Day Nine

1561 Words
Day Nine "HEY..." Napangiti ako nang pumasok si Hiro sa kuwartong kinaroroonan ko. I insisted on going home dahil ayos na naman ako pero ayaw akong payagan ni Seth at maging ni Sera kaya heto at wala akong magawa kung hindi manatili sa apat na sulok na silid na ito. "Okay ka na ba?" Tumango ako at hinawakan ang kamay niya nang makalapit siya sa akin. "T-Thank you for coming, naikuwento sa akin ni Sera--" Napatigil ako sa pagsasalita nang mahigpit niya akong yakapin. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagsinghot niya. "Loka ka, ito na nga bang sinasabi ko 'eh bakit ba kasi ayaw mo pang manatili na lang sa ospital at magpagamot?!" panenermon niya sabay layo sa akin. Umangat ang kamay ko na walang dextrose at pinahiran ang luhaan niyang pisngi. "Nasabi ko na sa 'yo hindi ba? I don't want Sera to see me in that condition...Mas mapapadali ang buhay ko rito eh." pinilit kong langkapan ng pagbibiro ang huli kong sinabi pero sinamaan ako ng tingin ni Hiro kaya tumawa na lang ako. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. "I was actually scared Hiro, nang maramdaman ko iyong sakit hanggang bumagsak ako. Pero ang mas masakit iyong nakita ko si Sera na umiiyak at natatakot dahil sa nangyayari sa akin... Iniisip ko tuloy kung nagiging makasarili ba ko sa paghangad na makasama siya sa sitwasyon kong 'to?" "Ry naman 'eh... Hindi ka makasarili, alam ko 'yon higit kanino man..." "Hindi nga ba? I almost lost Sera before and I lost him, hindi pa ba ko makasarili non? Maybe this is His way of punishing me for all the sins that I've committed. For not taking care of my children...for trying to kill myself..." Tumulo ang mga luha ko at sa pagpikit ko, bumalik sa alaala ko ang nangyari sa akin anim na taon na ang nakakalipas. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Hiro at doon ko tuluyang hindi napigilan ang sarili kong mapahagulgol. Why does it have to be me? "Bakit ngayon pa? A-ayokong iwanan si S-Sera...she doesn't deserve this." "Then fight... Susuko ka na lang ba? Do you really want to d-die?" "I don't want to. I want to live for Sera..." "WE can't have her operated..." said Dr. Kian Mendez. Coincidence that he was the one on duty when I arrived in the hospital kaya siya na rin ang naging attending physician ko. Mabuti na rin lang dahil baka kung iba ay masabi pa kay Seth ang kondisyon ko. I don't want him to find out. Not now. Ipinahatid ko muna si Sera sa kanya sa bahay, maigi na rin at hindi na galit sa kanya ang anak namin. "Bakit hindi puwede Dok?" "Her tumor was located in a delicate part of the brain. Sad to say, she has an inoperable tumor..." Frustrated na napapadyak si Hiro kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya. "Then what shall we do?" "We can do chemotherapy first...if it doesn't work, then we'll do the radiotherapy—" "How much would it costs?" pagputol ko sa sinasabi ng doktor. "Rykki, you don't have to worry about that!" pagsita sa akin ni Hiro. "Continue Doc..." "As I have already said, we'll start with the chemotherapy, once a week will be our session...We need to start this immediately. So, I suggest that we got to do this tomorrow since it's Saturday, nakuha ko na rin ang lab results mo and I don't see any reason para hindi natin isagawa ang treatment. Then kapag nakita kong kaya pa ng katawan mo, we’ll do also radiotherapy…" Napalunok ako. Pupunta bukas sila Sera at Seth dito. They can't see me undergoing that chemotherapy. "Is there a problem?" "Can we do it next saturday?" Kumunot ang noo ni Hiro. "Ry, its urgent!" "But Seth and Sera will be here tomorrow..." may pag-aalala sa boses kong saad. "If you're worrying about that. As I have told you, it is my duty to follow my patient request. Hindi malalaman ni Seth ang procedure na gagawin sa 'yo. We'll do it downstairs in my office..." Tumango ako. "Thank you Doc..." "No problem. Rest well tonight. You need it for our session by tomorrow." Nang makalabas siya ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Hiro. "Can I do this?" "You can, you're a strong woman Ry..." "But I'm scared..." "Don't be 'cause I'm here." IT was early in the morning when Seth and  Sera arrived. "Good morning Mommy, did you sleep well?" Umurong ako sa kama at tinapik ang gilid non. Agad namang nahiga si Sera at yumakap sa akin. "Careful Sera baka dumugo ang kamay ng Mommy mo..." Babangon sana si Sera nang mabilis kong pinulupot ang kabila kong kamay sa bewang niya. "It's fine baby... It's still early why don't you get a sleep?" "I missed your scent last night Mommy... Puwede bang kami ni Daddy ang magbantay sa 'yo later?" Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Sera. Kung sila ang magbabantay sa akin, they will see the side effects of the chemotherapy that I'm going to undergo. "Baby, tomorrow na rin naman ang discharge ko. It's uncomfortable sleeping in the hospital. Mahihirapan kayo ng Daddy mo..." Umungot si Sera pero hindi na rin nagsalita. Tumikhim si Seth kaya napatingin ako sa kanya. "Do you want some porridge?" Tumango ako at ngumiti. Saktong pagbukas ng pinto at pagpasok ni Hiro. "Ry, I bought you some lugaw downstairs---Oh nandito na pala kayo..." sulyap niya kay Seth. "Morning..." mahinang saad ng huli. Bumangon naman si Sera at nagtungo kay Hiro. "Morning Tito Hiro..." saad niya sabay beso kay Hiro. "Nagbreakfast ka na Aki?" "Hindi pa po. But we bought foods and fruits ni Daddy... Sabay ka na po sa amin Tito!" Umiling si Hiro at ipinatong ang dala niya sa table kung saan nakapatong din ang mga dala nila Sera. "Ay hindi na, good thing nandito na kayo I badly need a shower!" maarteng pagsasalita ni Hiro na ikinatawa ko. I can see from my peripheral vision kung paano kumunot ang noo ni Seth sa kilos ni Hiro. Siguro naman by now nahuhulaan niya na imposibleng maging boyfriend ko si Hiro. Lumapit sa akin si Hiro. "I'll be back in the afternoon. Kumain ka at magpahingang mabuti okay?" Tumango ako. Hinalikan niya ang noo ko at mabilis nagpaalam sa aming lahat. "Bye everyone..." saad niya sabay kumaway na tila nasa Miss Universe. "Tito Hiro is really funny, isn't he Dad?" "Why is he like that?" tanong ni Seth kay Sera na busy sa pagbabalat ng prutas. "Like what Daddy?" "Is he...gay?" halos pabulong ang huli niyang sinabi pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. Tumikhim ako. "So, where's my porridge Seth? I'm really hungry..." Tumingin sa akin si Seth waring hinihintay ang sagot ko sa tanong niya habang si Sera naman ay bumubungisngis. Tuwang-tuwa sa reaksyon ng ama. "To answer your question. Yes. He is gay." "I-I thought he's your boyfriend..." Doon na kami sabay na natawa ni Sera. "You're not always funny Dad but today you are. " malambing na yumakap si Sera sa ama. Napangiti na lang ako. "I want some strawberry milk, I'll buy one downstairs, can you give me five hundred Dad?" Ah. Kaya pala yumayakap. Napailing ako, "Aba't ang mahal naman yata ng strawberry milk na yan Serafina." Natawa si Seth nang ngumuso si Sera at umungot. Kinuha naman ni Seth ang wallet niya at inabutan ng isang libo si Sera. "Yay! Thanks Dad!" mabilis itong humalik sa pisngi ng ama at dali-daling lumabas. "Wag kang lalayo Sera, magpasama ka kay Mang Gustin..." pahabol ni Seth bago tuluyang makalabas si Sera. "Masyado mong iniispoil si Sera..." "She has all the right to be spoiled. She's my only daughter after all." Pinagmasdan ko si Seth habang inaasikaso ang mga pagkain na dala nila ni Sera. Supposed to be, hindi lang sana si Sera ang iniispoil mo ngayon. What if hindi ako umalis noon? What if  hindi ko hinayaan iyong sarili ko na kainin ng selos? What if nagtiwala ako sa 'yo? What if... So many what ifs... Pero walang magbabago sa kasalukuyan ngayon...and maybe it’s for the better. "Hey...are you okay?" Isang tapik sa balikat ko ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. Hindi ko namalayan na masyado nang napalalim ang iniisip ko. Pagtungo ko ay nakita ko ang food table na nasa harap ko na. Nakapatong ang umuusok pang lugaw at mga hiniwang prutas. "Y-Yeah, I'm fine. Thanks for this by the way...Kain na tayo?" "I'll eat later...What did the doctor say?" Napahinto ako sa pagkuha ng kutsara sa narinig kong tanong. Tumikhim ako at ipinagpatuloy ang pag-abot sa kutsara. "Just overfatigue and...stress." "Why are you stress?" Who wouldn't be even stress finding out that you have cancer... "You're spacing out again..." Sa narinig ay hinipan ko ang lugaw at mabilis iyong sinubo. Sunod-sunod na subo ang ginawa ko hanggang sa maramdaman ko ang pag-iinit ng dila ko makaiwas lang sa tanong niya. "Hey slow down, you should drink first." "I'm sorry for asking you those things..." Umiling ako at ininom ang inabot niyang tubig. "You don't have to...it's just that Seth, we're not the same people that we used to be. So, I can't like... you know, confide things to you just like before." "I understand..." pagtango niya. "But why didn't you even tell me that Hiro is not your boyfriend." I don't want to look like a pathetic one who can't get over with you. "You are my ex-husband..." Tinitigan ko si Seth at pinigilan ko ang sarili kong haplusin ang pisngi niya. "And I'm your ex-wife. There's nothing between us...besides Sera. It's been years since we last talked with each other. Walang rason para itama ko kung anong iniisip mo sa amin ni Hiro. Wala ka namang pakialam hindi ba?" Natahimik siya. "I see..." "Rykki, did you regret leaving me?" Bumukas-sara ang bibig ko. Saktong handa na akong sabihin ang sagot ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Doctor Kian Mendez. My doctor...and Seths' cousin. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD