin ninyo kaysa ang ibang bagay."
Umangat ang kamay ni Rykki at inabot ang palad ni Sera. Mabilis na kumawala sa akin ang bata at hinarap si Rykki.
"Mommy!" bigkas niya sabay yakap kay Rykki. "Are you okay, now?"
Ngumiti si Rykki at hinaplos ang buhok ni Sera. "I'm fine Sera, I'm sorry for making you feel scared but do you remember what I always tell you?"
Binalingan ako ni Rykki at inabot ang kamay matapos ay ipinatong sa kamay ni Sera.
"Y-Your Daddy loves you more than anything in this world. If only I can take you back to the day that you were born, you'll see how your Dad cried when he first saw you. He cried because he loves you so much, he can't even hold you because he's afraid that he'll hurt you. Never ever doubt his love for you Sera..."
"But I can't help it Mommy, kasi minsan wala siya 'pag kailangan ko siya."
Umiling si Rykki. "Hindi iyon ginusto ng Daddy mo Sera, may mga hindi inaasahan lang siya na kailangan gawin. Pero hindi niya inuuna 'yon para sa sarili niya. Ginagawa niya 'yon para sa 'yo, kasi mahal ka niya."
Muli akong tiningnan ni Sera. Lumuhod ako at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
"I promise baby, this will be the last time na mawawala ako sa tabi mo. I'll do everything to stay by your side every time you need me..."
Kumibot-kibot ang labi ni Sera at makaraan ay niyakap na rin ako. "Promise me, Dad ah?"
"Promise..." saad ko at binalingan si Rykki. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at hinawakan ang kamay niya nang marahan. "Thank you..." I mouthed and she just smiled with tears in her eyes.
Habang tinitingnan ko ang maputla niyang mukha ay hindi ko alam kung bakit labis na pag-aalala para sa kanya ang nararamdaman ko ngayon.
TBC