Day Thirteen

1114 Words
Day 13 "How d-dare you--" "Hindi ako nabuhay sa mundong ito para saktan mo, Miss lalo pa't wala akong masamang ginagawa sa 'yo," pilit kong pinahihinahon ang sarili kong putol sa sasabihin niya.  "Wala kang ginawa?! You were with my boyfriend!" "So, did you see us doing something? Magkasama lang kami! Wala kaming ginagawang masama." "Liar!" "Enough, Divine!" Hinawakan ni Seth ang braso ko at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya habang sinusulyapan ang pisngi kong namamanhid. "Are you okay?" Pinalis ko ang kamay ni Seth at walang lingon-likod na pumasok ako sa loob ng bahay. Nanghihinang napasandal ako sa gate nang maipinid ko iyon.  "What's the meaning of this? Diyan ba siya tumutuloy? Seth! How c-could you do this to me? Are you cheating with your ex-wife?!" Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Seth at naglakad na ako patungo sa main door. Napahawak ako sa seradura nang makaramdam ng hilo.  "M-Ma'am, ayos lang po ba kayo?" gulat ang ekspresyong tanong sa akin ng kasambahay na si Meling nang makita ako.   Napahawak ako sa buhok kong tiyak gulo-guloat napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa tuhod ko at palad ko na nasugatan pala sa pagkakasubsob ko kanina.  "Si Sera?" alala kong tanong na nilinga ang paligid at nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niyang nakatulog ang anak ko.  "Sandali lang ho Ma'am, kukunin ko lang po iyong first aid kit," pigil sa akin ni Meling nang patungo na ako sa hagdan. Pilit ang ngiting umiling ako sa kasambahay. "No need, thanks Meling." Lumulundo ang paligid na napaupo ako sa kama at nahipo ang ulo ko nang makarating ako sa kuwartong tinutuluyan ko. Hinaplos ko ang pisngi ko at napapikit nang tila isang pelikulang bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina sa amin ng girlfriend ni Seth. Umiling-iling ako at inihiga ang liyong nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng ulo at buong katawan ko na hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising ako nang maramdaman ang malamig na bagay sa pisngi ko.  Kumukurap-kurap ang matang natagpuan ko ang sarili kong nakatitig kay Seth na napahinto sa paglagay ng icebag sa pisngi ko. Nang unti-unting bumaba ang ulo niya ay tila doon ako natauhan at naitulak ko siya. "What are you d-doing?" Hindi magawang tingnan siyang bumangon ako.  Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Sorry, I-I was--" "Iyong girlfriend mo? Nakapag-usap na ba kayo?" putol ko sa sinasabi niya. Ipinapaalala sa kanya ang estado ng buhay na meron siya ngayon.  He's committed to someone else. "Yeah...w-we broke up. I broke up with her, I'm sorry for what she did to you--" "Why?" anas kong tanong sa kanya na nagawa na siyang tingnan.  "Because I realized something, Ry...I'm being unfair to her because until now, it's still you. It's still you I want...I need...and I love." Umiling-iling ako at pagak na tumawa sa mga sinabi niya. "No, nagkakamali ka lang, Seth. You're just like this dahil sa mga nalaman mo. Dahil sa n-naaawa ka sa akin--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mariin niya akong siilin ng halik. Mariin ko siyang itinulak pero mas lalo niyang idiniin ang labi sa akin. Ang palad kong nakadiin sa dibdib niya ay hinawakan niya at pinigilan ako sa pagtulak sa kanya. Nang maramdaman ang kakapusan nang hininga ay naibuka ko ang labi ko dahilan para mas mapalalim niya pa ang halik na iginagawad sa akin.  Tumulo ang mga luha sa mga mata ko at ang palad kong mariin na nakakuyumos sa damit niya ay lumuwag at natagpuan ko ang sarili kong iniangkla iyon sa leeg niya. Itinapon ang natitirang pangamba sa isip ko at pinabayaan ang sarili kong malunod sa init ng halik ni Seth. Hinayaan ang sariling darangin sa apoy na isinisigaw ng utak kong mali pero hindi magawang pahindian ng katawan at puso ko.  "I love you...I missed you, Rykki...please be mine again," bulong ni Seth nang marating namin ang kasukdulan. Napapikit ako at napaiyak na lang hindi magawang makasagot. HINDI pa sumisikat ang araw ay bumangon ako at minasdan ang nahihimbing na si Seth sa tabi ko. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayapos sa bewang ko. Sa pagtayo ko ay napangiwi ako sa hapding dumaloy sa kaselanan ko na hindi ko na ikipinagtaka sa ilang ulit na ginawa namin ni Seth. Napapasabunot sa ulong nagtungo ako sa banyo at inayos ang sarili ko.  What the hell, Rykki? Ano 'tong ginawa mo?! Nanginginig ang mga kamay na inayos ko ang mga gamit ko at tahimik na nilisan ang kuwarto pinilit alisin ang tingin kay Seth na ikipinagpasalamat kong hindi nagising. Napahinto ako sa tapat ng kuwarto ni Sera at dahan-dahan kong binuksan iyon. Hinaplos ko ang buhok nang nahihimbing kong anak.  Running away, again? Really, Rykki?  Sa naisip ay mariin kong nahawakan ang handle ng bag ko. Inalala ang dahilan nang pagbabalik ko sa bahay na ito. Para makapiling si Sera sa nalalabing oras ng buhay ko. Naibagsak ko ang kapit na bag at humiga. Umungol si Sera at agad na ipinulupot ang mga kamay sa bewang ko. Niyakap ko si Sera at hinalikan ang noo niya.  "I-I'm sorry, my baby...I w-won't leave, not now. H-Hindi ko pa pala kaya, 'nak. P-pero anong gagawin ko? Paano ko haharapin ang Daddy mo? How can I stay kung aalis din naman ako? How can I tell him that I'll still leave no matter how much I wanted to stay?" "W-Where are you going?" Nanigas ako at hindi magawang bumaling sa pinto sa narinig na boses.  "I'm asking you, Rykki...saan ka pupunta?" Bumuntong-hininga ako at bumangon yumuko ako at pinahid ang mga luha ko bago hinarap si Seth na larawan ang takot sa mga mata.  "S-Somewhere far away, Seth." Kumunot ang noo niya. "What the hell are you trying to say, Rykki?" Mapait akong ngumiti at dinampot ang bag ko bago itinulak si Seth papalabas sa kuwarto ni Sera sa pangambang magising ang bata at isinara iyon.  "L-let's forget what happened, Seth," napapalunok kong malayong tugon sa tanong niya. "Mali 'to. Hindi dapat nangyari--" "Paanong naging mali? This happened because we both want it. Because just like me, you still love me right?" Napalunok ako at pinakatitigan si Seth. Ang pag-asa sa mga mata niya ay nababasa ko. "Am I dying?" "I'm sorry..." Pumikit ako at umiling-iling. "H-Hindi...Sorry Seth, but I don't love you anymore." Mabilis akong tumalikod pero mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko para pigilan ako sa pag-alis ko.  "I don't believe you...hindi mo ibibigay ang sarili mo sa akin kung hindi mo ako mahal!" Pinigilan ko ang pagtakas ng hikbi mula sa bibig ko. "You can't blame me, m-may pangangailangan din ako pero hindi ibig sabihin no'n mahal p-pa rin kita." "Stop lying! Hindi iyon ang pinaramdam mo sa akin, Rykki! Please, love...let's go back to the way we used to be." Umiling ako at marahas na hinila ang kamay ko mula sa kanya. "We can't, Seth. Ang nakaraan ay mananatili roon at hinding-hindi na natin maibabalik pa ang meron tayo noon..." TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD