DAY 10
RYKKI
"Good morning--oops am I interrupting something?"
Tumikhim ako at umiling. "Nothing Doc..."
"What are you doing here?" kunot na kunot ang noo ni Seth na tanong niya sa pinsan niya.
"That's a nice greeting man...I'm her Doctor. Hindi na kita naabutan kagabi eh."
"He's your doctor?" pag-uulit sakin ni Seth na tila hindi niya nakita o narinig si Doctor Kian Mendez.
"You heard him..."
"I see..."
I don't know kung namalikmata ako at nakita ko ang pagtagis ng bagang niya na tila hindi niya nagustuhan ang nalaman niya.
"Hey Seth, may masama ba kung ako ang doktor ng asawa--I mean your ex-wife?" paglapit niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Tila iniinspekyon ang dextrose na nakakabit sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Ngumisi siya at napapikit ako nang mapagtanto ang ginagawa niya.
He's teasing Seth and I don't understand why he's doing that.
"No but I don't think that you need to hold her hand Kian."
Tumawa ang doktor at binitawan ang kamay ko. "Didn't see you being overprotective to someone besides Sera..." pagsipol pa nito. "Hey, you ditch us last week, don't tell me may masama kang iniisip noong nakita mo si Miss Rykki sa bahay ko?"
Natahimik si Seth at hindi nakasagot.
If you really knew me, hindi mo ko pag-iisipan ng masama Seth...
"You didn't tell him?" pagbaling sa akin ni Doctor Mendez.
"Tell me what?"
Please Seth, don't act like this...
"Oh, so hindi niya nakuwento how did she end up in my place that night?"
Wala ni isang nagsalita sa aming dalawa.
"Well, she passed out and I almost hit her with my car."
"What?! She passed out?"
Pumikit ako at iniwas ang tingin kay Seth.
"She passed out and you brought her to your house. You're a doctor, at ang pasyente sa hospital dinadala, Kian." matalim na saad ni Seth.
"Seth!" pagsaway ko sa kanya dahil tila nanghahamon ng away ang tono ng boses niya.
"Chill Seth, sorry I didn't think that way. I'm a doctor, I have my own things to treat her in my house. I assessed her condition before I decided to bring her to my home."
Hindi nakapagsalita si Seth sa sinabi ng huli.
"And if I knew that she's Sera's mother, eh di sana tinawagan kita...you didn't introduce her to me when I went home from states four years ago eh di sana nalaman ko..."
"I'm already his ex-wife at that time Doc..."
Natahimik ang doktor at mayamaya ay awkward itong tumawa. "Y-Yeah, I forgot...He was my closest one in my cousins but he just ...you know never talks about his personal life that much...so imagine my surprise when I got back from states and found out that he has a daughter and an...ex-wife."
I felt relief when his phone rang.
"I need to go...your vitals looks fine. I'll come back later again Miss Rykki."
Tinapik niya si Seth sa balikat at tuluyan nang umalis.
"D-Do you really have to act like that?"
"Act like what?"
"You're rude."
"I'm not."
Lumunok ako at bago ko mapigilan ang sarili ko ay natanong ko na ang bagay na kanina pa tumatakbo sa isip ko.
"Are you jealous?"
Tinitigan niya ko na tila tinubuan ng isang ulo ang noo ko. "Me? Jealous?"
"You’re, not right?"
"I'm not jealous."
Tumango-tango ako. "Good. You should never be jealous with Doctor Mendez or to any guy associated with me..."
"Why?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Because being jealous means being in like or in...love with that p-person."
Natahimik siya at pinakatitigan ako.
Pumintig nang malakas ang puso ko sa titig niyang iyon. I don't like what I'm seeing in his eyes right now.
It's the same look...that told me he loves me.
"Y-You hate me right?"
"I-I don't."
Umiling ako. "No, you hate me. For what happened to us...for being a careless mother to Sera. So please Eros, stay that way. Hate me and you should never forgive me..."
Tinalikuran ko siya bago pa niya makita ang pagpatak ng luha ko.
"I--I'll find Sera, masyado na siyang natatagalan sa baba."
Nang marinig ko ang pagpinid ng pinto ay tuluyan na akong napahikbi at napaiyak.
SETH
HINDI ko alam kung gaano ako katagal nakatayo sa labas ng kuwarto ni Rykki pero namalayan ko na lang na muli kong binuksan ang pinto ng kuwarto niya. Tila naestatwa ko sa kinatatayuan ko nang maabutan ko siyang nakatalikod at dinig na dinig ko ang pag-iyak niya. Ramdam ko ang sakit at hirap mula roon.
Pero bakit? Bakit siya umiiyak?
I don't hate her. Totoo ang sinabi ko kanina pero bakit ayaw niyang paniwalaan? Bakit ayaw niyang patawarin ko siya? Dahil ba hindi niya kayang suklian iyon? Hindi niya ba kayang patawarin ako?
Nagalit ako sa kanya. Oo. Nang umalis siya at itago sa akin si Sera. Nang mag-agaw buhay si Sera. Nang muli siyang bumalik. Nang makita ko siya sa bahay ng pinsan ko.
Oo nagalit ako pero hinahanap ko ang galit kong 'yon ngayon pero wala akong makapa sa puso ko na galit para sa kanya.
Galit para sa sarili ko. Iyon ang meron.
Dahil pakiramdam ko isa ako sa dahilan nang pag-iyak niya ngayon.
Sumandal ako sa pader at pinagmasdan ko lang ang pag-alog ng mga balikat niya kasabay nang papahinang mga hikbi niya. Ni hindi niya naramdaman ang presensya ko. At sa tagal nang pagkakakilala ko sa kanya, hindi na ito bago. Dahil sa tuwing umiiyak siya, nawawala ang atensyon niya sa paligid niya.
Pero bibihira lang umiyak si Rykki. She's a strong woman. One of the reasons why I fell for her.
Lumapit ako sa kanya nang mapansin na nakatulog na siya. Pinunasan ko ang luhaan niyang pisngi at gilid ng mata. Kumibot ang noo niya at inaakala kong magigising siya pero muli lang tumulo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.
"What is your problem, Ry? I want to know..."
Inayos ko ang higa niya pero napatigil ako nang dumako ang tingin ko sa palapulsuhan niya sa kaliwang kamay.
Lumakas ang t***k ng puso ko nang makita ang mahabang peklat doon. At nakakasiguro kong wala ito noong mga panahong asawa ko pa siya.
Hinawakan ko iyon at dinama ang peklat na naroon kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.
"What did you do to yourself, Ry?"
Gusto kong malaman ano ba talaga ang nangyari sa amin. Bakit pakiramdam ko ang dami kong hindi alam tungkol sa kanya.
Ano ang ibig sabihin ng markang nakita ko?
Did she try to kill herself?
Nang makita ang pagkunot ng noo niya ay binitiwan ko ang kamay niya at lumabas ng kuwarto niya.
As much as I wanted to ask her questions, I don't have the guts to ask her. I don't have any right, after all.
Nasa hallway ako nang matanawan ko si Serafina kausap ang isang batang babae.
"You know I also have a brother...just like you."
Napahinto ako sa paglapit sa kanila sa narinig kong sinabi ng anak ko.
What is she talking about?
"Really? Where is he? Is he with you?"
"Nope. He's an angel now. He's with our Almighty God."
"Ashley, let's go!" paglapit ng isang babae sa kanila kaya naiwang mag-isa ang anak ko.
Tumayo siya pero nang mapaharap sa akin ay lumarawan ang gulat sa kanya.
"Daddy! K-Kanina ka pa ba diyan?"
"What are you talking about? Who is your brother?"
Naglakad siya palapit sa akin na tila hindi alam kung anong isasagot sa magkakasunod kong tanong.
"I-I'll just go to the restroom Dad--"
"Serafina Aki Vallejo. Tell me everything, please."
Yumuko siya. "But Mommy...I promised her."
"Please, sweety..." pagluhod ko gamit ang isang tuhod sabay hawak sa pisngi niya.
Inilabas niya ang wallet niya at may hinugot mula roon.
Iniabot niya sa akin ang isang larawan. A seven-year-old Serafina with Rykki holding a baby.
"He's Austin Eros Vallejo, Daddy."
Nanginginig kong pinakatitigan ang larawan at tuluyang napaluhod.
"W-Where is he?"
Tumulo ang luha ni Sera at pinunasan ang pisngi kong may mga luha na pala.
"He's an angel now, Daddy."
I don't want Sera to see me crying like a child but I f*****g can't stop these tears.
"How d-did this happen? Bakit hindi ko alam?"
"I can't exactly remember it Daddy, but he passed away that same day when you found us in the province..."
Oh God, what did I do five years ago?
TBC