Lee's POV Saka lamang ako nagmulat ng mga mata ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sarili kong kwarto. Bumangon ako at umupo ng kama. Sinundan ko ng tingin ang nakasaradong pinto. Ewan, naiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung kailan ko makakayang panindigan na wag siyang pansinin. Takot na ako. Takot na akong madagdagan yung sakit sa puso ko. Bumangon ako ng kama. Tinungo ko ang banyo. Nagligo ako upang malinis ang sarili. Matapos kong maligo ay nagapply ako ng skincare sa mukha at nagtoothbrush. Suot ko lang ay bathrobe ng lumabas ako ng banyo Kakasara ko lang ng banyo ng muntikan ng mapatalon ang puso ko dahil bigla na lamang sumulpot sa harapan ko. Kay riin ng pagkakatitig niya sa mga mata ko. Napaatras ako ng umabante siya ngunit agad na naramdaman ng likod ko ang pin