"Pinagmamasdan kita at masasabi ko na masipag kang bata, Vivianne."
Malawk ang naging ngiti ni Vivianne dahil sa sinabing iyon ng matandang si Aling Nara. Ito ang unang araw n'ya rito sa tindahan ng matanda kaya sinisipagan n'ya upang hindi magsisi ang kaniyang amo na pagbigyan s'ya ng pagkakataon na magkaroon nang mas maayos na pagkakakitaan.
"Salamat po, Aling Nara," pasasalamat n'ya rito. "Pangako po ay hindi ko po kayo bibiguin. Malaki po ang making utang na loob po sa inyo kaya pagbubutihan ko po ang pagtatrabaho po rito," nakangiting sabi n'ya rito.
Pero kahit ganoon ay wala pa ring pinagbago sa mukha ng matanda, para pa rin itong pasan ang problema ng mundo.
"Isang order nga ng lugaw na may itlog."
Sabay silang dalawa ng matanda na napatingin sa babaeng biglang nagsalita. Lumawak ang kaniyang ngiti at agad na kumilos upang ibigay ang order ng babae.
"Ito po," kaniya sabay abot ng mangkok. "45 po."
"Ayusin mo lang palagi ang trabaho mo ay baka magtatagal ka rito, pero kapag nakita ko naman na sasusunod na mga araw ay bigla ka na lang naging tamad, papalitan agad kita uramismo."
Humaba ang nguso ni Vivianne dahil sa sinabi ng matanda, nanlilisik pa itong nakatingin sa kaniya.
"Nakakatakot naman po, Aling Nara. Pero huwag nga po kayong mag-aalala dahil malabo pong mangyari iyan." Itinaas n'ya ang kanang kamay na para bang nanunumpa pero ngumiwi lamang ang matanda sa kaniya at walang pasabi s'ya nitong tinalikuran.
"Ang bigat talaga palagi ng problema ng matandang iyon." Natatawang saad ng kaniyang kasama kaya maging s'ya ay natawa.
"Akala ko lang pala na masamang tao si Aling Nara, dahil kung talagang masama s'yang tao, hindi n'ya ako bibigyan ng trabaho," aniya at naalala n'ya kung paano s'ya nito binigyan ng pagkakataon na magtrabaho rito sa tindahan nito.
"Strikta si Aling Nara, pero mabait s'ya, malambot ang kaniyang puso sa mga tao na nangangailangan ng tulong. Huwag lang talaga s'yang bibiguin dahil hindi na talaga nagbibigay nang pangalawang pagkakataon si Aling Nara," nakangiting sagot nama ng kaniyang kasama.
Masaya si Vivianne hanggang sa natapos ang oras ng kaniyang trabaho at maisara na nila ang tindahan ni Aling Nara. Naglalakad s'ya papunta sa kung saan sila lagi pume-pwesto ng kaniyang pamilya sa pagbebenta ng bulaklak.
Nang makita n'ya ang bunsong kapatid na nag-aalok ng hawak nitong bulaklak ay agad s'yang tumakbo upang lapitan ito.
"Romeo!" Tawag n'ya sa kapatid. Agad na sumilay ang malawak nitong ngiti sa labi nang makita s'ya. Niyakap n'ya agad ang kapatid dahil pakiramdam n'ya ay ang tagal nilang hindi nagkita.
Ito ang unang beses na hindi sila nagkita sa halos buong araw kaya naninibago s'ya.
"Ate! Narito ka na! Tingnan mo oh, nakabenta na ako!" Masayang sambit ng bata at ipinakita pa nito ang hawak nitong tatlong tigsa-sampung piso na buo.
"Ang galing naman ng bunso namin, sa iyo lang lahat iyang?"
"Opo! Hahabulin ko po si kuya Robert dahil lima na po ang sa kaniya," masiglang sagot naman nito sa kaniya kaya natawa s'ya.
Nakatatlo ang bunso nilang kapatid habang nakalima naman si Robert, ibig sabihin lang ay naka 8o na silang dalawang bunso. Masayang-masaya ang puso ni vivianne dahil parang maswerte silang lahat sa araw na ito.
"Bigyan mo ako, dapat ako rin may maibenta ngayon," nakangiting saad n'ya at saka kinuha ang hawak ng kapatid na bulaklak. Agad naman na tumakbo ang bata sa kaniyang mga magulang upang kumuha pa ng ilalako.
"Ali, sampaguita po, sampu lang po." Alok n'ya sa isang may edad na babae.
"Bigyan mo ako ng dalawa."
Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ng babae kaya agad n'yang inabot ang dalawang tali rito at tinaggap ang inaabot nitong benteng papel.
"Naku, salamat po, Ali. Maraming salamat po," masayang pasasalamat n'ya rito.
"Ate, naka-anim na ako!" Mayabang na sambit nang kakalapit lang na si Robert kaya nakangiting tiningnan n'ya ang kapatid.
"Talaga? Ang galing naman ng kuya Robert namin." Ginulo n'ya ang buhok ng kapatid kaya masama ang tingin nito sa kaniya na ikinatawa n'ya ng malakas.
"Kuya! Saan ka nagpunta? Kumuha ako kay tatay ng bago kasi kinuha ni ate iyong sa akin e," sabat naman ng kakabalik lang na si bunso.
Masayang pinagmasdan ni Vivianne ang dalawa habang nagpapakitaan ng kaniyang mga benta ang mga ito. Napatingin s'ya sa kaniyang mga magulang na parehong bitbit ang basket na may lamang mga bulaklak at naglalakad ito palapit sa kaniya suot ang parehong malawak na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Kamusta ang unang araw mo sa trabaho mo, anak? Hindi ka ba nahirapan?" Agad na tanong ng kaniyang ama nang makalapit ito.
"Hindi ka ba inalila ni Nara?" Nag-aalala namang tanong ng kaniyang ina.
"Nay, Tay, hindi po masamang tao si Aling Nara, nakapabuti n'ya nga po eh. Strikta lang po s'ya pero mabuti po ang kaniyang kalooban, hindi n'ya po ako pinahirapan at isa papo, magaan lang din naman po ang trabaho sa kaniyang tindahan," nakangiting umbong n'ya sa mga ito.
"Mabuti naman kung ganoon, itong nanay mo e gustong-gusto ka nang puntahan upang matingnan ang iyong kalagayan," natatawang saad naman ng kaniyang ama.
"Mabuti na lang po ay hindi ninyo ginawa. Mabuting tao po si Aling Nara kaya huwag po ninyo s'yang pag-isipan ng masama," aniya na tinanguan ng mga ito.
"Hindi ka pa ba napapagod at narito ka Pa? Kung gusto mo anak, pwede ka nang umuwi sa bahay upang makapagpahinga," saad ng kaniyang ina at agad s'yang umiling dito.
"Hindi pa po inay, kailangan pa rin po nation na kumita ng barya upang may pambili tayo ng makakain natin habang hindi pa po ako sumasahod, sa susunod na buwan sa ganitong petsa pa po ang sahod ko eh," sambit n'ya.
Hindi na s'ya makapaghintay na dumating ang araw na iyon, ang araw na makakahawak s'ya ng salapi na ang halaga ay hindi n'ya nahahawakan pa sa buong buhay n'ya.
"Roberto?!"
Nanlaki ang mga mata ni Vivianne nangmarinig ang malakas na boses ng kaniyang ina at lalo na nang bigla na lamang bumulagta ang kaniyang ama sa daan.
"Tay!" Dinaluhan n'ya ang kaniyang ama at nakita n'yang nawalan ito ng malay. Agad na naglabasana ng kaniyang mga luha sa mga mata. "Tay! Ano ang nangyayari sa inyo? Tulong! Tulongan n'yo po kami!"