Lee’s POV Wala akong nakagawa kung hindi isandal muli ang likod pabalik sa bench. Nakapatong na ang braso niya sa hita ko. Nais ko ng lingonin siya at samaan ng tingin ng hindi pa ito nakuntento at hinaplus-haplus niya pa ang hinlalaki sa hita ko. “Uriel talikod ka may ipapahula ako sayo,” nag-angat ako ng tingin kay Thirdy ng pilit nitong pinatalikod si Uriel. Pareho silang nakatayo sa gilid ng lamesa. Papaupo na sana si Uriel sa tabi ni Fifth kaso bigla siyang hinila ni Thirdy. “Ayoko!” Tanggi ni Uriel at lumingkis mula sa hawak ni Thridy pero si Thirdy hindi hinayaan na umupo ulit si Uriel kaya pumwesto na siya sa likod nito. Muling hinawakan si Uriel at pinirmi. “Ayoko ko nga! Yung trip mo pa naman parang nakasingot ng isang kilong bato!” “Shuta ka, nagbalik loob na ako! Gago to