Kevin's POV (Kiro's Dad-Last part) Nagpaiwan ang mga asawa namin sa suite upang magkusang alagaan ang mga anak. Kasama nila sa suite ay ang mga kumari na sina Gabby, Jazlyn, Claire, Reign at Addie. Habang kaming magbabarkada ay sinimulan na ang nasa plano. “HAH!” Malakas na napasinghap si Drew matapos magising mula sa malakas na pagkakabuhos ng isang timbang tubig sa kanyang mukha. Kahit nakapiring ito’y bakas ang gulat at takot sa kanyang mukha. Nakaupo ito habang nakagapos ang mga kamay sa kanyang likod, maging ang katawan niya sa kanyang inuupuan. Ang reaksyon niya'y tila nakaahon mula sa muntik nang pagkalunod. Kay bilis ng kanyang paghinga at kay lakas ng kanyang pagsinghap. Sunod-sunod. Sinubukan nitong makawala ngunit halos 'di nito maigalaw ang katawan dahil sa higpit ng pagk