Lee’s POV “Friday ngayon, alam niyo na agad ang ritwal basta Friday. It’s buhat bote day!” Masiglang saad ni Dos. “A’choholic ulit?” Tanong ni Zap. “Kayo, saan niyo gusto?” Tanong ni Dos. “Pwede rin sa playlist kung ayaw niyo ng masyadong maingay,” suhestiyon naman ni Uno. We were having our lunch in a Chinese restaurant. Pinagitnaan ako ni Ian at Kiro like what we used to. Hindi ako makapalag dahil tiyak na magtataka ang tropa kung sakaling sa iba ako tumabi. “A’choholic na lamang, parang may gustong magwala,” saad ni Rain. Tila may pinaparinggan. “Pass, uwi ako ng mansion,” singit ko. Hindi ako nag-angat ng tingin, nanatili akong nakayuko at nakatuon ang atensyon ko sa aking pagkain. “Bawal KJ,” bara agad ni Rain sa akin. “Bahala kayo,” tanging tugon ko. “Wag niyo ng pilitin k