DAY 14
“Then let’s start anew, Rykki. Hindi natin kailangang ibalik ang nakaraan kung puwede namang magsimula tayong muli.”
Humigpit ang kapit ko sa seradura ng pinto sa narinig na sinabi ni Seth. Umiling-iling habang mariing pumikit patuloy sa pagkawala ang mga luhang gusto ko mang pigilan ay hindi ko magawa.
How can we start anew kung mawawala rin naman ako? Para saan pa?
“But what t-to do? I don’t want to—”
“Then what do you want me to do? Ang hayaang mawala ka muli sa buhay ko?”
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya mabilis kong binuksan ang pinto at isasara na sana nang marahas niya akong hilahin patungo sa kanya.
“What’s holding you back, Rykki?” anas niyang hinaplos ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang patuloy ang pamamalisbis. “You wouldn’t cry like this kung totoo ang sinasabi mong hindi mo na ako mahal. Do you want me to beg? To kneel? Anong gusto mo para hayaan mo kong muling maging bahagi ng buhay mo?”
Napatda ako nang makita ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Seth. His eyes are begging me to agree with what he wants. And I want to gave in but I can hear those words inside my head telling me that I’m dying.
“N-Nothing Seth, ‘wag na nating ipilit pa, what happened with us was just a mistake! It’s not love, it’s just lust! Nothing else!”
Itinulak ko siya at patakbong pumasok sa kuwarto pero bago ko pa maisara ang pinto ay nakapasok na siya at marahas na isinara iyon.
“Take back what you just said!” mariin niyang pag-alog sa balikat ko. Matalim ang matang nakatingin sa akin pero hindi galit ang nakikita ko roon kung hindi sakit.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at marahas na bumuga ng hangin.
“It wasn’t l-lust, Rykki. I never touched you with just lust. I did that because I love you. It was only you, Ry…why is it so hard for you to accept me?”
“And why is it so easy for you to ask me to take you back again when everything is complicated?!”
“Ano bang komplikado sa atin Rykki?! May anak tayo, hindi mo ba gustong mabigyan ng buong pamilya si Sera? Is this about Divine? My parents? I’m willing to give up everything just to have you again, Ry—”
“Ang komplikado ay kahit anong gawin o sabihin mo, hindi pa rin no’n magagawang mapanatili ako sa buhay mo!”
Kumunot ang noo niya at umiling-iling. Ang tingin ay nagsasabing hindi niya maunawaan ang sinasabi ko.
Bakit ko pa ba kailangang itago, kung malalaman niya rin naman?
“I’m…dying, Seth.”
Napatda siya sa sinabi ko at lumipas ang ilang minutong nabalot ng katahimikan ang kuwartong kinaroroonan namin.
“W-What?”
Lumunok ako at tinatagan ang sarili kong ulitin ang mga salitang hindi pa rin magawang lunukin ng isipan ko. “I’m dying—”
“No! A-Ano bang pinagsasabi mo? This is not the time for a joke—”
“J-Joke? Oh, how I wish it was a joke, Seth but it’s not.”
Umiling-iling siya. “Bakit ka mamamatay? I d-don’t believe you—”
“Brain tumor. Terminal illness. You can directly ask my doctor, Seth. He’s your cousin.”
Lumunok siya na tila hindi pa rin maproseso ang sinasabi ko.
“H-How can we start a new life together again when I don’t even know kung magigising pa ako bukas…I’m dying, maybe two months from now, one-month, next week or tomorrow.”
“B-Baka nagkakamali lang sila, we can ask for a second opinion—"
Pumikit ako at tinuktok ang ulo kong nag-uumpisang kumirot na naman. “I d-don’t want to believe it, too. Gusto k-ko ring paniwalaang nagkakamali lang sila but I can feel this f*cking thing growing inside my brain!”
“You’re not going to die! I’m not going to let you die!”
“Hindi kayang bilhin ng pera mo ang buhay ko, Seth. N-Nakapagdesisyon na ako, bago pa tuluyang lumala ang kondisyon ko, I’ll have myself admitted in the hospital hindi para m-magpagamot kung hindi para doon—”
“Shut up! Hindi ka aalis sa bahay na ‘to! I’ll save you!”
Mapait akong tumawa. “How can you do that?”
Natahimik siya na tila hindi alam ang isasagot sa tanong ko.
“L-Let’s talk tomorrow, y-you should sleep.”
Tumalikod siya at nanghihinang naibagsak ko ang katawan ko sa kama nang lumabas siya.
SETH
“I’m…dying, Seth.”
Umiling-iling ako nang tila sirang plakang umukilkil iyon sa isipan ko. Mabibilis ang hakbang tumakbo ako pababa. Sa sobrang pagmamadali ko ay walang sapin ang paang tinakbo ko ang bahay ng pinsan kong si Kian.
This is not true…
“Kian!” sigaw ko nang nakailang pindot na ako sa doorbell ay hindi pa rin siya lumalabas.
“What the hell is your problem—”
Kunot-noong minasdan ni Kian ang ayos ko. “Seth, anong problema?”
“R-Rykki told me that s-she’s dying, i-is it true? It’s, not right?”
“Let’s go inside,” akag niya sa akin papasok pero tinulak ko lang siya.
“Tell me na nagkamali lang kayo! She’s not dying! A-Ayos lang siya, she’s not sick!”
“Calm down, Seth. Doon tayo sa loob mag-usap,”
Tumango-tango ako at inunahan siya papasok. “Answer me now!”
I never thought that a simple nod from him would hurt this much. Nanghihinang napaupo ako at nakuyumos ang dibdib ko sa paninikip na nararamdaman ko roon.
“N-No…you can save her right?” tingala ko sa kanya.
“I can’t promise you that…i-iyong case ni Rykki, it’s a rare case. Sa ngayon, ang magagawa lang namin ay ang subukang mapigilan ang paglaki at pagkalat ng tumor sa utak niya but we can’t do it if she won’t cooperate—”
“She will cooperate, then s-she’ll live right? You have lot of cancer patients na nagawa mong sagipin, Kian! Kung sila nakaligtas, ganoon din si Rykki hindi ba?”
“Seth, I told you I can’t guarantee you—”
“If you can’t do it, how about I bring her to states? She’ll survive then, right?”
“Seth…”
Umiling-iling ako at parang batang napayuko ako doon lang namalayan ang patuloy na pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.
“I-I can’t lose her, Kian. I need her!” sigaw kong hindi na nahiyang ipakita ang kahinaan ko sa harap ng pinsan ko.
Mataas na ang sikat ng araw nang nilisan ko ang bahay ng pinsan ko. Nang kumalma ay pinakinggan ko ang tungkol sa sakit ni Rykki.
I won’t let you give up, Rykki…you’ll survive this.
Tangan ang determinasyon na maililigtas ang dati kong asawa ay bumalik ako ng bahay para lang mapatda sa naabutang sitwasyon sa loob.
“Bitiwan mo si Mommy, granny!”
“Celestine, enough!”
Pakiramdam ko nagdilim ang paningin ko nang makita ko ang ina kong hila-hila ang buhok ni Rykki.
“Mama!” sigaw ko at buong lakas na naitulak ang ina ko palayo kay Rykki.
“Seth!” tili ng ina kong mabilis naalalayan ng ama ko.
“Enough, Mama! Wala kayong karapatan—”
“Seth…” pigil sa akin ni Rykki na nakita ko ang pamumula ng pisngi na tiyak na kagagawan ng ina ko.
“How dare you na muling ipilit ang sarili mo sa anak ko!”
“S-Sorry h-ho—”
“Sorry? My son is getting married and here you are—”
“I am not getting married, Mama! Hiniwalayan ko na si Divine!”
“Dahil lang sa mababang klase ng babae na ‘yan—”
“You have no right to insult my wife, Mama!”
Tumawa ang ina kong galit ang nakikita ko sa mga mata. “Wife? Baka nakakalimutan mo hijo, that you have no connection with her maliban sa ina ng anak mo!”
“I’m going to marry her again, Ma.”
“Seth!” gulat na saad sa akin ni Rykki pero hindi ko siya pinansin.
“Bawiin mo ang sinabi mo hijo, hindi ako makakapayag!”
“Malaki na ako, ma. Hindi ko na kailangan ng permiso mula sa inyo!”
Isang malakas na sampal ang iginawad sa akin ng ina ko pero hindi ko iyon ininda.
“Dahil na naman sa babaeng ‘yan kaya nagagawa mo akong bastusin nang ganito! This is the reason why I never like her! Kailanman hinding-hindi ko siya matatanggap—”
“Enough granny! When will you stop talking bad about my Mommy?!” umiiyak na putol ng anak ko sa ina ko.
“Sera! D-Don’t talk to your grandmother—”
Hindi natapos ni Rykki ang sasabihin niya nang tumakbo si Sera papanhik. Agad na marahas na kumawala si Rykki sa pagkakapit ko para habulin ang anak namin. Nasa halos kalagitnaan na ng hagdan si Rykki nang huminto siya. Nakita ko ang pagkapit niya sa balustre ng hagdan. Binilisan ko ang hakbang ko para mabilis na makalapit sa kanya pero huli na ang lahat.
“Mommy!” malakas na tili ni Sera kasabay nang pagkahulog ni Rykki sa hagdan.
Tila tinulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang walang malay na si Rykki.
No…
TBC