Chapter 6

2993 Words
Lee’s POV Dahil natalo kami nagpalit kami ng posisyon. Kami na ngayon ang tagger habang ang grupo naman nina Ian at Kiro ang runner. Dahil si Rafa ang Leader namin, siya ang nakapwesto sa unahan, kasunod si Amber, Ako, si Fifth, Thirdy, Zap at panghuli naman si Rain. Ewan, basta wala akong paki sa iba dahil lahat ng atensyon ko ay na ka’y Kiro lamang. Naunang dumaan si Ian. Napatitig siya akin, nag-iwas ako ng tingin. Nilipat ko iyon kay Kiro. Ramdam kong ayaw niyang umalis sa harapan ko, dama ko ang paniniitig niya ngunit hinayaan ko lamang siyang makalusot, iniwan ko siya at tumakbo sa kabilang side to corner Kiro, natawa ako ng bigla itong napaatras ng harangan ko. “Gumaganti ka Kendra?” Inirapan ko siya. “Napaka-unfair nito, pinalusot mo si Ian ako hindi, magbestfriend din naman tayo ah-” pagkasabi niya ng ah ay kay bilis nitong umabante at sinubukang lumusot ngunit muling napaatras ng mas mabilis kong hinarang ang sarili ko sa kanya. “Akala mo, ha!” Mayabang kong saad sa kanya. Sinubukan nitong lumusot sa kabila ngunit muli ay hinarang ko siya. “Don’t belittle me, Kiro,” nakangising saad ko. “Maliit ka lang naman talaga,” saad nito. “You’re a bully, now?” Tinaaas nito ang isang kamay sa tuktok ng ulo ko, tinatanya ang sukat ko. “Kita mo, hanggang,” patuloy niya pa sabay lipat ng nakataob niyang palad sa bandang dibdib niya. “Hanggang puso lang kita,” saad niya sabay kindat sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang korny ng banat niya ngunit ‘di ko mapigilang makaramdam ng kiliti sa puso, t*nginang gagong ‘to! Nalingat lang ako saglit bigla na lamang itong kumaripas ng takbo, d*mn! Nakalusot ito sa akin, bw*sit na lalaking yun! Naisahan ako! Ang rupok mo kasi Lee! Kastigo ko sa sarili. “Lee!” Reklamo ni Zap dahil lahat sila may kanya-kanyang binantayan ngunit dahil nakalusot si Kiro ay nahati ang atensyon nila. “I’m sorry!” “Focus, Lee!” Sigaw naman ni Rain. “Yeah! Sorry na nga, ‘di ba!” We turned around ng marating ni Kiro ang dulo pati ang iba pa. Kanya-kanya muli silang lusot. Nataranta na ang team namin. May pakakataon namang lumusot ni Kiro pero parang sinadya niyang magpaharang sa akin. Inis ko siyang tinignan. “What’s with the face, Kendra Leigh Saavedra?” Tamad na tinignan ko siya at inis na inirapan. “Ganda mo pa rin kahit nakasimangot ka,” nakangiti nitong saad. Yung gustong-gusto mong mabwesit pero yung ngiti niya nakakadala. “Shut up!” Kunwari’y inis na saad ko. “Ngiti ka nga, mas maganda ka pag nakangiti,”mas lalo ko lang siyang sinamaan ng mukha, labis ang pagpipigil kong wag mangiti. Shutang hayop na ‘to! Tinangka niyang abutin ang baba ko, mabilis kong tinaas ang kamay para tampalin ang kamay niya ngunit mas mabilis ang kilos niya. Kay bilis niyang iniwas ang braso upang wag sumayad ang kamay ko sa kanya dahil pagnagkataon, talo na agad sila, mautak rin! Sinubukan ko siyang abutin ngunit napaatras ito. “Tag!” Malakas na saad ni Rafa. “F*ck!” Natawa ako ng mapamura ito. “Where the hell did you come from?” Manghang tanong niya kay Rafa. “Sa kalandian mo,” napalingon ako kay Ian ng marinig ko ang sinabi nito ng mapadaan ito sa aking gawi. He was referring to Kiro, yata? Ako lang rin ang nakarinig dahil kay hina ng boses nito. Napanguso ako at sinundan ko siya ng tingin patungo sa pwesto niya sa pinakaunahan. “Ikaw kasi, eh!” Napalingon ako kay Kiro ng tinuro niya ako. Mabilis kong tinampal ang kamay niya at benelatan. Napatakbo ako ng habulin niya ako. Kay lakas ng tili ko ng maabot niya ako. Niyakap niya ko mula sa likod, napayuko ako at lumingkis ng sinimulan niya kong kilitiin. “Stop! Kiro! Gago! ‘Di ako makahinga!” Kahit anong paglumingkis ko at pagpupumiglas ay ayaw nitong paawat. “Kito! Stop!” Natatawa kong saad. “Bully ka, ‘di ba!?” saad nito habang patuloy sa pangingiliti sa akin. Kahit na bumagsak na kami sa lupa’y ‘di pa rin ito tumigil. I was trying so hard to get away with him but he was too strong. Kahit na hingal na kami pareho ay hindi pa rin ito tumigil. “I guess, they won’t join anymore. You see they have their own world-” “Hoy sali pa kami! Shuta ka Ian!” Reklamo ni Kiro. “‘Di tuloy niyo lang yan, nakakahiya naman,” I can hear the sarcasm in his voice. “Parang tanga ‘to!” Anas ni Kiro. Natigil ito sa pangingiliti sa akin at mabilis na napatayo. Tinulungan niya kong makatayo rin. “Pahamak ka,” bulong niya sa akin. “Kasalanan ko pa?” Saad ko sabay hila sa buhok niya. “Aray!” Impit nito. Napatakbo naman ako palayo. Tawang-tawa dahil nakaganti ako. Muling pumwesto ang grupo nina Kiro. Katulad pa rin ng dati ang pagkasunod-sunod nila. Muli ay tinapik ng mabilis ni Rafa ang kamay ni Ian. “Aaaay! Umaygad!” Natawa ako ng marinig ko ang matulis na boses ni Thirdy. Nagbabakla-bakla-an ito. Napatingin ako kay Thirdy ng bigla itong napabreak ng biglang hinarang siya ni Dos sabay pitik ng mga daliri sa magkabilang kamay na animo totoong bakla talaga. Ang bilis niyang nakarating sa dulo. Mabilis rin itong umiwas ng sinubukan siyang abutin ni Dos. “Aay! Shude! Fafa! Wag po, Kowya!” Nanlaki ang mga nito ng malakas na hinampas ni Dos ang palad sa hangin buti na lamang at nakailag siya kung hindi tiyak ay lumagapak ang palad nito sa mukha niya. “Shude, brader! T*ngina mong gago ka! Sumbong kita kay Nanay Ading, hayop kaaa!” Malakas na saad nito sabay nilusutan si Dos. Tawang-tawa ako. Sunod-sunod na nakapasok ang mga ka-team ko. Paanong hindi kung sa akin lamang nakatuon ang atensyon ni Ian? Nakapasok na silang lahat habang ako’y naiwan. Kay riin ng titig niya sa akin, habang ako’y panay ang iwas wag magkasalubong ang mga mata naming dalawa. “Until when you’re going to avoid me, Lee,” saka lamang ako napatingin sa kanya. “I’m not avoiding you, Ian,” mabilis kong tugon at muling nag-iwas ng tingin. “We can still be friends, right?” Inaamin ko nakaramdam ako ng awa ng mapansin ko ang lungkot sa boses niya. Muli ay napatingin ako sa kanya. Naiilang man ako sa gawi ng pagtitig niya sa akin ay sinalubong ko pa rin ang mga mata niya. Those were the same eyes that he used to look at me ngunit ngayon ko lang napansin ang pinagkaiba ng titig niya sa akin at ang ordinaryo niyang titig sa mga kaibigan ko. Isa rin sa dahilan kung bakit ayoko siyang tingnan sa mga mata dahil bakas ang sakit sa mga iyon na mas lalong nagpapabigat sa puso ko. “Of course, Ian. We’re still friends. Hindi yun kailanman magbabago. It runs in the blood,” nakita ko ang pagsilip ng pag-asa sa mga mata niya ng marinig ang sinabi ko. “but not what we used to…” muli ay nalungkot siya ng dugtungan ko ang sinabi. “I’m sorry if I need to distance myself from you…” I sincerely said. “Is it because of what had happened-” “Yes!” Mabilis kong tugon. “Tanggapin na natin that there is already a gap between the two of us.” “Bakit, Lee? Ba’t ang dali mong tanggihan ako? Why not even try to give me a chance-” “Alam mo ang sagot sa tanong mong yan, Ian… Sinagot ko na yan, kagabi, so please, kung ayaw mong mawala ang natira sa ating dalawa, wag na nating ipilit ang alam nating hindi pwede. Mahal kita bilang kaibigan. I care for you… A lot. At ayokong umasa ka sa wala kaya habang maaga pa, sinabi ko na sa iyo yung totoo. I’m sorry…” “But Lee-” “Ian, tol! Bantay!” Sigaw ni Uno ngunit wala na sa laro ang atensyon niya, kanina pa. “Woah! Goal!” Malakas na sigaw ni Thirdy. Patalon-talon pa ng makagoal ito ngunit nahinto ito ng biglang mag-walk-out si Ian. Dinaanan niya ako. Nahuli ko pa ang braso niya upang pigilan siya. Nahinto ito. Yun ang huling beses na pinag-usapan naming dalawa ang tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Sa tuwing nararamdaman kong ino-open up niya ang tungkol doon ay nililiko sa iba ang usapan.. As much as possible ay iniiwasan kong mapag-usapan ang bagay na iyon. Klinaro ko na sa kanya ang tungkol sa aming dalawa. Kailangan naming maging casual lalo at araw-araw kaming nagkikitang dalawa dahil iisa lamang ang group of circle na meron kami at hanggang sa makaya ay hindi namin pinapahalata that there is something wrong between our friendship. Katatapos lang ng klase. Dumiretso kami sa playlist. Tumambay kami sa bilyaran. Bawat isa sa amin ay may hawak na bote ng beer. Kanina pa kami nakatambay. Nabawasan na nga kami ng dalawa. Biglang nawala si Fifth, tinangay yata nung babaeng nag-abot sa kanya ng papel. Pati si Uriel nawala na rin, mukhang nakahanap na rin ng bibiktimahin. Saglit na iniwan ko sila upang pumuntang comfort room. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo ngunit ng mapadaan ako sa may bar counter ay biglang may humarang sa aking isang lalaki. “Hi! I know you, you’re Kiro’s friend right?” Tiningala ko siya. I didn’t give a facial expression. Napakabulog ng style. Umiwas ako ngunit sumunod naman siya. “Drew,” saad niya sabay lahad ng palad niya sa akin. Masama ko siyang tinignan at muling umiwas ngunit ng subukan niyang harangin ako muli ay nagitla na lamang ako ng bigla siyang itulak ng malakas ni Ian. Sa lakas ng pagkakatulak ay napaatras ito at nasagi ang lalaking nasa likuran. Mabilis naman akong tinago ni Ian sa likod niya. “What the f*ck!” Malakas na mura ni Drew, pati ng lalaking nabangga. Napatiim ang mga bagang ng mga ito. Inayos nito ang suot na leather jacket at tumayo ng maayos. Mukhang kasama niya yung nabangga dahil kay tulis ng pagkakatitig kay Ian. Tinangka ng mga itong lumapit ngunit muling napaatras ng sabay na magsilapitan ang iba pa naming tropa. “Back off, Drew,” pagbabanta ni Kiro. “We’re not fond of trouble unless you ask for it,” kalmadong saad ni Ian. Tumaas ang isang gilid ng labi nito. Maangas na tinignan ang dalawa. “Matapang lang naman kayo dahil marami kayo-” “Kaya kong basagin mukha mo kahit ako lang-” “Kiro!” Pigil ko sa kanya. Tinawanan lamang siya ni Drew. “If you don’t want that to happen to you, wag ka ng magpapakita rito sa Playlist,” bakas ang pagtitimpi ni Kiro wag sapakin ang kaharap ngunit bakas na rin ang pagkabwesit niya rito. “You don’t own the place, Arevalo-” Nagitla kaming lahat ng biglang kwenelyuhan ni Kiro si Drew. “You know what I am capable of, Dominguez!” “Oh! I know you so well, Arevalo with your dad’s power? Lame! Para ka lang nagtatago sa ilalim ng saya ng nanay mo-” “Kiro!”Pigil namin sa kanya ng mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kwelyo ni Drew ngunit nginisihan lamang siya ni Drew. “Ganito na lang, you’re a racer right?” Saad ni Drew. Ni ‘di man lang mabakasan ng takot sa mukha. “Let’s race then, who ever lose sa kanya na ang bigbike at hindi na muling aapak ng Playlist, tatlo laban sa tatlo,” napatigil si Kiro. Napatitig sa kanya. Napaisip-isip. “Bukas, alas otso ng gabi,” anas ni Kiro sabay pabalang na binitawan si Drew. Kay bilis ng pangyayari. Last thing we knew, our team won! Ang lumaban ay sina Thirdy, Ian at Kiro. We have their victory party at A’choholic. Sumama ako kina Amber ng mag-aya silang sumayaw sa stage. Bumaba kami mula sa VIP room na inarkila naming magkakaibigan. I was enjoying the music and the beat habang umiindayog sa ibabaw ng stage ngunit dahil marami-rami na rin ako ng nainom ay nararamdaman ko na ang hilo kaya ng tumalon-talon ako sabay ikot ay muntikan na akong matumba mabuti na lamang at kay agad ng isang braso na alalayan ako. Nakapikit ang mga mata ko. “Thank you,” saad ko sa umalalay sa akin, binuka ko ang mga mata upang tingnan siya at mapagsino ngunit kay bilis kong nilayo ang sarili ng makilala siya ngunit ‘di niya ako binitawan. Bahagya ko pa siyang naitulak, marahan naman itong napaatras ngunit nanatili pa rin ang hawak niya sa akin. “Let’s talk, please,” pakiusap niya. “Let go, Ian. Maybe we can talk some other time,” pinilit kong makawala sa kanya. “And when will that be another time, huh? Tanggap ko na naman Lee, but please wag mo naman akong iwasan,” “Hindi naman kita iniiwasan. Naiilang lang ako. Can you let go of me now? Magbabanyo lang ako,” palusot ko. Napatitig siya sa mga mata ko. Lihim akong dumadalangin na sana’y bitawan na niya ako. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga bago niya ko dahan-dahan na binitawan. Dama ko pa rin ang pag-iingat at pag-aalala niya na mas lalong nagdagdag sa nararamdaman kong guilt at bigat sa puso. Nanag makawala ako sa hawak niya’y kahit na nahihilo ay pinilit kong makalayo agad sa kanya. Ma lalo lamang akong nalalasing sa dami at magkahalong amoy ng iba’t-ibang tao sa paligid ko kaya napagdesisyonan kong pumunta ng smoking area upang mag-vape at doon na lamang magpahinga. Umakyat ako sa makitid na daan na gawa sa bakal. Bahagya pa akong natigil ng makita si Kiro. Tila may hinahanap. Nakita ko ang nakaipit na sigarilyo nito sa labi kaya lumapit na ako’t kusang sindihan ang sigarilyo niya gamit ang lighter niyang napulot ko kanina. Bahagya pa itong nagulat sa ginawa ko. Ngumiti ito ng mapagsino ako. “Thank you,” saad nito sa akin. Matapos kong sindihan ang sigarilyo niya’y sumandal ako sa pader kaharap niya, habang siya’y humithit muna sa sigarilyong nasa labi niya sabay buga ng usok pataas bago ito umatras at katulad ko’y sinandal ang likod sa pader. Humithit ako sa vape na nakasabit sa leeg ko at napabuga ng usok. “Ba’t may lighter ka? ‘Di ba, di ka naman naninigarilyo?” Tanong niya. “Nahulog mo to kanina, pinulot ko nakalimutan ko lang ibigay sa’yo,” sagot ko at muling humithit sa vape. “Natatamaan ka na ba?” He asked. Napahit-hit ito ng sigarilyo at muli ay napabuga ng usok pataas. Napatitig ako sa kanya. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Paano ko kaya ‘to landiin. Agad ko ring kinastigo ang sarili ko sa naisip. Ewan, sa tuwing kami lamang dalawa at nakainom, nasasaniban ako ng masamang espirito. “Medyo, alam mo naman di pa ako sana’y uminom,” saad ko sa kanya. Oo, bago lang ako natuto kaya lagi akong unang nalalasing. “Wag ka nang uminom. Pagkatapos natin dito, ihahatid ka na namin ni Kiara.” “Maaga pa naman, we can stay a little longer.” “Ikaw bahala, just tell me if you want to go home already.” “Sure,” pinasok ko ang isang kamay sa loob ng bulsa ko. May nakapa akong candy agad ko iyong binukan at nilagas sa bibig ko. Ang sarap sa bibig ng mentol. “Do you still have candies? Pahingi isa,” nag-angat ako ng tingin muli sa kanya. Sinubukan ko pang kapain ang bulsa kahit alam kong isa na lamang ang natira. “Isa nalang din,” saad ko sa kanya. “Akin na,” saad nito sabay lahad ng kamay nito. Eh yung natira ay nasa bibig ko na. “Kunin mo sa bibig ko,” bahagya pa akong natawa. Dinaan ko lang sa biro ngunit t*ngina ako yung nanginit sa sarili kong linya. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito. Napahithit lang muli ito sa hawak niyang sigarilyo at muling napabuga ng usok paitaas. Bahagya akong nadismaya.Yung paglalandi ko wala talagang epekto sa kanya, Asa ka pa, Lee! Inalis ko ang tingin sa kanya. Ako naman ang napahithit sa vape ko, tumingala ako sabay buga ng usok paitaas. Bahagya akong nagulat ng ‘di ko pa natapos maibuga ang usok ay agad na siyang nakalapit sa akin. Tila ‘di mahulugan ng karayom ang pagitan naming dalawa. Muli’y pinapabilis niya ang takbo ng puso ko lalo ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Natigil ako, hindi ako makagalaw habang nakikipagititigan sa kanya. Napalunok ako ng bumaba ang tingin niya sa labi ko kasabay ng muling pagtaas ng isang gilid ng labi niya. “I want that candy kaya akin ka. I mean, akin na,” hindi ko alam kung tama ba ang pakakarinig ko sa sinabi ngunit muli lang ring nawala iyon sa isipan ko ng maramdamn ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Tila may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko ng maramdaman ko ang labi niya. Mas lalo akong hindi nakagalaw. Tila prinoposeso pa ng utak ko ang nangyari. Bahagyang nakaawang ang labi ko kaya malayang nakapasok sa loob nito ang dila niya. Hinanap nito ang candy na kailangan niya. Inagaw niya iyon mula sa akin gamit ang dila niya. Kay bilis niya itong nalipat sa bibig niya. Buong akala ko’y bibitwan na niya ako dahil nakuha na niya ang pakay ngunit diniin niya ang labi sa labi ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na muli ang paggalaw ng labi niya sa akin, tila inanyayahan akong tugunin ang mga halik niya hanggang sa nakita ko na lamang ang sariling tinutugon ang bawat hagod ng labi niya sa inosenteng mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD