Prologue
Parang mababaliw si Keiyeon Matthew sa bawat lagitik ng kamay ng orasan, habang wala syang tigil sa kalalakad sa labas ng emergency room. Paroon at parito siya habang paulit-ulit din na napapahilamos ng gwapong mukha, gwapong mukha na ngayon ay daig ang binagyo nang makasampung ulit.
Hindi na niya naabutan ang asawa na may malay. Ilang linggo na syang wala at ganoon pang sitwasyon ang naabutan niya? His wife was almost dead when he reached the hospital, pero patuloy pa rin ang mga duktor sa pagsalba sa buhay ng asawa nya.
And what's more painful and killing him? Buntis pala ito ng apat na bwan na. Ang sabi ng mga nakakita ay papatawid ito sa kabilang parte ng kalsada papunta sa isang OB-GYNE clinic, nang banggain ng isang kotse na walang tamang direksyon.
Gusto niyang patayin ang may kasalanan ng lahat ng iyon. Ang babaeng aral sa pagmamaneho pero paano nya gagawin yun kung naroon din ang bata sa ospital at nag-aagaw buhay, nang sumalpok din sa poste ang sinasakyan nito? And what he found out was she's still underage. The girl is only fourteen, for heaven’s sake.
Kahit anong pigil niya sa pag-iyak ay kusang tumutulo ang luha niya. Walang magawa kahit sino mang myembro ng pamilya niya para patigilin ang nagngangalit niyang mga mata at puso.
At kung sakali na mamatay ang ang mag-ina niya at mabuhay ang menor de edad na batang yun na may kasalanan ng lahat, he will make her pay and suffer in her entire life, sa mismong mga kamay niya. Isinusumpa niya iyon sa nag-aagaw buhay na katawan ng misis niya.
Finally the doctor went out of the Emergency Room with dropped shoulders.
Kaagad na napatigil si Eon sa paggalaw. Rumagasa lalo ang emosyon sa loob niya lalo nang makita na niya ang parang basang sisiw na itsura ng duktor. His eyes met the surgeon’s eyes. His heartbeat is racing too fast and it's almost breaking his ribcage.
"Mr. Elizares, your baby needs life support and he's getting it from her mother..." anang doctor na kaagad niyang sinalo ng mura.
"Putang*na! Say it direct to the point!" nagtatagis ang mga bagang niya sa sobrang galit at nakakuyom na ang mga kamao niya.
Baka pati ito ay masuntok niya.
"They're gone," diretsong sabi nito sa kanya, "I'm sorry."
Doon niya nasuntok ang pader at ibinalibag ang lahat ng pwedeng ibalibag sa pasilyo na yun.
Natigilan sya ng maisip ang babaeng may kasalanan ng lahat.
"Yung bata! Yung kriminal! Ano sya?! I'll kill her!" sigaw niya.
"She's alive," anang duktor.
"Hayop!" mabilis niyang tinangkang pasukin ang E. R pero napigil siya ng dalawa niyang kakambal, hanggang sa halos magkasakitan na silang tatlo para lang hindi matuloy ang balak nyang pananakit sa fourteen-year-old na batang babae.
“Think! You’re not a murderer, f**k Eon!” sigaw ni Royce sa kanya pero walang tigil ang pagtagis ng mga bangang niya.
Galit siya sa mundo at walang ibang salita ang pwedeng magpaliwanag sa kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Ang luha niya ay halos ayaw tumulo pero ang sakit ng kalooban ay walang pagsildan.
As the saying goes..... that everything happens for a reason? What could be the most acceptable reason for this to happen? Nothing!!!
Sira ulo ang may sabi ng mga salitang iyon. Umiiling niyang naitikom ang mga labi, cursing underneath his breath.
He swears to hell, magbabayad ang dapat na magbayad kahit na sino pa o ano pa.