Chapter 11

1670 Words
Nang maka-upo na ang kaniyang buong pamilya at masayang sinimulan na kainin ang lugaw na nasa harapan nila ay pa-simple s'yang tumayo. "Saan ka pupunta, ate?" Napatigil s'ya nang biglang magtanong ang kapatid na si Robert. Napangiwi si Vivianne dahil nang lingonin n'ya ang kapatid ay hindi lang ito ang nakatingin sa kaniya, kung hindi ang buong pamilya n'ya na. "Saan ka pupunta anak? Hindi ka pa ba kakain?" Kunot-noong tanong ng kaniyang ama. "Kakain po, syempre Tay. Pero naiihi na kasi ako kaya kailangan ko muna umihi." Nang magtama ang tingin nila nang kapatid na si Rose ay alam n'yang may ibig sabihin ang tingin na iyon ng kapatid n'ya, pero mas pinili n'ya na lang na hindi ito bigyan ng pansin. "Gano'n ba, anak? Sige na dalian mo na upang makakain ka na agad." Tumango s'ya sa sinabi ng kaniyang ina at tumakbo na papunta sa banyo ng kainina na ito ni Aling Nara. Pero hindi pumasok si Vivianne sa loob ng banyo, sa halip ay umikot ang s'ya rito ay dumiretso sa kusina kung saan naroon ang masungit na si Aling Nara. "Aling Nara." Tawag n'ya sa matanda. Mataray itong tumingin sa kaniya, wala pa man ay alam na agad ni Vivianne na sisinghalan s'ya nito. "Ano na naman at narito ka na naman sa harapan ko?!" O 'di ba? Hindi s'ya nagkamali, alam na alam n'ya na ito eh, matagal ma, kabisado na nga n'ya eh. "Kumakain po ngayon ang mga kapatid at ---" "Ano?!" Sigaw nito sa gulat. Napangiwi si Vivianne dahil sa naging reaction ng matanda. "Ang taas naman po, Aling Nara," "Bayad!" Napalingon si Vivianne sa paligid kasi mataas na naman ang boses ng matanda kaya lumingon-lingon s'ya baka may makarinig. Mabuti na lang at malayo lang ang kusina sa talagang kaninan. "A-ano po kasi, Aling Nara, may pambayad naman po ako, kaya lang po,---" Bago pa man n'ya natapos ang gustong sabihin ay naunahan na s'yang magsalita ng matanda. "Ano, kulang na naman? Ilang beses na ba kitang sinabihan na huwag ka nang pumunta rito sa tindahan ko kung wala kang ibabayad? Malulugi ang negosyo dahil sa inyo eh." Himutok ng matanda at alam n'yang galit na naman ito sa kaniya. "Maghuhugas na lang po ako, Aling Nara. Katulad po ng dati." Lumingon sa kaniya ang matanda kaya binigyan n'ya ito ng isang matamis na ngiti. "Gutom na gutom na po kasi ang pamilya ko po eh. Sampu lang po ang pera namin kaya hindi naman po kakasya at dalawang araw na na tinapay lang ang kinakain namin. Pasensya na po talaga kayo. Pangako po, huli na po ito. Heto po ang sampung piso." Tahimik na nakatingin sa kaniya ang matanda na para bang binabasa s'ya — ang kaniyang isip. "Bakit ka nagtitiis sa trabaho na iyan? Maganda kang bata ka, kaya bakit ka nagtitinda lang ng bulaklak sa kalsada, alam mo na hindi kayo mapapakain ng trabaho ninyo." Agad na sumeryoso ang mukha ni Vivianne dahil sa narinig. Nagtagis ang bagang n'ya. "Kung may magagawa lang po sana ako," malungkot na saad n'ya. "Pero po, hindi po krimen ang ginagawa namin ng pamilya ko. Maayos po kaming nagtatrabaho sa ilalim po ng tirik ng araw. Huwag naman po ninyong sabihin sa akin na para bang maling-mali ang ginagawa namin. Ilang beses na po akong naghanap ng trabaho pero kahit maging kasambahay ay hindi ako tinatanggap dahil kahit sa elementarya ay hindi naman po ako nakatapos." "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin." Depensa ng matanda habang matutulis pa rin ang tingin nito sa kaniya. "Alam ko na marangal ang ginagawa ninyo, pero Vivianne maghangad ka ng mas kaysa sa ginagawa ninyo. Kawawa ang mga kapatid mo, kawawa ka, kayo ng pamilya mo." Tumango-tango s'ya dahil naintindihan n'ya kung ano ang ibig sabihin ng matanda. "Kung mabibigyan po ng pagkakataon, kung may oportunidad po na magbubukas para sa isang kagaya ko na walang pinag-aralan." Tiningnan n'ya ang nakatambak na hugasin bago n'ya tiningnan ang matanda. "Iyan na po ba ang huhugasan ko?" "Huwag kang maghugas." Napatingin s'ya sa matanda at nanlaki ang kaniyang mata. Hindi nito inabot ang sampung piso n'ya tapos hindi rin s'ya pinaghuhugas. "Ho?!" "Sinabi ko ba na maghugas ka? May taga hugas na ako at binabayaran ko. Hindi naman ako pwedeng magbayad ng tao na walang ginagawa," mataray pa rin nitong saad. "Pero po---" Tiningnan s'ya ng matanda mula ulo hanggang paa kaya nagtaka s'ya kung bakit iyon ginawa ng matanda. "Umalis ang isang taga-serve ko ng pagkain dahil lumandi at nabuntis. Ayon, umuwi sa probinsya nila, kung gusto mo ng trabaho, pwede kang magtrabaho rito." Nanlaki ang mga mata ni Vivianne at hindi makapaniwalang napatingin sa matanda. "A-ano p-po a-ang sabin p-po ninyo?" Nauutal na saad n'ya dahil pakiramdam n'ya ay mali lang naman ang pandinig n'ya. "Bingi ka ba kaya hindi mo narinig ang sinabi ko? Kung ayaw mo sa alok ko ay ---" "Aaaah!" Sa sobrang tuwa n'ya ay nayakap n'ya ang matanda at alam n'yang nagulat ang matanda sa ginawa n'ya. Malawak ang ngiti n'yang tiningnan ang bago n'yang amo. Ang mukha ni Vivianne na punong-puno ng saya. "Aling Nara, hindi po ninyo alam kung gaano ako kasaya. Maraming salamat po, tatanawin ko pong utang na loob itong inalok ninyo sa akin na trabaho." Masayang sambit n'ya. Walang paglagyan ng kasiyahan sa puso ng dalaga dahil sa bagong balita. Batid n'yang magiging masaya rin ang kaniyang pamilya. "Tatlong-libo at limangdaan ang sahod mo buwan-buwan. Libre ka na ng tanghalian pero iyan lang. Ayaw na ayaw ko ng makalat dito sa tindahan ko, ayaw na ayaw ko rin ng tamad at tanghali na pumupunta rito sa umaga. Dapat ay narito ka na bago mag alas 7 ng umaga." "Huwag ho kayong mag-alala sa akin, Aling Nara, pangako po ay hindi ninyo pagsisisihan ang magbigay po sa akin ng pagkakataon. Hindi po pala totoo ang sabi-sabi nila," malawak ang ngisi n'yang sambit. "Anong sabi-sabi?!" Mataray na tanong naman ulit nito at mukhang malapit nang magpang-abot ang mga kilay nito. *"Na pinaglihi raw po kayo sa sama ng loob."* Kinagat n'ya ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na huwag masabi ang mga salitang iyon dahil baka hindi pa man s'ya nagsisimula sa trabaho ay baka masipa na s'ya. "Naku wala po, Aling Nara, huwag na lang po ninyong pansinin ang sinabu ko." "Umalis ka na sa harapan ko bago pa magbago ang isip ko. Iyong mga kinain ninyo, ibabawas ko agad sa unang buwan mong sweldo. Dumating ka bukas ng maaga. Naiintindihan mo ba ako?' "Opo. Aling Nara, hulog po kayo ng langit. Alis na po muna ako, baka po tapos na po kuamin ang pamilya ko po eh. Bye po!" Masayang tumakbo palabas ng kusina si Vivianne at tinungo ang bahagi kung saan naroon ang kaniyang pamilya at tama ang hinala n'ya, tapos na ang mga itong kumain at mukhang hinihintay s'ya. Malapad nag ngiti sa mukha n'ya kahit ang nakikita n'ya ay nagtatakang mga mukha ng pamilya n'ya. Dumiretso s'ya sa harap ng tindahan upang kuhanan ng maiinom ang pamilya n'ya. "Ate, isang softdrink nga rin po, iyong kasalo lang," aniya at agad naman s'yang binigyan ng kahera. "Pasabi na lang po kay Aling Nara na nagdagdag ako ng isang kasalo ate ah." Bago pa man makapag-reak ang kahera ay agad na s'yang tumalikod. "Ate! Saan ka galing? Ano iyang dala mo?" Si Rowena ang uanng nakakita sa kaniya at itinuro nito ang hawak n'yang maiinom. "Saan ka galing, anak? Kanina pa kami tapos kumain, nabusog kami, anak. Pero iakw hindi ka pa kumain," sambit ng kanilang ina. "Huwag na po ninyo akong alalahanin, inay. Ito oh, nagdala ako ng maiinom para sa inyo at may magandang balita rin akong dala," nasasabik n'yang saad. "Tungkol saan po, ate?" Tanong ulit sa kaniya ni Rowena kaya pinitik n'ya ang noo nito. "Ate ang sarap naman po nito!" Masayang sambit ni Robert kaya mas lumapad ang ngiti n'ya. Hindi s'ya nagkamali na dalhin ang pamilya n'ya rito. "Oo naman, ikaw bunso, nagustuhan mo ba ang inumin?" Tanong n'ya sa bunso nila. "Opo! Sana po palaging ganito!" "Ano ka ba, wala tayong pera, bunso kaya ayos lang kahit hindi palagi," saway ni Rowena sa bunsong kapatid nila. "Makakainom na tayo palagi ng ganyan," masayang sambit n'ya kaya napatingin ang lahat sa kaniya. "Paano mangyayari iyon eh sa bigas nga kulang ang kita natin, ate naman eh." Himutok ni Rose. "Anak, ayos lang naman kami sa tubig eh, masyadong magstos ang ganito kapag palagi at wala naman tayo pera, saan ka kumuha ng pinambayad mo sa lahat ng kinain natin?" ani ng kaniyang ama. "Oo nga, saan ka ba galing anak?" segunda naman ng kanilang ina. Nginitan n'ya ang lahat pero nang magtama ang mga mata nilang dalawa ng kapatid na si Rose ay alam n'yang may tanong ang bawat tingin nito. "Tapos na kayong kumain at uminom, hindi ba? Tara na roon sa may plaza, sa may lilim ng puno tayo magkwentuhan dahil baka mapagalitan na tayo rito." Agad naman na nagtayuan ang kaniyang pamilya at sabay-sabay na silang tumungo sa ilalim ng puno na may lilim. "Hindi ba tayo magtitinda, anak?" "Magtitinda, Tay, pero magpahinga po muna tao." Isa-isa n'yang tiningnan ang mga kasama. "Isang buwan na pagtitiis na lang po, dahil sa katapusan po ng buwan ay may pera na po tayo." "Nanlaki ang mga mata ng kaniyang magulang at napatingin ito sa kaniya nang puno ng pagtataka sa mga mukha. "Ano ang ibig mong sabihin, anak?" "Tay, nay, may trabaho na po ako!" Masayang sumbong n'ya. Nanlaki lalo ang mga mata ng kaniyang mga magulang at maging ng dalawang dalaga n'yang kapatid. Hindi makapaniwala ang mga ito pero nakita n'ya ang pagpunas ng luha ng kaniyang ama. "Salamat, anak! Pasensya ka na kung hindi sapat ang kinikita namin ng iyong ina upang bigyan kayong magkakapatid ng pagkain." "Walang problema, Tay. Ang mahalaga magkakasama tayo at hindi naman tayo pinapabayaan ng Diyos dahil simula bukas ay magsisimula na akong magtrabaho sa tindahan ni Aling Nara."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD