Chapter 2

2332 Words
Chapter 2 Hindi malaman ni Bella ang gagawin kung haharap siya at magsasalita, o tatakbo nang marinig niya ulit ang boses ni Eon pagkalipas ng sampung taon. He's back, he really is. She bites her bottom lip. Parang tinakasan na siya ng lakas ngayon pa lang at wala siyang maisip na tama pang gawin. Nanginginig na naman ang mga kamay niya at parang aatakihin na siya sa puso dahil sa takot. "Turn around. Who are you?" tanong ulit ni Eon sa kanya kaya huminga na siya ng malalim at binuo ang sariling kaisipan at damdamin, oras na naman para harapin niya ito. Bella slowly turned around, face facing downwards, na halos matabunan ng mahaba niyang buhok ang mukha niya. "Holy crap! Si Sadako ka ba?!" galit na tanong na nito sa kanya kaya iniangat na rin niya ang kanyang mukha. Ikumpara ba nanan siya kay Sadako. Ano siya multo? Oo, mumultuhin niya ito sa oras na mamatay siya dahil sa takot dito. Di hamak naman na ang ugali nito ay mas mukhang Sadako dahil mas nakakatakot ito kaysa sa multong iyon. Naramdaman ng dalaga na lumamlam ang mga mata niya nang matitigan niya ang kaharap. Ang gwapo talagang lalo ngayon ni Eon sa paningin niya. Baliw siguro siya para makita ang kagwapuhan nito sa kabila ng sobrang gaspang ng ugali at pakikitungo nito sa kanya. Kumunot ang noo ng binata habang kinikilala siya nito kaya napilitan na lamang si Bella na magpakilala na lang. "S-Si I-Isabella po,” halos pabulong na sabi niya rito na ikinabagsik ng mukha kaagad ng kaharap. She saw how his jaws became so firm. Kahit na parang batid na siguro nito kung sino siya ay mas lalong nag-igting ang galit nang kumpirmahin niyang siya na nga si Bella, na tinatawag nitong kriminal. "Get the f**k out of my sight!" singhal na nito sa kanya kaya napatakbo siya papalabas ng bahay pero mabilis din siyang sinundan at nang abutan siya ay hinablot nito ang braso niya. Aray! "Where do you think you're going, Isabella?!" gigil na tanong nito sa dalaga habang titig na titig sa mukha niya. Tinitigan niya rin ito sa mata sa kabila ng matinding takot na nararamdaman niya sa binata. Since then and now, nothing changed with the way how this man looks at her. His eyes are still filled with anger. Mapapatawad ba siya nito? Hindi siya nito mapapatawad kasi mahal nito ng sobra ang nawalang asawa at anak. Anak ba talaga nito ang nasa loob ng tyan ng babae na yun? Nakakaawa ito kung tutuusin. Wala itong kaalam-alam sa katotohanan tungkol sa babaeng sobra nitong minamahal kahit nasa hukay na. Nag-uunagan na kaagad ang mga luha ni Bella sa mata at naiinis siya kung bakit iiyak pa siya sa harap ni Eon. Noon kasi kapag humahagulhol siya ng iyak dahil sa takot sa binata ay sinisigawan siya nitong tumigil at lumalayas sya sa harap nito. "M-Mali lang po yung takbo ko," kandautal pa siya sa pagpaliwanag at pinipigil niya na huwag mapahikbi kahit nanginginig na siya sa takot. Gusto niyang tingnan ang kamay nitong nakabaon sa braso niya pero hindi niya magawa. Akala niya siguro nito ay tatakas na naman siya. Hindi. Hindi siya tatakas kasi mas gusto na nasa poder nito kaysa sa lansangan. Sinasaktan din naman siya noon ng mga tiyuhin at tiyahin niya. Mas malala pa nga dahil lumalabas siya sa kalye at namamalimos ng pasa pasaan para raw may paawa effect. Sa mansyon naman ni Eon ay hindi ganoon. Ito lang ang masakit, kapag hinahawakan siya nito nang mariin sa braso, pero sampung taon na, na wala siyang kinatatakutan dahil lumayas naman ito. Ngayon na lamang siya ulit nakaranas na mahigpit na mahawakan. "Do you remember anything now, murderer?! That you were the reason why my wife and my child are both gone! Answer me!" sigaw nito sa kanya kaya napapikit siya kasi inalog pa nito yung braso niya. Tumango siya nang marahan habang nakatungo. Bigla siya nitong hinila nang marahas palapit sa rito. Pati isa niyang braso ay hinawakan na rin nito nang medyo mariin. Lalo siyang napatingala at tumingin sa gwapong mukha ng binata, na walang kasing bangis. Tumaas ang sulok ng isa nitong labi sa nang-uuyam na paraan. He speaks on her face. "Really? You remember now but that is pointless! You ruined my family and took away my happiness. Now you'll start to pay for it again. Welcome me home, Isabella. Welcome to hell," he said between his gritting teeth. Namumula ang magaganda nitong mga mata sa galit sa kanya. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga kahit na ang lumalabas doon ay masasamang salita. Nakatingin lang ito sa mukha niya. Parang ang weird na sinasaktan siya nito at pinagsasalitaan na naman pero parang hindi niya gustong ialis ang mga mata niya sa mukha nito. At kahit takot siya at nanginginig, di niya mapigil na huwag itong syang tingnan. Humahanga ba talaga siya sa lalaking nananakit sa kanya? Di ba, bata pa siya noon? Bakit nasa sistema pa rin niya ngayon? "Keiyeon!" galit na sigaw ng isang lalaki sa may gate, na mas pamilyar pa kaysa sa pamilyar sa kanya. Kaagad suya napatingin doon. Si Lyeon iyon, kasama ang Tita Keiko niya. Mabilis siyang kumawala sa pagkakahawak ni Eon saka siya tumakbo palapit sa Mommy nitong ubod ng bait. "What's this? Kadarating mo pa lang nananakit ka na naman?!" galit na sita ni Lyeon sa anak. Lalong naging matalim ang tingin ng binata sa kanya habang yakap siya ng Tita Keiko niya. "If this will continue to happen, we'll be forced to get her Keiyeon. Bahala ka sa buhay mo! Dapat nga matagal na naming ginawa yun!" galit na sabi ng Mommy nito rito. "Then go, Mom. Kahit patay na ‘yan, huhugutin ko pa yan sa libingan. You can't take her away from me. I'll find her anywhere and be forced to open the case again and let her suffer in jail!" Eon's voice was so loud enough for her to hear him. Kahit na yata nasa kasuk-sulukan siyang parte ng mundo ay maririnig niya ang mga salita nito. "Then do it! It's better that way, Keiyeon Matthew!" sigaw naman ng daddy nito rito. Umiling si Eon na tila walang pakialam sa mga magulang. "I can't believe that my own parents will act so strange about a murderer," tinapunan siya nito ng makamatay na tingin. Inilingan ni Bella ang Tita Keiko niya, “Ayoko sa kulungan, Tita. Dito na lang po ako, please." pakiusap niya. Alam alam niya na kahit mabait ang mga ito sa kanya, hindi pa rin siya makukuha doon sa kulungan kapag ipinakulong na siya ni Eon. Sa itsura ni Eon, mukhang lahat ay kaya nitong gawin. Magsalita man siya sa katotohanan, wala rin mangyayari. Baka siya pa ang mabaliktad sa huli. "Papasok na lang po ako sa kwarto," sabi niya pagkapahid ng luha sa pisngi, at kaagad niyang tinalikuran ang mga ito. Patakbo siysng pumunta sa maid's quarter para doon na lang magtago. Kapag lumayas siya o sumama ako sa mga magulang ni Eon, lalo lang iyon magagalit sa kanya at mag-aaway pa ang mga iyon dahil sa kanya, kaya doon na lang siya. Iiwasan na lamang niya ang lalaki sa abot ng kanyang makakaya. If possible, she’ll do her chores when he’s asleep. … Tinalikuran ni Eon ang Mommy at Daddy niya matapos na tumakbo si Bella papaalis. Di niya akalain na ganoon na kabait sa babae na pumatay sa asawa at anak niya ang sarili niyang mga magulang. Akala pa naman niya ay sasalubingin niya ang mga iyon ng maganda, hindi pala. He chose to turn his back on them because as much as possible, ayaw pa rin niya na sagut-sagutin ang mga magulang. He loves them but at this point in time di niya alam kung kakampi pa rin niya ang mommy at daddy niya. And that woman. Hindi niya nakilala si Isabella. Bakit bigla ay ibang-iba ang itsura nun ngayon? He left her as an ordinary teenage girl, petite, not fair-skinned and not that pretty, but now she turned into a beautiful woman. Umiling siya nang maalala ang mga mata nun na kakaiba ang kulay. She has that beautiful face of a murderer. Demmit! Nakakainis na isipin na bakit ganoon kagandang mukha ang meron ang babae na yun? She doesn't deserve it because she's a killer. "Why are you still doing this Eon?" His Dad's calm voice but still mad behind him. Doing what? "Because I want justice for my wife and my child the government couldn’t afford to give me so many years ago," tuluy-tuloy siya sa loob at pabagsak na naupo sa couch. His mother sat beside him and kissed his head. She's still the same mommy way back then, still so sweet and very caring. "Ten years is long enough Eon," Keiko sweetly said, "She suffered long enough. It's time to forgive her." The heck no! Makokontrol ba niya ang feelings niya? Nararamdaman pa rin niya ang galit at sakit. And what's more painful is when he remembered that he has lost his child. Ngayon sana may anak na siya at malamang siyam na taon na. "Hindi pa rin maganda ang ginagawa mo anak," ani Lyeon. Nakita niya na umiling ang Daddy niya. He didn't answer. Ayaw niya na magtalo pa sila tungkol kay Isabella. Labas ang mga magulang niya sa galit niya pero hindi sa babae na yun. "She's so kind. Kung kikilalanin mo lang sya ng husto, you'll find out," his dad's opinion but he doesn’t have any plan of doing that. Hindi pa siya baliw para kilalanin ang magagandang katangian ng taong itinuturing niyang kaaway. Malamang nakakapagsalita lang ang parents niya ng ganoon sa kanya kasi hindi naman ng mga ito naranasan ang ang naranasan niya. His parents were good lovers and ended their love stories happily while his is tragically awful and so painful. Si Athena lang ang babaeng minahal niya mula noon at hindi niya akalain na mawawala rin iyon sa kanya dahil lang sa isang Isabella. "We'll go out Eon. Bigyan mo naman kami ng time ng Daddy mo. Sampung taon kang di umuwi man lang." Keiko hugged him. Parang gumaan ang pakiramdam niya sa yakap ng Mommy niya. He missed her so much. It feels like he’s really home finally. He looked at his Daddy and who is still standing in front of them. Looks like his father is forbidding himself to hug him like what his Mom's doing. Lyeon's totally disappointed in him, he knows that. Knowing his father as arrogant and a bit serious Elizares, but now those attitude can do nothing about him being so rough and frigid. His heart hardened like he had built it by using not only cement but by using the hardest stone in the planet, and maybe that's the reason why he still can't find forgiveness for that woman. Masyadong puno ng galit ang puso niya at wala roong puwang ang pagpapatawad. His face hardened again. Pero ayaw pa rin na umalis ni Isabella. Narinig niya na sabi nun sa Mommy niya na ayaw nun sa kulungan at gusto niya lang ay mahirapan sa pagpapakatulong. Funny huh! Mas masarap nga naman ang buhay na nakatira sa mansyon kaysa sa matulog sa bilangguan kasama ang ibang preso. Bukod sa mabaho roon ay malamok at kulang pa sa pagkain, marumi, walang maayos na matutulugan. Sa bahay niya, kahit mahirapan nga naman ito ay masarap ang pagkain at komportableng natutulog sa kama, walang lamok at hindi mabaho. Tama ba ang naging desisyon niya na kunin ang bata? Plano na niya iyon na huwag ituloy ang kaso nang sa gayon ay hindi ma-detain si Isabella sa Boy’s Town. He wants to have her to punish her by all means. Eon sighed but nothing changed. "I'll just change, Mom." paalam niya sa Mommy niya. Hindi na niya pwedeng tanggihan ang ina sa ganoong request nito, na kahit gusto niyang magpahinga sana, wala siyang magagawa kung hindi ang sumama. Walang lingon na umakyat siya sa hagdan. Alam niyang sinundan siya ng tingin ng Daddy niya. Alam niyang ayaw nito sa mga ginagawa niya at malamang kapag pinatay niya si Isabella ay patayin din siya nito. Wala lang magawa ang mga ito nang kumilos siya noon para mapunta iyon sa poder niya. He was so furious at that time and his mom was begging him not to do anything harmful towards Bella. He had assured his mother that he wouldn’t. Gusto lamang niyang makasiguro na nakikita niya bawat kilos nun at alisin lahat ng karapatan na maging masaya sa buhay. He wanted her life to be miserable. Eon even remembers that time when he said that they shoult let him bring that woman home because he's more than hundred percent sure that he would not her hurt her. Hindi raw siua pinalaki na mapanakit lalo sa babae, and maybe it's true. Kilala yata talaga siya ng Daddy niya, because he had tried so many times assaulting Bella with his bare hands or just even slap her face, but he never did. Ilang beses na umangat ang kamay niya para masaktan iyon pero kapag nakikita niya na umiiyak na, lumalayas na lang siya sa harap ng pobreng dalagita. Mabuting tao pa rin ba siya kapag ganoon? Noong mga panahon na yun na halos wala na rin direksyon ang buhay niya? How about now? Malaki na si Isabella and she can endure the pain of being hurt physically. Magawa na kaya niya at maisama sa plano ang pananakit doon? Kapag tinangka kaya niya iyon saktan ay mapigil pa rin kaya niya ang sarili? Kasi kung may kaisa-isa talaga siyang bagay na gustong gawin sa babae na iyon, yun ay pahirapan iyon ng husto hanggang sa mamatay iyon at kung ayaw niya pala sa kulungan, maybe then he’ll be forced just to reopen the case at ituloy ang demanda ngayon. Ayaw pala nun sa kulungan? Now he knows. Baka doon din ang bagsak ng kriminal na si Isabella Suarez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD