Lee’s POV Kasama ko ang tropa sa loob ng hospital suite upang bantayan ang dalawa naming pasyente na sina Kiro at Ian. Since we own a furniture business company, Daddy, brought us a new set of beds, pillows, blankets and bed sheets. Pinadeliver ito ni Daddy sa mga tauhan niya sa suite. Ang mga ito na rin ang nag set-up ng tutulugan namin. Pinagdikit-dikit lamang nila ito sa sahig at nilagyan ng beddings. Sinisiguradong magkasya kaming lahat. Nang matapos ay naglinis muna ang staff ni Daddy bago sila nagpaaal na uuwi na. Daddy thanked them and handed them bills. "Salamat sa tulong niyo. Tanggapin niyo 'to, paghatian niyo na lang." Saad ni Daddy. Kay lapad ng ngiti at nagningning ang mga tao ng makita ang ibinigay ni Daddy. "Salamat po, Sir!" Masayang saad ng staff na inabutan ni Daddy