Chapter 5

2823 Words
Lee’s POV I covered my face with both palms. Hanggang ang iyak ko’y nagiging hikbi na. Ang bigat ng puso ko. Ang hirap sa pakiramdam. Matalik na kaibigan ko si Ian at hindi basta kaibigan lang. Sobrang importante niya sa akin at nasasaktan ako dahil nasaktan ko siya, yun ang dahilan ng pag-iyak ko. “T*ngina naman kasi, Ian, eh! Sa dami ng babae, ba’t ako pa?” Inis na pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. “Sa rami mong pwedeng mahalin ba’t ako?” Naiinis kong saad. Naagaw ang pansin ko sa paggalaw ng doorknob ng banyo. Someone is trying to open it from the outside. “Who’s in there?” Tanig iyon ni Amber. “It’s Lee, saglit lang, malapit na ako, Amber,” tugon ko rito. “Okay,” tanging saad nito. Muli ay mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa toilet bowl at tinungo ko ang sink. Napatigin ako sa reflection ng sarili ko sa salamin. Namamaga at namumula ang mga mata ko. “D*mn,” mahinang mura ko. Ayokong may makahalata na umiyak ako dahil ayokong tanungin at kulitin nila ako ng dahilan ng pag-iyak ko. ‘Di pa naman sila hihinto sa pagtatanong hanggang sa makakuha sila ng sagot. Yumuko at naghilamus ako ng mukha upang mawala ang ebidensya ng pag-iyak ko. Nang matapos ay inabot ko ang isang malinis na towel at pinunasan ang aking mukha. Muli kong pinag-masdan ang sarili sa salamin, wala na ang pamumula ngunit halata pa rin ang pamamaga, ang importante ay hindi na ako mukhang galing sa pag-iyak. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ako lumabas ng banyo. Agad na dumako ang tingin ko kay Amber na nakaupo sa ibabaw ng kama nila ni Fifth habang tinitignan ang phone. Bwesit na bwesit ang mukha nito, kunot ang noo at magkasalubong ang dalawang kilay. Sinarado ko ang pintuan ng banyo. “I’m done,” agaw ko sa atensyon niya ngunit ‘di man lang ito nag-angat ng tingin. Nanggiggil itong nagtitipa sa kanyang phone. Hindi ko na lamang inalam at humakbang na ako pabalik ng kama namin ni Kiara. Nakatihaya ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Nahihirapan na akong matulog muli. Naramdaman kong tumayo si Amber at humakbang patungo sa banyo. Narinig ko pa ang pagsara nito sa pinto. Nababahala na ako sa susunod na mga araw. Nasanay pa naman akong nandyan siya lagi for me. Naging sandalan ko siya sa ‘di mabilang na beses. Nasanay ana akong nandyan siya sa tabi ko, kausap, kakulitan at kasama araw-araw. Hindi ko alam kung paano kami ni Ian mamaya o sa pagdaan ng mga araw. One thing is for sure, ang pagkakaibigan namin ay hindi na kagaya ng dati. There will be a huge change in our friendship. Malalim akong napabuntong hininga. “May problema ka ba?” Bahagya akong nagitla ng marinig ang boses ni Amber. Bumaba ang tingin ko sa paanan ng kama namin ni Kiara kung saad siya ngayon nakatayo. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Sa lalim ng iniisip ko ‘di ko namalayan ang paglapit niya. “Wala,” pagdedeny ko. “Ang lalim ng iniisip mo, care to share?” Nakangiti niyang saad. Bakas ang pag-alala sa mga mata niya. Nginitian ko lamang siya at bahagyang umiling. “Are you sure?” Tango lang rin ang tinugon ko sa kanya. “Don’t you want to drink?” Napatitig ako sa kanya. Marahil ay nararamdaman nitong something is really bothering me. Ewan, basta nararamdaman lamang nila o namin kung sakaling may problema ang isa sa amin. Siguro dahil simula pagkabata ay kami na ang magkakasama. At kapag ganitong sa palagay namin na may problema ang isa kahit hindi man magkwento ay dadamayan pa rin namin ang isa’t-isa. “Sige,” tugon ko na lamang. “Okay!” “Pero okay lang ba kung dito na lamang sa terrace tayo mag-inuman?” Natatakot ako na baka nasa labas lang si Ian. Hindi ko alam kung paano siya muling haharapin. “Sure, kuha lang ako ng maiinom sa labas,” pagkasabi nito’y tinungo nito ang pinto at lumabas. Bumangon ako at umupo sa kama. Kinuha ko ang phone sa ibabaw ng lamesa. Tumayo ako at humakbang palapit sa glass door. Binuksan ko ito at lumabas patungong terasa. Pumwesto ako sa recliner chair na naroon. Binuksan ko ang phone at pinindot ang Instabook icon. Nakalog-in na ang account ko kaya tamang scroll na lamang. Naagaw ang atensyon ko sa story ni Ian. It was us and it was posted seven hours ago. Kuha namin iyon kanina sa tabing dagat. Nasa likod ko siya habang nakayakap ang isang braso niya sa balikat ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa braso niyang nakayakap sa akin. Magkadikit ang pisngi naming dalawa, kay lapad ng mga ngiti namin pareho. He captioned, “Best girlfriend”. Nakita ko na ito kanina ngunit iba na ang ibig sabihin ng caption niya para sa akin ngayong nakita ko ito ulit. Napatitig ako sa picture naming dalawa. HIndi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at panghihinayang This might be our last photo together this close, na hindi ako makakaramdam ng ilang sa kanya, na hindi ko bibigyan ng malisya ang bawat hawak niya at lapit niya sa akin. Huling kuha ng photo na wala pang bahid ng kahit ano ang pagkakaibigan naming dalawa. D*mn, ito rin ang dahilan ko kung bakit hindi ko masabi-sabi kay Kiro ang nararamdaman ko. What if katulad namin ni Ian, it is also a one sided love? And this time, ako naman ang masasaktan. Mas naramdaman ko ngayon ang hirap sa pagsugal ng pagkakakaibigan. I already lost one, hindi ko kayang mawala ang isa pa. Kay bilis kong nag-scroll sa news feed ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto namin. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang paglapit ni Amber. Nilingon ko siya. Inabot niya sa akin ang isa sa hawak niyang beer at nilapag ang bucket sa harapan lamesa na may lamang apat pa na bote na may lamang ice bago siya umupo sa single couch. “Thanks,” aniya ko sa kanya bago ko tinungga ang bigay niyang bote. Sa harapan naming dalawa ay ang dagat. Madilim pa kaya hindi pa namin tanaw ang magandang view ng isla ngunit ang hangin na humahampas sa katawan namin at ang tunog ng alon sa dagat ay nagbibigay ng kakaibang sarap sa pakiramdam, it was so relaxing. “So, what’s bothering?” Napalingon ako kay Amber habang pinagpatuloy ang pagtungga ng beer. Nakangiting nilingon niya ako. “Wala nga,” saad ko matapos kong uminom. “Your eyes say otherwise,” saad nito. Nag-iwas ako ng tingin at humarap pabalik sa dagat. “Last thing I knew you’re a business marketing student kailan ka pa nag shift to psychology?” Bahagya akong natawa. “Sira! Masyado ka lang halata,” saad nito. “Yung mga mata mo malungkot, mukha kang problemado, buntis ka ba?” Diretsahan niyang tanong. Kung may ininom lamang ako marahil ay naibuga ko na iyon. “Gago! Virgin pa ako, no!” Bulalas ko. Natawa ito sa sagot ko. “Naol, virgin,” natatawang sagot nito. “Bakit ikaw? Hindi na ba?” “NBSB, malamang wala rin, raulo ka! Kung sana naging lalaki si Ken, baka ‘di na,” saad nito at natawa muli. “Lakas ng tama mo talaga sa Kuya ko tapos yung isa naman patay na patay sayo,” saad ko. “Magkamukha naman sila pero ba’t ayaw mong piliin yung mahal ka?” “Hindi natin mapipilit ang sariling gustuhin ang taong gusto tayo, Lee. Kung sana ganun lang kadali, wala sanang nasasaktan na mga tao.” Natigil ako ng marinig ko ang sinabi niya. She’s right! Kung sana ganun lang kadali, ‘di sana ‘di ko nasasaktan ngayon si Ian. Kung sana ganun lang kadali, ‘di sana nasabi ko na kay Kiro na gusto ko siya. “Bakit naman kasi kung sino pa ‘tong ayaw natin siya pa yung mahal tayo, at kung sinong gusto natin, siya naman itong ayaw,” wala sa sariling naisatinig ko. “Mukhang may pinahuhugutan yung sinabi mo, a?” “Wala,” pagdedeny ko muli. “Aga-ag, ah!” Sabay kaming napalingon sa terasa ng kwarto ng mga boys ng marinig ang tinig ni Kiro. Paglingon ko’y nagtama ang mga mata naming dalawa, ngumiti siya sabay buga ng usok mula sa hawak niyang vape. He wasn’t wearing anything sa pangitaas niya, boxer shorts lamang ang tanging suot nito. “You want? Come, join us!” Aya ni Amber kay Kiro. “Sure! Saglit lang,” pagkasabi ay tumalikod ito at pumasok sa pabalik sa loob ng kwarto. Ilang saglit lang ay narinig namin ang pagbukas ng main door ng kwarto naming mga girls. “Anong problema?” Agad na tanong nito ng makalapit. “Wala, bakit?” “Ba’t aga niyong nag-inuman?” “Unwind lang, ganun,” sagot ko. Bahagya itong yumuko at kumuha ng isang bote ng beer mula sa bucket. Napatingala ako sa kanya ng tumayo siya sa harapan ko. Napakunot ang noo ko ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako patayo mula sa recliner chair. “Kiro!” Reklamo ko. Napanguso ako sa kanyang ginawa ng pumalit siya sa pwesto ko. Tinawanan lamang niya ako. Tinalikuran ko na lamang siya at naghanap ng ibang pwesto ngunit natigil ako sa paghakbang ng hapitin ng isang braso niya ang baywang ko. “Dito ka,” bulong niya sabay giya sa akin paupo sa gitna ng mga hita niya. Ewan, naramdaman ko na naman yung kiliti sa bandang puson ko sa ginawa niya. Sinandal ko ang likod sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paglagok nito sa hawak niyang beer. I always feel comfortable lying on his chest, ang sarap lang sa pakiramdam. Muli ay humithit ito mula sa hawak niyang vape sabay buga ng usok pataas. “Pahiram,” ani ko sa kanya. Agad naman niya iyong binigay sa akin. Humithit ako mula rito, lumingon ako sa kanang bahagi saka ko binuga ang usok, hindi kasi nagve-vape si Amber. “Inaantok na ako, mauna na akong matulog sa inyo,” saad ni Amber sabay lapag ng walang laman na niyang bote sa ibabaw ng lamesa. “Ayaw mong hintayin ang sunrise?” Tanong ko sa kanya. “‘Di na, inaantok na talaga ako,” saad nito at tumayo. “Goodnight guys,” paalam nito sa amin at pumasok na sa loob ng kwarto. “Hindi ka ba natulog?” Tanong ni Kiro sa akin pagwala ni Amber. “Nagising lang ako, ‘di na ako makatulog ulit,” tugon ko. Umalis ako sa pagkakasandal kay Kiro. Binalak kong lumipat sa inupuan ni Amber kanina ngunit ng sinubukan kong tumayo ay humigpit lamang ang hawak ni Kiro sa tiyan ko. “Hoy,” saway ko sa kanya. “Inaya niyo pa ako, tutulugan niyo lang pala ako,” nagtatampong saad nito. “Hindi, lilipat lang ako ng upuan-” “Stay,” bulong niya sa tenga ko, na nagpatigil sa akin. “I feel cold, Lee. So just stay here,” may humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko at muling hinila ako padikit sa katawan niya. Naging sunod-sunoran naman ako, muli kong sinandal ang likod sa dibdib niya. Muling tinungga niya ang hawak na beer. “Let’s watch the sunrise together,” saad niya pa. “Fine,” kunwari napipilitan kong saad pero ang totoo, feel na feel ko na yung moment naming dalawa. Kinikilig na ko deep inside. Saglit kong nakalimutan ang kanina pa bumabagabag sa isip ko at ang pangamba sa pagkakaibigan namin ni Ian. Muli akong humithit sa vape niya sabay buga ng usok pataas. “Ako naman,” ani niya sa akin. Bahagya ko siyang nilingon at nilagay ang vape sa labi niya. Humithit siya mula rito. Sinamaan ko siya ng tingin ng binuga niya ito sa akin. “Ganti ka nga,” saad nito. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ba’t pakiramdam ko nilalandi niya ako ngunit ganun pa ma’y sinunod ko ang sinabi niya. Humithit ako mula sa hawak kong vape sabay buga sa kanya, marahang napaatras ang ulo ko ng sinalubong ng nakaawang niyang mga labi ang usok na binuga ko tila hinihigop niya ito. Konti na lamang talaga ang pagitan ng mga labi naming dalawa, kung hindi pa ako napaatras tiyak nahalikan na niya ako. “D*mn you! Kiro!” Saway ko sa kanya. Shuta! Legit yung kaba ko, sh*t! “Why?” Natatawa niyang saad. “Gago ka,” saad ko at umayos ng upo. “Nagulat ba kita,” mahinang usal niya sa tenga ko. “Ewan ko sayo,” Ewan ko rin sa sarili ko. Natakot ako bigla ngunit ‘di ko alam kung anong kinakatakot ko. Kay lakas ng t***k ng puso ko, bwes*t! Siya lamang ang nagpapatibok ng puso ko ng ganito. Muli’y napaiwas ako ng bahagya ng bigla niyang kinagat ang dulo ng balikat ko. Hindi ko nailayo ang sarili dahil humigpit muli ang pagkakayakap ng braso niya sa baywang ko. “Aw!” mahinang impit ko sabay kurot sa hita niya. “Ayoko na! Nakakainis ka na!” Sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap ng braso niya ngunit niyakap pa nito ang isang braso sa akin. “Sorry na, nakakagigil ka kasi,” saad nito habang yakap ako. “Magbe-behave na nga, promise.” Hindi na naman niya iyon inulit. Naging tahimik kaming dalawa habang hinihintay ang pagsikat ng araw. Nilapag ko ang bote sa lamesa ng maubos ko ang laman. Hindi na ako kumuha ng isa pa, hinihintay ko na lamang ang sunrise ngunit hindi ko namalayan, nahila na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog sa dibdib niya. Kinaumagahan, mag-isa na lamang ako sa silid. Nasa ibabaw na ako ng kama namin ni Kiara. Bumangon ako. Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang oras. Mag-aaalas onse na ang umaga, ang haba ng tinulog ko. Bumangon ako upang maligo ngunit nahinto ako sa paghakbang papuntang banyo ng marinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ko sa may dalampasigan. Tinungo ko ang teresa at sinilip ang mga ito, natawa ako ng makitang naglalaro ang mga ito ng patintiro. “Lee, come here! Sali ka!” Sigaw ni Kiara. “Maligo muna ako! Bababa ako mamaya!” “Wag na! Maliligo naman tayo sa dagat!” Muli ay sigaw nito. “Okay!” Saad ko na lamang. Tinungo ko pa rin ang banyo upang magsipilyo at maghilamos. Nagpalit na rin ako ng beach attire. Isang yellow green two piece bikini na gansilyo at white maong short. Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto at may pananabik na tinungo ko ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko. “Sali ako!” Saad ko. Biglang napatingin ako kay Ian. Kay bilis kong nag-iwas ng tingin ng magsalubong ang mga mata naming dalawa. As much as posible nais kong kalimutan ang nagyari sa aming dalawa. Hindi man maibabalik ang closeness naming dalawa atleast we stay as friends. Binago nila ang grupo upang maisingit ako. “Head sa amin!” Anas ni Ian bilang lider ng kanilang grupo. Kasama niya sina Uno, Kiro, Dos, Shine, Uriel at Kiara. “Tail!” Saad naman ni Rafa, siya ang lider namin. Nasa grupo niya ako kasama sina, Fifth, Zap, Rafa, Amber, Rain at Thirdy Zap tossed the coin. Nang lumapag iyon sa palad niya ay agad niya itong nilahad sa amin. “Yes, Tail!” Sigaw namin. Ibig sabihin, sila Uno ang taya kami ang magbebase. Isa-isa na silang pumwesto sa kani-kanilang mga linya. Nauna si Ian dahil siya ang leader ng grupo nila, sunod ay si Kiara, Shine, Kiro, Dos, Uriel, at ang pinakahuli ay si Uno. Mabilis na tinapik ni Rafa ang palad ni Ian, naging maliksi ang kilos nito upang ‘di agad mahuli. Nang matapik ay isa-isa na kaming nagsitakbuhan at lumusot sa mga nakaharang. Nakalusot ako kay Kiara, Shine, ngunit hindi kay Kiro. Sinubukan kong lumusot ngunit sadyang mabilis ang mga kilos nito. “You can’t get away with me, Lee,” saad nito. “Let’s see, Kiro!” mayabang kong saad. Muli’y sinubukan kong lumusot ngunit muli’y mabilis niya kong naharang. “Wag mo nang subukan, Lee,” “Oh look! There’s a bird, Kiro! There’s a plane!” Tingala sabay turo ko sa langit. I was trying to distract him. “But there’s you,” natigil ako, bumaba ang tingin ko sa kanya. Kay riin ng pagkakatitig niya sa akin. “Nothing can caught my attention, Lee, rather than you,” nawala na ako sa konsentrasyon ng laro. Bakit may paganun? “Tag,” nagitla ako ng marahan akong tinapik ni Ian. Nakalimutan kong dahil nasa pinakaunahan siya ay pwede pa la siya sa vertical line, yung mahabang gitnang linya. “You’re too obvious,” malamig nitong saad sa akin sabay talikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD