LEE’S POV
Bumitaw ako kay Kiro at nilayo ang sarili ko sa kanya. Iniwan niya ako upang lapitan si Ian habang ako’y umupo pabalik sa buhangin kung saan ako nakaupo kanina kasama ang mga kaibigan kong mga babae.
“Bakit naman kasi sa dami ng lalaki kay Kuya Kennedy ka pa nagkagusto? It was like reaching the moon with your bare hands. Lalaki din kaya gusto miyon!” Rinig kong saad ni Kiara kay Amber. They were talking about my brother. Nakikinig lamang ako sa kanila habang inubos ko ang natitirang laman ng hawak kong bote. Inisang lagok ko ang laman nito at nang maubos ay basta ko na lamang iyon nilapag pahiga sa buhangin sa tabi ko.
“Fifth, pahingi ako isang bottle, please!” Agaw ko sa atensyon ni Fifth. Sa kanya ako nagpasuyo dahil nasa tabi lamang niya ang cooler kung saan nakababad ang mga inumin.
“Sure!” Agad namang tumalima si Fifth. Gumilid ito upang kumuha ng isang bote mula sa cooler. Binuksan niya ito gamit ang can opener saka niya iniabot sa akin.
“Thank you!” Hinging pasasalamat ko nang tanggapin ko ito mula sa kanya.
“Welcome!” Tugon naman nito sa akin. Pagkaabot ko'y agad ko itong tinungga. Nakailang lagok ako bago ko ito binaba.
“Gwapo kaya si Kennedy and he is so responsible and smart but above all alam kung hindi babaero. Sure akong hindi ako mag-ooverthink sa gabi at hindi ako masasaktan.” Walang gatol na sagot ni Amber na para bang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasabi. Nagpatuloy lamang ako sa pakikinig sa kanilang usapan na para bang 'di ko kapatid ang topic nila. Noon pa man ay baliw na talaga si Amber kay Kuya Kennedy kaso hindi siya bet ng kuya ko dahil babae siya.
“Malamang hindi mambabae pero tiyak manlalaki! Baka nga maging karibal mo pa’y lalaki rin!” Natatawang singit ni Shine. Medyo nasamid pa ako sa ininum ko ng marinig ang sinabi niya.
“Sira! Pero kung sakaling maging kami-”
“Yan kung magkakahimala!” Singit naman ni Fifth. Ang kulit rin, eh. Hindi ito kumbinsido na magiging lalaki si Kuya Ken dahil katulad niya ito. Fifth is a lesbian. Siguro’y pakiramdam niya pareho sila ng pamantasan ni Kuya Ken.
“He still a man and I believe na babae pa rin ang kahinaan niya!” Siguradong saad ni Amber. “Hayaan niyo, one of this day, gigising na lamang siya ako na mahal niya.” Dagdag pa nito.
“Kung ano man yang binabalak mo tigilan mo na yan, madidismya ka lang.” Singit ko. “Kilala ko si Kuya Ken, malamang kapatid ko siya. 101 percent lalaki lang ang magpapa-fall sa kanya, trust me.” Patuloy ko pa.
“‘Di mo sure!” Ayaw talaga paawat ni Amber.
“Ikaw bahala basta binalaan na kita.” Saad ko sa kanya at muling ininom ang laman ng beer ko. “Pero kung nagwagwapuhan ka kay Kuya Ken bakit hindi na lamang si Kuya Kian-”
“No! Never! As in, hindi!” Mabilis na putol niya sa akin. “Magiging matandang dalaga na lamang ako, no! Than being with him! Gagawin lamang niyang miserable ang buhay ko!” Natawa ako sa naging reaksyon ni Amber. “Napakayabang, napakababaero, basagulero, mahal ko pa buhay ko kaya, no way!” Giit niya.
“Hoy! Grabe ka maka-judge sa kuya ko! Mabait din kaya yun, responsable din at matalino! Na barkada nga lang sa iba kaya naging basagulero.” Pagtatanggol ko sa kapatid ko.
“I don’t care, Lee! Ayoko ng badboy! Ayoko ng babaero! I don’t care kung nasa kanya lahat ng gusto ko sa lalaki basta kapag basagulero at babaero ka, ekis ka na agad sa akin! I want someone who can give me peace of mind-”
“Do you think you can have that peace of mind with Kuya Ken?”
“Oo because he is responsible and kind. Na kay Ken na lahat ng gusto ko sa isang lalaki, Lee.” Seryoso niyang saad kaya hindi na ako kumontra. Iba talaga ang tama niya sa kapatid ko.
“How about Uno?” Singit ni Fifth.
“No! Aside sa babaero kapatid mo, I don't want to be called a cougar. I don’t like to date a man younger than me. I still want someone who is mature enough to handle our relationship. Hindi yung ako ang mag-a-adjust! As I have said I need someone who can give me peace of mind.” Patuloy nito.
“Tama na nga yan! Maligo na lamang kaya tayo dahil malalim na ang gabi nang makapaglinis na rin tayo ng katawan at matulog pagkatapos.” Putol ni Kiera sa amin.
“Mabuti pa nga!” Saad ko at tumayo na. Nagsitayuan na rin sila at sabay kaming apat na tinungo ang dagat.
“Wag masyadong lumayo, girls!” Sigaw ng mga boys sa amin. Hindi namin sila pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Hinubad ko ang aking shorts at hinagis sa buhangin. Natira na lamang ay ang two-piece bikini ko. Nakabikini lamang kaming tatlo habang si Fifth ay naka board short at sandong panlalaki.
Ang lamig, shuta!
“Oh God! Ang lamig,” reklamo nila ng makalusong ang kalahating katawan sa dagat. Kahit na may mga ilaw ay medyo madilim pa rin sa parteng iyon ng dagat.
“Ang sarap ng tubig, nakakatanggal ng stress.” Komento ni Amber.
“We deserve this, girls! After all our sleepless nights, nakakabaliw na exams at pahirapang projects sa school, we all deserve this!” Anas ni Kaira.
“Finally, another semester ended. Konti na lamang, graduate na tayo,” saad naman ni Fifth.
Ini-enjoy lamang namin ang sarap ng tubig nang mapalingon kami sa mga barkada naming lalaking lumusong na rin sa tubig at palapit sa aming apat.
Agad namang pumwesto si Zap sa likuran ni Kiara sabay yakap sa baywang nito.
“Hi, Felisse!” Nakangising saad ni Uriel kay Fifth.
“Subukan mong lumapit lulunur!n kitang hayop ka!” Matapang na saad ni Felisse. Nagtawanan kami sa kulit ng dalawa. Napailing-iling ako sa bangayan ng dalawa para talaga silang aso’t-pusa hindi magkasundo.
Bahagya akong nagulat ng maramdaman ko ang pagpulupot ng mga malalaking braso sa baywang ko mula sa ilalim ng tubig. Kahit hindi ko siya nakikita ay agad kong nakilala ang nagmamay-ari ng mga brasong nakayakap sa akin ngayon. Kabisadong-kabisado ko na ang bawat dantay ng palad niya niya, hawak at yakap niya. Napahawak ako sa mga braso niya. Hinintay ko lamang siyang umahon mula sa tubig. Pinilit kong wag magpapaapekto sa pagkakayakap niya sa akin. Noon pa man ay kay lakas na ng epekto niya sa katawan ko ngunit hindi ako nagpapahalata. Pilit ko lang iyong tinatago upang wag niyang mapansin at nang mga kaibigan namin.
Tuluyan siyang umahon. Mula sa likod ay niyakap niya ako. Nasa ibabaw na ng dibdib ko ang mga braso niya.
"It's so cold!" Bulong niya sa tenga ko at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
Tuluyang nagkadikit ang mga katawan naming dalawa. Napakalamig ng tubig ngunit naging walang silbi ito sa init na nararamdaman ko ngayong akap-akap niya ako. Sa simpleng pagkakayakap niya sa katawan ko at pagkakadikit ng dibdib niya sa likod ko ay naghatid ito ng kakaibang kiliti sa buong katawan ko.
“Where’s Ian?” Tanong ni Amber.
“Nauna ng umakyat sa kwarto. Nahihilo na raw siya,” sagot ni Kiro kay Amber.
Isa-isang nag-si-alisan ang mga kaibigan namin.
“Mauna na akong umakyat sa kwarto. Giniginaw na ako,” paalam ni Amber.
“Samahan na kita.” Singit naman ni Uno.
“I’m good, Uno. No need. Thanks.” Bara ni Amber sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa mababaw na parte ng dagat.
“Ako rin, matulog na ‘ko.” Segunda naman ni Fifth at agad na sumunod kay Amber.
“Let’s go, tulog na tayo!” Saad naman ni Uriel. Sinubukang sumunod ni Uriel kay Fifth ngunit agad itong napabalik ng biglang niyakap siya ni Uno sa leeg sabay hila nito sa ilalim.
“Maaga pa, laro muna tayo ng lunuran!” Bahagya akong natawa sa sinabi ni Uno.
Hinila na rin ni Zap si Kiara palayo sa amin kaya dalawa na lamang kami ni Kiro ang naiwan sa dating pwesto. Dala ng impluwensya ng alak ay naging agresibo na ang mga kilos ko. Humarap ako sa kanya at inikot ko ang magkabila kong braso sa leeg niya habang yakap ng dalawa niyang braso ang likod ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayap niya sa katawan ko, pressing my thin body against his huge bulge. Tila nanggigil ito pero may kasamang pagtitimpi.
Ewan ko ngunit gustong-gusto kong nadidikit ang katawan ko sa katawan niya. Tila may kung anong nagsisitalunan sa bandang tiyan ko paakyat sa itaas ng katawan ko. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang malalim niyang paghinga. Kay lapit lang kasi ng labi niya sa tenga ko, damang-dama ko pa ang bawat pintig ng puso niya at sa simpleng init na nagmumula sa labi niya ay nadagdagan nito ang init na nararamdaman ko sa katawan, nakakalasing, nakakapanginit.
“Let’s go deeper,” bulong nito kasabay ng paghakbang nito patungo sa mas malalim. Mabilis ko namang ikinawit ang magkabilang binti ko sa likod ng kanyang balakang. “F*ck,” he muttered under his breath, na para bang may nasagi ako kasabay ng bahagya nitong pag-iwas ng ibabang bahagi sa katawan ko.
“Something wrong?” Tanong ko ng maramdaman ko ang uneasiness nito. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng pagtibok ng puso niya kasabay ng mahaba niyang paglunok.
“Nope!” Mabilis na tanggi nito at nagpatuloy sa paghakbang. Huminto siya nang hanggang leeg na lamang niya ang tubig. He is a six-footer kaya malamang hindi na abot ng mga paa ko ang ilalim ng tubig. Mas humigpit ang pagkakayakap ng mga braso ko sa kanya. “Tell me when you’re already cold, aahon na tayo.” Mahinang usal niya.
“How would I feel cold if you’re too hot, Kiro?” Saad ko sa mahinang boses. I feel like I became flirty, but the hell do I care, right? I’m drunk, char! Natigilan ito, hindi nakaimik sa tinuran ko. Segundo ang lumipas ay mahina itong natawa.
“You find me, hot?” Tanong nito sa akin.
“Women wouldn’t flock on you if you’re not, Kiro.” Muli ay malandi kong saad. “Kiro!” Impit ko nang bigla na lamang niyang kagatin ang balikat ko. Sinubukan kong kumawala sa kanya ngunit kay higpit ng pagkakayakap niya sa katawan ko. “I hate you!” Saad ko habang tinutulak ko siya palayo. Tinawanan lamang niya ako. "Get off me!"
“HIndi na nga, sorry na, nakakagigil ka kasi,” malambing nitong saad sa akin.
“It hurts! Parang gago 'to!” Singhal ko sa kanya.
“Mas masakit puson ko,” saad nito.
“What?” Hindi ko maintindahan kung bakit niya sinabi iyon.
“Wala! Let’s swim, hold your breath.” Saad niya at sinunod ko ang sinabi niya. Mabilis na pumailalim kaming dalawa sa tubig habang magkayakap sa isa’t-isa. Ilang segundo lamang ang paglubog naming dalawa sa ilalim ng tubig, agad lang rin kaming umahon. Habol ang hininga namin pareho.
Habang nagkukulitan kaming dalawa ay bigla na lamang akong napalingon sa may terasa ng Rest house. Hindi ko alam pero pakiramdama ko ay may mga matang kanina pa nakatitig sa amin ngunit wala namang tao sa gawing iyon ng Rest house.
“Lee, are you okay?” Untag ni Kiro sa akin. Napalingon ako sa kanya pabalik at napatingin sa mga mata niya.
“Yeah,” tanging tugon ko.
I enjoyed the vacation more dahil kay Kiro kahit palihim, kahit sinasarili ko lamang and nararamdaman ng puso ko. Ayoko pa sanang maputol ang moment naming dalawa ngunit nag-aya na ang buong barkada na umahon dahil masyado ng malalim ang gabi. Buhat-buhat pa rin ako ni Kiro hanggang sa ibaba niya ako sa buhangin. Nagkukulitan pa rin kaming dalawa. Naghabulan pa nga papasok sa loob ng rest house na parang mga bata.
Nagising ako nang makaramdam ako ng uhaw. Ingat na bumangon ako sa kama dahil baka magising ko si Kiara. Siya ang katabi ko sa isang queensize bed. Dahan-dahan kong binaba sa sahig ang mga paa ko at marahang pinasadahan ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok. Inabot ko ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama namin ni Kiara upang tingnan kong anong oras na. I doubled tap the screen, umilaw ito, tinignan ko ang oras, it’s quarter to three already.
Agad kong binalik ang cellphone sa kung saan ko ito kinuha at inaantok na tumayo at lumabas ng kwarto naming mga babae. Hindi ko na binuksan ang mga ilaw sa living room dahil naaninag ko pa naman ang daan patungong kitchen mula sa mga ilaw na nagmumula sa labas ng rest house at dimlight na nagmumula mismo sa kusina. Hindi na rin ako nag-abalang buksan ang main light nito dahil mabilis lang naman ako.
Binuksan ko ang refrigerator at kinuha mula doon ang babasaging pitchel na puno ng tubig at dinala sa kitchen counter. Sunod kong binuksan ang drawer sa tapat ko upang kumuha ng isang baso at nilapat sa tabi ng pitchel. Sinalinan ko ng tubig ang babasaging baso at nang mapuno ay binaba ko ang pitchel sa counter. Inangat ko ang baso and I drank it straight. Uhaw na uhaw ako. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Hindi ako nakuntento sa isang baso at muling pinuno ang baso ko ng tubig at muling nilagok ko iyon.
After I got myself satisfied, I placed the glass on the sink habang ang pitchel ay binalik ko sa loob ng ref. I closed it, after. Binalikan ko ang ginamit kong baso at hinugasan iyon, I just placed it on the dish drying rack. Pagkatapos ay pinunasan ko ang basa kong mga kamay sa basahang naroon.
I was about to go back to our room nang bigla na lamang lumitaw sa harapan ko si Ian. Bahagya akong nagulat at napahawak sa aking dibdib. Napatras ako ng isang beses dahil sa lapit niya. Amoy alak ito. Buong akala ko ay natulog na ito nang maligo kami sa dagat. Kay riin ng pagkakatitig niya sa mga mata ko and it gave me uncomfortable feeling.
“Ian… You didn’t sleep yet?” I managed to ask despite sa nararamdaman kong pagkailang sa gawi ng paninitig niya sa akin.
“I can’t sleep,” mahinang saad niya ni ‘di man lang gumalaw ang mga mata niya.
“Nagugutom ka ba? Ipagluto kita. You want milk? Ipagtitipla kita? What do you want?” I offered.
“You…” Natigil ako sa pagsasalita at napatitig sa mga mata niya. Sinusuri kong seryoso o nagbibiro lamang siya.
“Can you please be serious, inaantok pa ak-”
“I want you, Lee…” Putol niya sa akin. Nagsimula na akong kabahan. Napaatras ako ng unti-unti niyang nilapit ang sarili sa akin. Natigil lamang ako ng maramdaman ng pangupo ko ang gilid ng kitchen counter. Nanatili akong nakatingala sa kanya. “I like you. I like you a lot! Hindi bilang kaibigan. Gusto kita para sa akin, Lee, gustong-gusto kita-”
Tinaas ko ang isang kamay at hinarang ko sa kanyang dibdib ng tinangka niyang mas lumapit pa.
“Please, don’t take another step, Ian. Stay there!” Kinakabahan kong saad. “You’re just drunk, okay? Will talk tom-”
“And I’m f*cking jealous,” napapikit ito kasabay ng pag-igting ng mga panga niya. “Every time he touches you, parang gusto ko na lamang manakit!” Now he’s mad.
“I’ll go now-” sinubukan kong umiwas upang iwan siya ngunit mabilis nitong hinarang ang isang braso sa lulusutan ko, cornering me. “Ian!” Sita ko sa kanya ngunit pigil pa rin ang tono ng boses ko. Nababahala akong may makarinig sa akin at baka kung anong isipin nila kay Ian. I still care for him. Napasinghap ako ng binaba niya ang noo sa balikat ko. Damang-dama ko ang paghihirap ng kalooban niya ngunit ano bang magagawa ko kung totong seryoso siya sa mga sinasabi niya.
“Nakainom ako, oo pero hindi ako lasing. I wish I am, so I won’t be able to feel this pain in my chest. I’ve been holding this for years, Lee. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas dahil hindi ko na kayang sarilihin yung sakit. I’m dying inside, Lee. Gusto kita. Gustong-gusto kita."
Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko magawang magalit sa kanya bagkus ay naawa ako. Sobra akong nabigla. Hindi ko kailanman ito inasahan dahil kaibigan at kapatid lang naman talaga ang turing ko sa kanya.
“I-Ian, I’m sorry…” Napapikit ako. Ayokong dagdagan ang sakit na nararamdaman niya ngunit ayokong bigyan siya ng false hope na may pag-asa sa aming dalawa kung patatagalin ko pa ay mas lalo ko lamang siyang masasaktan.
Nagangat siya ng mukha sa akin at muling tinitigan ako sa mga mata. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan ang nakikita ko sa mga iyon, puno iyon ng hinanakit at pagkabigo.
“HIndi mo man lang ba ako bigyan ng chance-”
“I like someone else, Ian!” Babilis kong putol sa sasabihin niya. “Patawarin mo ko ngunit kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sayo. I’m so sorry,” pagkasabi ko’y bahagya kong siyang itinulak at humakbang upang iwan siya ngunit mabilis niya akong nahila sa palapulsuhan. I bumped to his body. Hindi na ako nakapagsalita pa ng mabilis niyang hinawakan ang pisngi ko at siniil ako ng mapusok na halik sa labi. Sinubukan kong kumawala ngunit kay higpit ng pakakayakap ng isang braso niya sa likod ko habang ang isang kamay niya’y mariing nakahawak sa pisngi ko. Inipon ko ang buong lakas ko at malakas siyang tinulak. Nabitawan niya ako at napaatras kasunod ng paglagapak ng palad ko sa kaliwang pisngi niya. Sa lakas ay tumabingi ang mukha niya.
Natigilan ito. Hingal at galit ko siyang tinitigan. Nagpupuyos ang loob kong dinuro siya. “You’re gonna regret disrespecting me, Ian!” Tinaas nito ang isang kamay at marahang hinaplus ang pisnging natamaan ng palad ko. Tumaas ang isang gilid ng labi nito.
“Dahil ako ang gumawa, walang respeto agad, pero si Kiro-”
“It’s none of your f*cking business!” Nanginginig ako sa galit. “Magkaiba kayo! Magkaibang-magkaiba! Siya gusto ko, ikaw hindi!” May diin kong saad. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya ngunit galit lamang ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon. Bago ko siya tinalikuran ay nahagip pa ng mga mata ko ang pagtiim bagang niya.
Kay laki ng mga hakbang kong tinungo ang daan pabalik ng kwarto. Sa galit at disappointment ko sa ginawa niya’y ‘di ko napigilan ang maiyak. Mabilis kong tinungo ang banyo. I turned on the faucet upang ‘di nila marinig ang iyak ko.