Chapter 1

2400 Words
Chapter 1 Hindi matapos ang tilian ng mga taong nasa airport nang bumaba na si Keiyeon Matthew mula sa eroplano. Nakita niya ang malaking banner kung saan nakasulat ang buo niyang pangalan, Keiyeon Matthew Elizares. He loves the crowd and the crowd loves him as well. He's a famous race car driver, not just because he is rich and he’s good at racing but most specially because of his looks. Kung ang dalawa niyang ka-triplets ay hinahabol ng mga kababaihan bakit hindi rin siya, samantalang iisa ang mukha na taglay nilang tatlo? Siya ang nagmana ng galing ng ama niya sa pangangarera, ang pagkakaiba lamang ay ginamit niya iyon para sa pangarap na maging sikat at mangarera sa mga totoong racing while his dad made racing only as his habit. Hindi naman siya nabigo. He’s really famous. Hindi sila tipikal na triplets nina Nate at Royce, na tipong iisa ang hilig, iisa ang ipinagugusto ng mga magulang at iisa ang dahilan ng kasikatan. Silang tatlo ay iba't iba ang gusto sa buhay at kanya kanya silang paraan ng pagpapakilala ng sarili nila sa mundo. At ngayon narito na sya ulit sa Pilipinas para magbakasyon. Bakasyon nga ba? Matatawag ba niyang bakasyon iyon kung pag-apak pa lang ng mga paa niya sa sahig ng airport ay iba na kaagad ang bumalot sa buo niyang sistema? At nasisiguro ni Eon na hindi iyon kasiyahan. If possible, he doesn’t want to go home anymore but it’s not that easy. His family stays in the Philippines and it’s his home, his country. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Umigting ang mga panga niya sa kaisipan na makikita na naman niya ang babaeng pumatay sa mag-ina niya. That woman is Isabella Suarez who lives in his house. Yes, crazy but it is. Nasa poder niya ang kriminal na kumitil sa buhay ng asawa niya at anak. Kung ang mga magulang niya ay napatawad na ang batang babae na yun, sya ay hindi pa rin pala. Bigat ng dibdib ang kaagad niyang naramdaman nang maalala niya iyon sa paglabas niya sa eroplano. Akala niya sa tagal ng panahon na lumayas sya at tumira sa America ay maglalaho na rin na parang bula ang lahat ng sakit at galit, but now when he had set his foot and stood on the ground of a place where that murderer lives, he badly feels that he has never forgiven her yet and he never will. Hindi pa pala sapat ang sampung taon na pagkawala niya para makalimutan ang lahat at ngayon ay parang sumasakit na naman lalo ang dibdib niya nang maalala na nawalan sya ng mag-ina dahil sa isang reckless na batang babae. Ang nakakainis pa ay umalis sya na wala yung naaalala sa nangyari. Eh kung patayin kaya niya, may maalala kaya si Isabella? Eon calmed himself. Ang dami dami pa naman camera men na kumukuha sa kanya ng litrato at maya-maya ay lalabas pa sya sa TV. Mahirap nang mabahiran ng inis ang mga kuha niya. He has to pretend he's doing good and okay pero sa loob ay kumukulo na naman ang dugo niya. Magaling naman siyang magtago ng totoong nararamdaman kahit na sa loob niya ay gusto na niyang pumatay ng tao. He smiled and waved to the crowd. Women screeched their lungs out and that made him grin sexily, yet devilish. ¤¤¤ Saglit na napatulala si Bella sa papasok na kotse sa bakuran ng tinitirhan niyang bahay. Alam niya na ngayon darating ang lalaking namatayan ng asawa at anak dahil sa kanya, maraming taon na ang nakalilipas kaya ganoon na lamang ang pagragasa ng kaba sa dibdib niya. Ang naaalala niya sa lalaki bago ito umalis ay parating mura at masasakit na salita ang ibinibigay sa kanya. Kulang na lang ay balian sya nun ng buto kapag nahahawakan sya pero wala syang maalala tungkol sa nagawa niyang kasalanan noon, kaya nagtataka siya kung bakit ganun ang ipinakikita sa kanyang galit ng gwapong lalaki na yun. Hanggang sa ipaliwanag ng isa sa mga ka-triplet ni Keiyeon Matthew ang lahat sa kanya. Daig pa nya ang ibon na nakatira sa hawla noong mga panahon na wala syang maalala. Pilit niyang kinakapa kung bakit may nananakit sa kanyang lalaki at kung papaglinisin siya ng bahay ay halos ikapugto na ng hininga niya, na kahit sinasaway ng mga magulang nun ay parang bingi na hindi nakikinig ang lalaking demonyo na may mukhang anghel. Ngayon ay may naaalala na siya tungkol sa insidente na yun at malinaw ang lahat para sa kanya. Hindi niya yun sinasadya at hindi sya ang nagmamaneho ng sasakyan na yun kung hindi ang lalaki na pinagbentahan sa kanya. Siya na ang ibinenta, siya pa ang napagbintangan sa kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Isiniksik ni Bella ang sarili sa may gilid ng pader para hindi sya makita kung sakali ng lalaking dumating. Sigurado syang ang lalaki na nananakit sa kanya at nagpapahirap noon ay ang dumating na ngayon, na sa pagkakaalala niya ay Keiyeon o Eon kung tawagin. Nanatili siyang nakasilip sa may gilid ng makapal na kurtina. Nahigit niya ang paghinga nang may bumaba roon na isang matangkad na lalaki na ubod ng gwapo. Hindi sya pwdeng magkamali, yun na nga ang asawa ng namatay na babae. Iyon nga si Eon Elizares. Bakit sobrang gwapo na ngayon ng lalaki? Nameywang iyon habang salubong ang kilay na nakamasid sa buong kabahayan. The man is tall and so handsome. Well built ang panganagatawan nito at kahit salubong ang mga kilay ay hindi maitatago ang maamong mukha. Napatakbo sya sa maid's quarter nang maglakad yun papunta sa main door. Diyos ko po! Hindi sya pwedeng makita ni Eon kaagad. Baka kaladkarin na naman sya ng lalaki at pahirapan nang husto sa mga gawaing bahay. Kung tutuusin ay kaya na sana niyang tumakas kasi malaki na sya pero hindi niya magawa dahil binantaan sya ng Eon na yun na gagalugarin ang buong mundo kapag lumayas sya. Sya raw ay dapat doon lang nakatira at dapat na mahirapan habambuhay. Sa takot niya dahil alam niyang napakayaman ng pamilya ng lalaki na iyon at kayang gawin ang lahat kahit na ipapatay sya, ay hindi na lang sya tumakas dahil hindi naman sya sinasaktan nang pisikal, isang beses lang, noong kaladkarin sya papasok ng kabahayan at isinalya sya sa pader nang tangkain niyang umakyat sa bakod para makaalis. Since then she never tried to escape. Akala niya ay sasampalin na sya ng lalaki noong umangat ang palad sa may mukha niya at gigil na pinagmamasdan sya kaya nauna na syang humagulhol ng iyak, pero wala namang dumapo na mabigat na kamay sa pisngi niya. Nakapagtimpi pa rin naman iyon. "Ayan na si senyorito Eon, Manang,” nanginginig ang kamay na sabi niya sa babaeng mayordoma ng mansyon. Halos marating na niya ang maid’s quarter pero daig pa niya ang mauutas sa sobrang nerbyos. "Wag kang matakot." aniyon sa kanya pero nangilid kaagad ang mga luha niya. "Papasok ako sa kwarto manang. Ayokong makita niya ako." aniya saka mabilis na lumakad nang marinig niya ang lagitik ng door knob. Ayan na! Walang lingon na tuluyan niyang tinakbo ang maid's quarter at nag lock ng pinto. Tanga lang sya kasi imposible na hindi sya makita ni Keiyeon Matthew ay nasa iisang bahay sila. Oo magpapakita rin sya pero hindi pa ngayon, saka na. Ayaw niyang salubungin ang lalaki dahil alam niyang aalsa na naman ang galit nun sa kanya. She doesn’t want to trigger his patience and his anger. Sa kanya ay wala malamang iyong pasensya at walang kabaitan. Tumayo sya sa harap ng salamin. Makilala pa kaya sya ng lalaki na yun sa laki ng ipinagbago niya? Lumabas ngayon ang ganda niya, hindi tulad noong lagi syang laman ng kalye at maraming beses kamuntikan na magahasa. Maraming nagkakainteres sa kanya dahil maganda nga raw sya pero balot sya noon ng dungis sa mukha, at mabantot dahil sa kakapanlimos sa kalsada. Oo, isa siyang batang kalye o palaboy. Wala siyang matinong tirahan o bahay. Wala siyang makain sa mura niyang edad. Ang tatay niya ay taga Cuba raw at ang nanay niya ay waitress sa isang resort. Her mother was a rape victim, at sya ang bunga ng kademonyohan na iyon. Kaya marahil sya maganda at iba ang kulay ng mga mata niya ay dahil mana sya sa ama niya na hindi niya kilala, ama niya na humawa ng kahayupan sa nanay niyang nagtatrabaho lang naman. Naulila siya nang maaga nang mamatay ang ina niya noong siyam na taon siya, pero sa halip na sumama siya sa mga taong gustong kumupkop sa kanya ay tumakas siya. Natatakot siya sa ibang tao dahil paulit-ulit ang nanay niya noon na huwag siyang magtitiwala sa iba. Ngayon naiisip niya na marahil kaya iyon nasabi ng nanay niya ay dahil sa sinapit nun sa kamay ng hindi kilalang lalaki. Pero bakit nga ba niya tiningnan ang sarili sa salamin? Kasi gwapo si Keiyeon at aminado sya na humahanga sya sa lalaki noon pa man, kahit ang tapang sa kanya. Humahanga sya sa kagwapuhan nun pero hindi sa ugali. Napaitlag siya sabay pihit nang may kumatok sa pinto. Namasahe niya ang kamay sa sobrang nerbyos. Hindi sya nagsalita at nakiramdam lang. "Ako ito, wag kang matakot." anang boses ni Manang kaya mabilis niyang binuksan ang pinto nang kaunti. "Magpapahinga na sya, pwede ka ng lumabas. Pagod yata sa byahe,” nakangiting sabi ng mayordoma sa kanya. "H-Hinanap ba ako Manang?" naisip nyang itanong. Kasi malamang hahanapin siya nun para pahirapan na naman. Umiling si Belen saka ngumiti, "Hindi. Saka kahit ka naman nun hanapin, sisigawan ka lang nun. Di ka naman nun sasaktan nang pisikal,” sabi pa nito sa kanya. Napalabi si Bella, "Kahit na Manang. Natatakot ako sa kanya." "Bakit di mo subukan na sabihin sa kanya ang naaalala mo tungkol sa pagkamatay ng asawa niyaa at anak?" Anito sa kanya pero umiling sya kaagad. Naikwento na niya rito ang lahat at naniwala naman ito sa kanya, pero ang sabi nito sabihin niya dapat iyon kay Eon para naman palayain na siya kung sakali. "Hindi sya makikinig. Hindi sya maniniwala. Hindi sya katulad ng mga magulang niya at mga kapatid. Galit sya sakin at kahit anong sabihin ko, iisipin niya na gumagawa lang ako ng kwento para makaalis dito." malungkot na sabi niya. Kung meron man syang hinihiling ngayon, yun ay kahit paano ay makita ng lalaki ang katotohanan sa sarili nitong paraan, makita ang katotohanan na may kasamang lalaki ang asawa nito noong mangayari ang insidente na yun at naghahalikan ang mga yun sa tabi ng kalsada bago tumawid ang babae papunta sa clinic ng isang OB-Gyne, na parang lutang pa sa alapaap kaya nasagasaan. Wala pa syang napagsasabihan ng sikreto na yun maliban kay Manang. At wala syang balak na sabihin kanino man dahil alam niya na sya rin ang talo sa huli. That woman could no longer speak for herself because she’s already dead. At kahit na patay na iyon ay mas paniniwalaan pa rin iyon ng asawa kaysa sa kanya. Napabuntong hininga na lang sya. Mabuti na rin yun na naroon sya sa loob ng bahay ng lalaki na ang tingin sa kanya ay kriminal. At least sa poder nito, sigaw lang at pagod ang meron, hindi tulad sa labas na baka hanggang ngayon ay inaabangan pa rin sya ng mga tiyuhin niya at malamang kapag nakita pa syang nag-iba na ang itsura ay ibenta na naman sya kung kaninong mapera. At least sa bahay ni Eon walang makikialam sa puri niya. Di baleng mabulok sya, kumakain naman sya ng tatlong beses isang araw at sobra pa nga. Yun lang hindi sya makalabas dahil preso sya. Mas mabuti ng maging preso sa loob ng isang mansyon, kaysa mabenta sa kung kani-kaninong lalaki at mga dayuhan. … Parang magnanakaw si Bella na pasilip-silip sa bawat sulok ng kabahayan na madaanan niya, nang lumabas siya sa kwarto. Alam niyang hindi pwedeng laging ganoon pero hangga't maaari ay iiwasan muna niya ang amo niya sa unang ilang araw nito sa mansion. Magkikita rin sila alam niya pero hindi muna ngayon. Mahirap na, na kadarating pa lang nun ay masampolan na kaagad sya ng kasungitan at kasamaang tabas ng bunganga. Ang sabi ng marami ay mabait si Keiyeon Matthew pero sa katulad niyang may kasalanan ay duda sya kung makita niya ang kabaitan ng lalaki na yun dahil simula nang magising sya mula sa aksidente ay puro kagaspangan ng ugali ang ipinakita nun sa kanya. She was put under the custody of Department of Social Welfare. Hindi rin siya nagtagal doon dahil walang nagtuloy ng kaso laban sa kanya. Umalis siya sa lugar na iyon dahil ayaw niya na maglagi roon pero hindi niya akalain na kukunin siya ng isang Eon Elizares at iuuwi sa bahay nito. From then on, she was so frightened. The moment she was forcefully dragged inside his expensive car, she knew that she will never ever win over this man. Mabilis ang naging paghakbang ng dalaga papunta sa main door para lumabas. Oras na para magdilig sya ng halaman pero bago pa sya tuluyang nakalabas ay may nagsalita na kaagad sa likuran niya. "Who are you?" that baritone voice she had known for years since she was fourteen, at kahit may accent yun ay naiintindihan niya ang ibig sabihin nun dahil graduate naman sya ng high school. Lihim syang pinapag-aral sa loob ng bahay ng mga magulang ng amo niya. Hindi lang sya makapag College dahil ipagpapaalam pa raw ng mga yun. Mahal naman sya ng mag-asawang Keiko at Lyeon at lagi syang dinadalaw lalo na ang Tita Keiko niya. Kaya lang ay takot ang mga yun kay Eon at naiintindihan niya yun. Blood will always be thicker than water. Alam din niya na ang kabutihan ng mag-asawa ay bilang kabayaran kahit paano sa hindi maintindihan na ugali ng mga anak nun sa kanya. Pasalamat pa rin siya at kahit bata pa siya ay hindi makitid ang utak niya. Hindi niya idadamay ang ibang pamilya ni Eon kahit na takot siya sa lalaki o galit man. Diyos ko! Agad siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan sa boses na iyon, at gusto niyang lumubog sa marbled flooring ng kabahayan. Biglang gumuhit ang kaba sa dibdib niya. Di niya alam kung haharap at sasagot ba sya o tatakbo papalayo? Satan in disguise is back! Mag-isip ka Isabella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD