Chapter 7

2288 Words
Ian’s POV Kay tagal kong nag-ipon ng sapat na lakas ng loob para sabihin ang totoong nararamdaman ko para kay Lee. Kay tagal kong kinikimkim iyon sa sarili ko. Sobra-sobra yung pagpipigil kong wag aminin sa kanya o wag magpakita ng motibo dahil ayokong magkalamat ang samahan naming dalawa, ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin, ayokong layuan niya ako bigla at lalong ayokong masira ang pagkakaibigan na meron kaming dalawa. Kahit na halos araw-araw akong sinusubukan ng pagkakataon. Pero nang makita ko sila ni Kiro sa dagat, yung pagtitimpi ko? Yung pagpipigil ko ay nasagad na hanggang dulo. Sobrang nakakagago lang! Hindi ko na nakaya yung nararamdamang bigat sa puso ko habang pinagmamasdan silang dalawang magkayakap at halos maghalikan sa ilalim ng tubig ngunit ang masa masakit ay alam kong may pagtingin siya kay Kiro, noon pa ma’y nahahalata ko na iyon sa mga kilos niya and the way she looks at him. Hindi ko kailanman pinangarap na maging ibang tao ngunit sa oras na iyon, I wished I was him. Sana ako yung gusto. Sana ako yung mahal, t*ngina! Halos mabasag ang hawak kong bote ng beer dahil sa inis na nararamdaman ko nun. Walang kami pero araw-araw niyang dinudurog ang puso ko, araw-araw niy akong sinasaktan. Nakakagago! Ang mahirap wala akong karapatan na magalit, magwala o magselos dahil kaibigan lamang ako, hanggang kaibigan lamang ako, tangina! Kay tagal kong inipon ang lakas ng loob na iyon upang maamin ko sa wakas na gusto ko siya. Hindi madali sa akin sabihin iyon dahil alam ko ang magiging kapalit pero tangina! Bakit kay bilis niya akong tanggihan? Ba’t kay bilis niyang binasura ang pagtingin ko para sa kanya ni ‘di man lang niya ako binigyan ng chance. Like I don’t matter at all. Ano bang kulang? Ano bang meron siya na wala ako? Nais ko mang pagsisihan na nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko ay huli na. Nasira na ang pagkakaibigang kay tagal kong iningatan. Nawala na ang dating kami… Ilang beses kong sinubukang kausapin siya tungkol sa nangyari at naging komprontasyon namin sa isla ngunit sa tuwing sinusubukan ko ay umiiwas siya. I miss her… I miss us… I miss the old us… Tinanaw ko siya habang papalayo sa akin. Nakita ko kung paano niya siniksik ang sarili sa maraming tao. Ayaw man niyang aminin ngunit ramdam ko ang pag iwas niya sa akin. Bigla siyang nawala sa paningin ko at humalo sa maraming tao saka lamang ko lang naalala na hindi pala ito sanay uminom. Nag-alala ako bigla na baka mapagsamantalahan ng kung sino kaya 'di baleng magalit siya sa akin ay hinanap ko siya, sinundan ko siya, ‘di baleng ipagtabuyan niya ako muli, nais ko lang makasigurong okay lang siya. Hayop! Ako yung nasasaktan pero ako pa rin itong sobrang nag-alala sa kanya. Naagaw ang atensyon ko ng magpalit ng kanta ang bar dahil sa pagdagundong ng hiyawan ng mga tao buong A’choholic. Pumailanlang ang Eroplanong papel ng December Avenue. I’m not a fan of the song ngunit habang pumapainlanlang iyon ay naiintindihan ko ang pinapahatid ng kanta, shuta! Tagos hanggang buto yung sakit. "T*ngina! Ang pangit kabonding ng DJ! Nananakit! Inaano ka ba!" Sigaw ng isang babae na halatang lasing na. "Pakyu ka, Thompson! Manloloko!" Sigaw ng isa pang babae. "Tangina mo Ranz! Hayop ka! Mamatay ka na sana!" Sigaw naman ng isa pang babae. Tuloy-tuloy lamang ang mga hakbang ko. Una kong pinuntahan ang girl's comfort room but she wasn’t there. Isa-isa ko pang tiningnan ang cubicle ng girls restroom para masiguradong wala nga siya roon kahit na pinagtitinginan na ako ng mga babae sa loob. Nagsimula ng bumilis ang t***k ng puso ko. “Hello, hottie, maybe it was me you’re looking for, ” bahagya ko lang sinulyapan ang babae sa gilid ko at agad itong iniwan. “Suplado!” Rinig kong sigaw nito. Di ko maiwasang kabahan. Di ako mapakali hanggang hindi ko siya nakikita at malaman that she’s safe. Nilibot ko ang bar. Kung saan-saan ko na siya hinanap. Habang patagla ng patagal ay may lalong pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko pa rin siya makita. Huli kong tinungo ang smoking area na nasa second floor ng bar na sana ay di ko na lang ginawa. Tila nanadya yung DJ ng bar dahil insaktong pagkakita ko sa kanila ay ang pagbagsak ng chorus ng kanta na mas lalong nagpabigat sa puso ko. Kasabay ng paghinto ko habang mariing nakakatitig sa dalawang taong naghahalikan ay ang paglakas ng tugtog ng kanta. Kung panalangin ko'y 'di marinig Abutin man ng bawat sandali Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo Ang dalangin ng puso'y ikaw Kay bilis ng t***k ng puso ko, umigting ang panga ko, napakuyom ang mga kamay ko habang pinagmamasdan silang dalawamg patuloy na naghahalikan. Bahagyang napaawang ang labi ko kasabay ng pagtaas baba ng dibdib ko. Halos ipagtulakan niya ko, tangina! Pero sa iba nakikipaghalikan siya at ang masakit sa bestfriend ko pa. Langya! Putangina, ang sakit, gago! Lee’s POV Naipikit ko ang mga mata ng sinimulan kong tugunin ang mga halik niya. Ramdam ko ang panginginig ng mga labi ko. Sinabayan pa ng malakas na pagtibok ng puso ko. Kay lakas ng musika sa loob ng bar ngunit tinatalo nito ang nakabibinging kalabog ng puso ko. Dinadama ng labi ko ang texture ng labi niya. Nalasahan ko sa labi niya ang candy na inagaw niya mula sa bibig ko, pati na rin ang menthol flavor ng hinithit niyang sigarilyo. Kahit kagagaling lang niyang manigarilyo ay nanatiling mabango at masarap ang lasa ng bibig at mga labi niya. I don't know how to kiss but I managed to respond with his every move. Madali lang naman tumugon, madali lang sumabay, madali lang matutunan. Mabagal lamang noong una, magaan, nananantya. Tila tinitikman lamang niya ang mga labi ko ngunit ng maramdaman niya ang pagtugon ko'y unti-unting lumalim ang mga halik niya sa akin kasabay ng unti-unting panghihina ng mga binti't mga tuhod ko. Mabuti na lamang at nakasandal ang likod ko sa pader. Tinaas ko ang magkabilang kamay, pinatong ko ang isa sa balikat niya habang ang isa'y sa likod ng kanyang ulo, nilalaro ng mga daliri ko ang buhok niya habang patuloy na tumutugon sa mga halik niya. Inalis niya sa pagkakahawak sa pisngi ko ang kaliwa niyang kamay. Dumausdos ito pababa hanggang sa maramdaman ko ito sa ibabang bahagi ng likod ko. Mahina akong napadaing ng bahagyang pinisil ng palad niya ang bahaging iyon ng katawan ko. He slowly pulled me closer to him. Inalis niya ko sa pagkakasandal sa pader. My body gently bumped to his chest, mas umusbong ang init na nararamdaman ko sa katawan ng lumapat ang katawan ko sa kanya. His right hand slowly ran at the back of neck. He gently pushed the back of my head against him ng idiin niya ang labi sa labi ko. Tila ba 'di ito kontento sa halik lang. I feel like he wanted to eat my mouth with the way he kissed me. Nagdadalawang isip na ako kung halik pa ba ang tawag sa ginagawa niya sa labi ko ngunit mas nagustuhan ng katawan ko ang gawi ng paghalik niya sa akin… Mapusok… Mapaghanap… Mapang angkin… Sinipsip niya ang pangibabang labi ko na para bang katulad ng candy, tila ba may tamis siyang malalasahan mula dun. Dama ng labi ko ang dulo ng dila niya, dinidilaan niya iyon. Bahagyang umarko ang katawan ko ng niyakap ko ang magkabilang braso sa likod niya sabay diin ng sariling katawan sa katawan niya upang mas madama ang init na hatid nito sa katawan ko. He carefully released my nape, tinukod niya ang palad sa pader sa likod ko upang suportahan ang bigat namin pareho, naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa likod, mariing nakahawak, dama ko ang panggigil niya. Palalim ng palalim ang halikan naming dalawa. Napipigti na ang hininga ko ngunit masyado akong nag-enjoy, ginanahan, nasiyahan para bumitaw sa halikan naming dalawa. Gustong-gusto ko ang halik niya. Gustong-gusto ng katawan ko ang init na hatid ng pagkakadikit ng labi niya sa labi ko, ng katawan niya sa katawan ko, ng paglapat ng braso niya sa likod ko. Gustong-gusto ko lahat ng ginagawa naming dalawa. I was enjoying the moment and even wished na sana wag nang matigil pa. Ayoko mang kumawala ngunit natigil ako sa pagtugon sa halik niya at bahagyang nagitla ng marinig ko ang malakas na paghampas sa pader. Napabitaw ako. Bahagyang napaatras ang ulo ko, nahagip pa ng paningin ko ang nakapikit na mga mata ni Kiro at bahagyang pag-awang ng mga labi niya bago ako napalingon sa gawi ng hagdan pababa ng ground floor kung saan nagmula ang ingay. Hingal na napatitig ako sa parte na iyon ng bar. Wala akong nakitang tao. Ngunit yung atensyon ko’y naagaw sa mainit na hininga ni Kiro na tumatama sa pisngi ko. "I still want to kiss you again so bad, Lee," tila nahihirapan niyang daing. Napalingon ako sa kanya, bumaba ang labi niya sa labi ko. Sinubukan niyang abutin iyon tila ‘di alintana ang narinig na lagabog. Nahinto ito sa paglapit ng labi niya upang abutin muli ang labi ko ng bahagyang mapaatras ako. “But Kiro there’s-” “I don’t f*****g care… Let them watch us,” pagkasabi’y muli niyang inabot ang labi ko. Muling pumikit ang mga mata niya. Muling masuyong hinawakan niya ang isang bahagi ng pisngi ko habang ang isa’y muling tinukod niya sa pader sa gilid ng ulo ko. Gustong-gusto kong tumugon ngunit nababahala akong may makakita sa aming tropa. Baka nga isa na iyon sa mga tropa namin at siyang nanti-trip kanina. Muli’y natigil ito sa paghalik sa akin ng bahagya ko siyang tinulak. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, bakas ang pagkabitin sa kanyang mukha. Bumaba ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko ngunit nanatili ang isang kamay niya sa pader. “Kiro, please…” pakiusap ko. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, mula sa labi ko’y napatitig siya sa mga mata ko, kay riin. Ilang segundo kaming nagtitigan dalawa bago malakas itong napabuntong hininga. Umayos ito ng tayo. “Let’s go back to the VIP,” saad niya. Inakbayan niya ako at giniya na paalis ng smoking area. Inalalayan niya ako pababa. Dumaan kami sa stage. Napatigil kami sa paghakbang ng biglang may sumayaw sa harapan niya. She twerked in front of him. Sinasadyang tamaan ng pwet nito ang umbok sa harapan niya. Ang gagong si Kiro, chineer pa nga yung babae. “Go, b*tch! Damn that booty!” Malakas na saad nito. Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Ang saya nila maliban sa akin. Sa inis ko tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa balikat ko sabay walk out. Kay laking mga hakbang ko palabas ng bar. Nagdidilim ang paningin ko. Langyang gagong yun! Asang-asa pa naman akong pagkatapos ng nangyari ay may kami na! Putangina! Mabilis na pinara ko ang taxi na dumaan sa harapan ko ngunit bago ko pa man mahawakan ang door handle ng taxi ay biglang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko’y galit na tinignan ko siya. “I’ll take you home-” “Bitwan mo ko kung yaw mong masapak gago ka!” Inis na saad ko sa kanya. Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak niya ngunit humigpit lamang iyon at hinila ako patungo sa pinagparadahan niya ng motorsiklo. “Ano ba! Bitawan mo nga ako!” “I told you I’ll take you home,” kalmang saad niya. “Sinong nagsabing uuwi ako?” “Saan mo ba balak pumunta-” “Wala kang paki!” Huminto kami sa gilid ng bigbike niya. Nanatiling mahigpit na hawak niya ang kamay ko. “Saan yun?” Kunot noong tanong niya. Sinundan ko ang kamay niya ng kinuha nito ang phone mula sa bulsa niya. “Saglit, i google ko muna-” “Asshole! Bwesit ka! ‘Di ako nakikipagbiruan! Gago ka!” Pinilit kumawala sa mahigpit niyang hawak. Natigil ako ng humarap siya sa akin at mariin akong tinitigan sa mga mata. “Why suddenly became mad, Lee?” Kalmado niyang tanong. At nagtanong pa nga! “Hindi ako galit!” “Hindi nga ba? Is it because I kissed you?” T*ngina! Mukha bang ‘di ko nagustuhan halik niya sa akin? Tinugon ko nga! Matalino siyang tao pero ang tanga niya! “Are you dumb?!” Pagkasabi ko’y malakas ko siyang itinulak. Nagawa kong kumawala sa kanya ng ma out balance ito. Mabilis akong tumakbo. Na para ko kaagad ang isang taxi at mabilis na sumakay sa backseat. “Go na po! Bilis please!” Napaharurot na ng driver ang sasakyan bago pa man maharang muli ni Kiro. Malapit lang ang condo ko kaya kay bilis kong narating iyon. Mabilis akong bumaba mula rito ng huminto ito sa harapan ng condominium building na tinitirhan ko. Narinig kong may tumawag na miss ngunit ‘di ako nagabala pang lingunin ang tumawag. Kay laki ng mga hakbang kong umakyat patungo sa main entrance ng building. Ilang saglit lang ay nasa harapan na ako ng pintuan ng unit ko pinipindot ang apat na passcode ko. Inis na sumalampak ako ng upo sa couch sa living room. Inis na isa-isa kong tinanggal ang suot na sapatos at hinagis iyon. Nang mahubad ko ang mga sapatos ay tumayo ako at tinungo ang kwarto ngunit agad rin akong napahinto ng biglang bumukas ang pintuan ng condo ko. Hinarap ko siya. Pinamaywangan. “What the hell are you doing here?” Napaatras ako at napasinghap ng inilang hakbang lamang niya ako. Sabay huli sa magkabila kong pisngi. “I told you I still want to kiss you,” pagsabi’y muli niyang inangkin ang mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD