Thank you for reading this story. Sorry for the slow update.
DAY 12
“Ry, what happened to us?”
Ano nga bang nangyari sa atin, Seth?
Watching Seth cries makes my heart ache tremendously. Five years ago, when I hate him so much, I wanted to see him cry. I wanted him to be in pain. Gusto kong maramdaman niya iyong sakit na naranasan ko. Iyong sakit na hanggang sa pagpikit ng mga mata ko dala-dala ko. Na umabot sa puntong mas pinili ko na lang mawala para matapos na ang sakit.
Pero ngayon habang pinagmamasdan ko ang pagtangis niya pakiramdam ko may tumutusok na pagkarami-raming karayom sa puso ko. Sa bawat hikbi mula sa kanya papasikip nang papasikip ang dibdib ko.
Nanghina ang mga tuhod ko at napaupo na rin ako hindi na napigilan ang pagkawala ng luha sa mga mata ko. Sa pagbaling ay nasulyapan ko ang himlayan ng anak ko.
Pagapang na lumapit ako roon at hinaplos ang mga letra ng pangalan ni Austin. Isang anghel na saglit lang ipinahiram sa akin.
“I didn’t know that I was pregnant when I left with Sera, Seth…” pagsisimulang kuwento kong hindi pa rin siya sinusulyapan. Pinunasan ko ang mga luha ko at malungkot na ngumiti. “Unlike Sera, apat na buwan nang nasa sinapupunan ko si Austin bago ko nalamang buntis ako…”
“S-So why didn’t you tell me? Bakit hindi ka bumalik?”
Humikbi ako at umiling. Hindi makasagot dahil ako mismo hindi maintindihan ang takbo ng isip ko ng mga panahong iyon. Ang naalala ko lang ay mas pinili kong takasan ang magulong relasyon namin noon. Ang alisin si Sera sa pagsasamang mas lamang ang sakitan at awayan.
“Ry, ano bang naging mali? Ano bang naging kasalanan ko? Did you left because you stopped loving me? Iyon ba ‘yon Ry?”
Doon ko hinarap si Seth. “No…believe me. That time I still love you, Seth. I still want to save our relationship pero…ang hirap, nahihirapan na ako.”
“I-If you really love me, you wouldn’t leave me no matter how difficult our situation was Ry…kasi iyon ang sinumpaan natin hindi ba? Iyon ang pinangako natin sa isa’t-isa,” aniyang pumatak na naman ang luha sa pisngi.
“I didn’t leave because I stopped loving you, I left because you made me feel like I’m no longer the woman you loved.”
“I-I don’t understand you, Ry…”
Tumingala ako at mapait na ngumiti inalala ang nakaraan. Walang katapusang awayan. Walang katapusang pagdududa.
“Pakiramdam ko Seth, I lost myself. Na naiwala ko iyong babaeng minahal mo…unti-unting naubos iyong tiwala ko sa ‘yo at maging sa relasyong meron tayo. Every fight we had, every hurt words we said…it break us. Nasira sa puntong hindi na magagawang ayusin pa. At nakita kong maging si Sera ay naapektuhan no’n.”
“Kung n-nagtiwala ka lang Ry…kung nagawa mong pagkatiwalaan ang pagmamahal na meron ako para sa ‘yo—”
“But you didn’t give me reasons to believe that love, Seth. As I lost myself, I lost you, too.”
Natahimik siya at bumukas-sara ang bibig na may gustong sabihin pero tanging malalim na buntong-hininga lang ang nagawa.
“H-How did he…d-died?” tila hirap na hirap niyang tanong nakatitig sa himlayan ni Austin.
“H-Heart disease. He’s a blue baby. I-I was planning to bring him to you when I found it, kasi alam ko may kakayahan kang maipagamot siya b—but he gave up. His heart stop beating. That day when Sera almost died, I lost him, Seth. It was all because of my selfishness, I failed as a mother.”
“Rykki…”
Umangat ang kamay niya na tila gusto akong hawakan pero ikinuyom niya iyon at isinuntok sa lupa.
“I-I’m sorry Seth if I didn’t give you a chance to see him…and know his existence. I’m sorry if I failed to fulfill my promise to be a loyal wife and to be a good mother to our children. I-I’m sorry if I—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako at mahigpit na yakapin.
"N-No, I should be the one to say that...sorry Ry, if I failed to see your pain. I was damn focus with work that I forgot how to cherish our relationship. Sorry k-kung napagod akong ipilit sa 'yong mali ang mga iniisip mo, kung binigyan kita ng dahilan para bumitiw, patawarin mo 'ko."
Umangat ang mga kamay ko hindi na nagawang pigilan ang sarili kong yakapin pabalik si Seth. I closed my eyes as I felt his warm embrace.
"ARE you hungry?" untag sa akin ni Seth habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay. Umiling ako at hinilot ang nagsisimulang manakit kong ulo.
"H-Hindi, pero ikaw ba?" balik-tanong ko nang maalalang tiyak ay wala pa siyang kain mula kahapon.
"Not really, drive thru na lang tayo pasalubong na rin kay Sera?"
Tumango ako at sa pagpintig ng ulo ko napangiwi ako. Napabuga ako ng hangin at kinuha ang gamot sa bag ko not minding Seths' stare on me as the traffic lights turned red causing his car to stop.
"You should have stay on the hospital, mukhang hindi ka pa okay."
Pilit akong ngumiti matapos mainom ang gamot. "Ayos na ako, migraine lang."
"You sure?"
Tumango ako at iniwas na ang tingin sa kanya. Napunta ang tingin ko sa pamilya sa sidewalk na masayang naglalakad. Pasan-pasan ng lalaki ang isang batang lalaki habang batang babae na maliit ay nakahawak sa nahinuha kong ina niya.
Habang pinagmamasdan ko sila pumasok sa isip ko na ano kaya kung hindi ako umalis noon. Nabuhay kaya si Austin? Katulad din ba nila kami ngayon?
Pero mapait akong napangiti nang maalala ang kondisyon ko. I'm dying. Still dying. My fate won't change even if I didn't leave.
"About your scar..."
Binalingan ko si Seth at nasulyapan ang pulsuhan kong may bakas ng kamalian ko noon na tinatakpan ko ng relo. "It's all in the past, Seth. Let's not talk about it."
Pumikit ako para ipakita sa kanyang ayoko nang pag-usapan pa. Katulad nang sinabi niya kanina ay dumaan kami sa fast food chain para umorder ng pasalubong kay Sera. Saktong pagbaba ko ng kotse ay ikinagulat ko ang paglitaw ng babaeng galit na galit sa harap ko.
"So, ito ba ang dahilan kaya hindi na kita makontak pa, Seth? This woman?!" sigaw niya at hindi na ako nakaiwas pa nang ang palad niya ay malakas na dumapo sa pisngi ko.
"Divine! Goddamn it!"
"You're such a slut! Mababang klase ka nga ng babae katulad nang sinasabi ni Tita! How dare you steal what's mine?!"
"Utang na loob, Divine! Don't make a scene here! Wala kang karapatang saktan si Rykki!"
"Meron! Dahil inaagaw ka niya sa akin!"
Pinanood ko ang pag-aaway nila sa harap ko. Ang sigawan sa pagitan nila ay nagpapalala sa sakit ng ulo ko.
"Wala akong inaagaw sa 'yo! At wala akong balak agawin siya sa 'yo!" sigaw ko dahilan para matigil sila sa pag-aaway.
Ngumisi siya sa akin at sinamaan ako nang tingin. "Wala? Then anong ginagawa mo rito?!"
"Hindi ko obligasyong magpaliwanag sa 'yo, Miss."
Tumalikod ako at iniwan sila pero hindi pa nga ako nakakalayo nang maramdaman ko ang paghila sa buhok ko. Sa sobrang lakas ng hila ay napadapa ako sa lupa sa pagkawala ko ng balanse.
"Divine! Enough! Damn you!"
"Damn you too and this woman!"
Mariin akong pumikit at hinawakan ang kamay niyang mahigpit ang kapit sa buhok ko. Buong lakas kong hinawakan iyon at marahas na inalis sa buhok ko kasehodang matanggalan ako ng buhok. Hindi na ako nakatiis at malakas ko siyang sinampal sa mukha dahilan para mapatigalgal siyang mapatingin sa akin.
TBC