"Tatay!" Sabay na sigaw nilang magkakapatid at pilit na ginigising ang kanilang ama.
"Roberto! Ano ba! Gumising ka!" Sigaw ng kanilang ina.
Naramdaman ni Vivianne ang paglapit ng mga tao sa kanila kaya napapalibutan na sila.]
"Ano po ang nangyari?" Dinig n'yang tanong ng isang babae pero hindi na s'ya nag-aksaya ng segundo na tingnan pa ang kung sino ang nagsalita dahil marami na rin ang nakapalibot sa kanila.
"Tay, ano ba! Bakit ba bigla ka na lang bumulagta! Tulongan po ninyo kami, ang tatay namin! Tulong po!" Sigaw n'ya at saka tiningala ang mga nakapalibot sa kanila.
Hindi n'ya na naiintindihan kung ano ang mga sinasabi ng mga tai dahil hindi n'ya na rin alam kung ano ang gagawin. Lumalabo na ang kaniyang paningin dahil sa kaniyang luha. Nakita n'yang nakatyo sa may gilid ng kanilang ina ang dalawang bunso nilang kapatid na maghakawak kamay at parehong umiiyak.
"Tay, gising po, ano po ba ang nangyayari sa 'yo?" Iyak ni Rose.
"Tabi po, tabi po kayo, dadaan po."
Napatayo si Vivianne at maging ang kapatid na si Rose nang biglang may tumigil na stretcher sa tabi nila at may mga taong suot ng uniporme.
"Sir, tulongan po ninyo ang tatay namin," aniya habang ang kaniyang mga luha ay wala pa ring tigil sa paglandas mula sa kaniyang mga mata.
"Dadalhin po natin ang tatay ninyo sa hospital ma'am, bigyan po ninyo kami ng espasyo upang mailagay po natin si sir sa stretcher."
Agad n'yang hinila ang mga kapatid sa tabi at agad naman na tumayo ang kaniyang ina upang magawa ng mga taong ito nag kailangan nilang gawin at madala ang kanilang ama sa hospital.
Hindi n'ya inaalis ang kaniyang mga mata mula sa walang malay n'yang ama na ikinarga nars. Agad n'yang dinaluhan ang stretcher nang nagsimula na mga itong itulak ito paalis sa lugar at nakita n'ya sa tabi ang isang ambulansya.
"Tay!" Umiiyak na sigaw n'ya habang nakahawak sa strecher na pinaglagayn sa kaniyang ama.
Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari at hindi n'ya rin alam kung sino ang tumulong sa kanila pero bigla na lamang may dumating na ambulansya at binuhat ang kaniyang ama.
Napatingin si Vivianne nang maramdaman n'yang may humawak sa kaniya at nakita n'ya ang kaniyang ina.
"Kayong dalawa ni Rose ang sasama sa tatay ninyo, anak." Umiiyak nitong saad.
Walang tigil ang kaniyang luha habang iniisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kaniyang ama. Alam nila na may dinadamdam ang ama pero dahil sa kakapusan ay hindi nila alam kung ano nga ba talaga ito at ito ang unang beses na nangyari ito sa kaniyang ama.
"Nay, ayos lang po ba si itay?"
Nanginginig ang boses ng kaniyang kapatid na si Rowena nang itanong n'ya iyon sa ina.
"Ma'am kailangan na po natin agad umalis, sino po ba ang sasama kay sir?" Tanong ng babaeng nars.
Hinila n'ya kaagad ang nakababatang kapatid at sabay silang pumasok sa loob ng sasakyan. Nakita n'yang may mga ikinabit sa kaniyang ama na hindi n'ya alam kung ano ang tawag.
Ang kaniyang mga luha ay wala pa ring tigil at ang kaniyang mga kamay ay nanginginig sa kaba. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyayari sa kanilang ama kaya hindi n'ya alam kung tanong kahahantungan nito. Hindi n'ya kakayanin kapag may nangyaring masama sa ama.
"Ma'am, madalas po ba mawalan ng Malay si sir?"
Ibinaling n'ya ang kaniyang atensyon sa nars na biglaang nagtanong, "ano po?"
"Madalas po ba mawalan ng Malay si sir?" Pag-uulit nito sa tanong na agad naman n'yang sinagot ng iling.
Tiningnan n'ya ang ama bago ibinalik ang paningin sa nars na nagtanong pero bago pa man s'ya nakapagsalita ay narinig n'ya na ang boses ng kaniyang kapatid. "May dinadamdam po na sakit si itay pero hindi naman po namin alam kung ano iyon. Pero kahit kailan po ay ngayon pa lang po namin s'ya nakitang nawalan ng malay. Ano po ba ang nangyayari sa tatay namin, ma'am? Bakit po hanggang ngayon ay hindi pa po s'ya nagigising? Malayo pa po ba tayo sa hospital?"
"Sa ngayon ay hindi pa po namin masasagot ang tanong kung ano po ang nangyayari sa tatay po ninyo. Kailangan po s'yang ma-check ng Doctor upang malaman natin kung ano po ang dahilan kung bakit s'ya nawalan ng malay," sagot ng nars.
"Malayo pa ba ang hospital na pagdadalhan ninyo sa tatay namin?" Tanong pabalik ni Rose.
"Ayan na po ang hospital."
Napatingin silang dalawang magkapatid sa bintana nang magturo ang nars sa labas at nakita n'ya nga na nasa tapat sila ng hospital. Nang huminto ang sinasakyan nilang ambulansya ay agad silang tumalon pababa nang bumukas ito dahil agad din naman na kumilos ang mga tao upang dalhin sa loob ng hospital ang hanggang ngayon ay wala pa ring malay na ama nila.
Hindi sila nagsayang ng oras at agad silang sumunod sa ama. "Tay! Kumapit po kayo!" Iyak na saad n'ya.
"Tanong nangyari d'yan?" Tanong ng isang tao na may suot na puting kapag at siigurado si Vivianne na Doctor itong lumapit sa kanila.
"Doc, iligtas po ninyo ang tatay ko, ano po ang nangyayari sa kaniya?" Naiiyak na tanong n'ya pero ni sulyap y hindi man lang s'ya nito binigyan.
"Faint, Doc, but in critical condition," and ng nurse na hindi naman n'ya naintindihan kung ano ang ibig sabihin. Sa mga sinabi ng nars ay ang critical lang ang naintindihan n'ya.
"Hindi na po kayo pwedeng sumunod sa loob, ma'am, hintayin na lang po ninyo ang kung ano ang magiging resulta."
Hindi na sila nagpumilit na pumasok nang harangin sila ng nars sa akmang pagpasok nila sa loob ng isang malaking silid. Pumasok din sa loob ang Doctor at magingmga nars na tumulong sa kaniyang ama.
"Ate, kinakabahan ako," umiiyak na sambit ni Rose kaya hinila n'ya ang kapatid sa isang mahigpit na yakap.
"Ako rin, pero kailangan natin magpakatatag, Rose. Hindi natin alam kung ano ang nangyayari kay tatay kay kailangan antin magdasal na sana ay walang masamang nangyari sa kaniya."
"Ate, paano kung...."
"Huwag kabg mag-isip ng ganyan, hindi mangyayari ang iniisip mo."