Chapter Three
Nakatulugan na lang ni Bella ang pag-iyak at madilim na sya ng magising, pero wala naman nagbago. Laman pa rin ng utak niya ay ang pagkakaharap ulit nila ni Eon… Sir Eon pala.
Kapag pinabuksan nun ulit ang kaso, makukulong talaga sya dahil sa pagkakatanda niya ay lumalabas na sya talaga ang may kasalanan sa aksidente. Nakulong din ang lalakeng kasama niya sa kotse pero dahil mapera at hindi gaanong mabigat ang kaso ay nakalaya rin kaagad at hindi niya alam kung nasaan na ang impaktong yun, na nagawang pagpalitin ang mga pwesto nila sa kotse kahit nag-aagaw buhay na yata sya noon. Lumabas kasi sa initial and final result na sya ang nasa driver's seat at nagmamaneho.
Dyablo ang hayop na lalake na yun dahil galos lang daw ang inabot, samantalang sya eh halos mamatay daw sa loob ng emergency room. Base na rin yun sa mga kwento ng taga DSWD sa kanya noon.
Tinangka pa siyang kunin ng mga kamag-anak niya pero hindi sya sumama dahil alam niyang sa paglilimos na naman ang bagsak niya at ibubugaw na naman sya. Hindi na nagtagumpay noong una, malamang sisiguraduhin na ng mga iyon sa pangalawa. Kaya nang sapilitan syang kunin ng isang Elizares at hindi rin napigilan ng mga taga DSWD ay sumama na lang din sya. Nakita niya kasi na kahit parang gusto syang patayin ng lalake na hindi pa niya kilala noon…na si Keiyeon pala ay alam niyang di yun nito magagawa. Kasi kung kaya sana nito, pagkakita pa lang sa kanya noong nag-iimpake syang mag-isa ng mga damit niya, sana ay sinunggaban na sya para patayin.
Mabait ang tingin niya sa binata.
At siguro nakalimot lang nang minsan na katukin niya ang bintana ng kotse nito habang kasama nito ang asawang maganda, para mamalimos sya ay hindi man lang nagalit sa kanya, nginitian pa sya at hindi lang pera ang ibinigay sa kanya kundi pagkain pa. Pero kung iba lang na mayaman ay nasigawan na sya sa oras pa lang na paglapat ng dulo ng daliri niya sa mga kotse niyon, na para bang mas importante pa ang mga mamahaling sasakyan ng mga yun na huwag madikitan ng pulubing katulad niya, kesa limusan sya para sa kumukulo nyang tyan dahil sa gutom na kapag umuwi sya at walang intrega sa mga sugarol niyang tagapag-alaga ay bugbog ang aabutin niya.
Sanay naman sya sa pisikal na sakit ng katawan kaya noong mga panahon na yoon na akala niya ay sasaktan na sya ni Eon ay nakahanda naman sya, kahit sya umiiyak.
Pero hanggang ngayon ay di niya masabi ang isang bagay na nakita niya bago ang aksidente, tungkol sa asawa nito at sa kasamang ibang lalaki.
Hindi nya masabi dahil wala ng kahit ano man na record na may kasamang lalake ang asawa nito at ang nakalagay sa record ay mag-isa lang yun, kaya paano niya ipaliliwanag ang nakita ng dalawa niyang mga mata na nakikipaghalikan yun bago tumawid ng kalsada? Baka kapag inilabas niya yun ay totoong masampal na siya ni Eon.
"Kain ka na,” bungad ng Manang sa kanya nang bumukas ang pinto sa maid's quarter.
"Wala pa Manang si Sir?" tanong kaagad niya.
Umiling yun sa kanya, "Wala at baka hindi naman umuwi. Baka sa Mommy at Daddy niya umuwi yun kaya kumain ka na. Sige na. Huwag ka ng matakot at magtago. Wala ang pinagtataguan mo,” lumapit yun sa kanya at hinagod ang buhok niya.
Hindi na nga rin niya matitiis ang gutom kaya napilitan syang lumabas. Alam niya kasi noon na kapag dinadalhan sya ng pagkain doon ay nagagalit ang binatang masungit. Kug gusto raw kumain ay pumunta sa kusina, hindi raw yung parang senyorita na dadalhan pa ng pagkain sa kwarto. Hindi naman daw siya senyorita at hindi raw siya bagay na maging senyorita.
At kahit wala si Eon ngayon ay himdi niya gugustuhin na magpadala ng pagkain. Baka na lang biglang dumating eh pagsalitaan na naman sya ng masasakit.
Tumango siya sa manang at saka siya lumabas ng kwarto, diretso sa kusina.
Kampante pa syang nakaupo sa harap ng mesa at kumakain. Kapag ganoon na wala ang amo ay nakakakilos sya ng maayos. Pagkatapos niyang kumain ay bumalik na sya sa kwarto nila para maligo at magbihis ng damit pantulog.
Tatatlo lang naman sila doong kasambahay at kung tutuusin ay wala naman sya halos ginagawa dahil lahat inaako ng manang niya, pero gaya nga ng sabi na hindi naman sya senyorita ay kumikilos na lang sya ng kusa para gawin ang mga bagay na kaya niyang gawin. Pero ngayon na nadito na ang boss, ay mahihirapan na naman sya ng husto, pero ganoon pa man ay handa na sya roon. Sanay naman sya noong bata pa sya na laging pagod. Mas pagod pa siya sa kalye kung tutuusin.
Her pain and sufferings are too much and her situation right now is nothing compared to those times she was still working for her aunts and uncle who are just wasting money in gambling.
"Bella, anak. Pakitingnan mo nga yung main door. Parang hindi ko nailock," anang matanda sa kanya na nakahiga na at mukhang pagod na pagod.
Kakasuklay lang niya ng kanyang buhok at handa na rin naman para matulog.
"Sige po,” aniyang nakangiti sa matanda saka siya lumabas ng kwarto.
Magaan ang mga paa niya sa paghakbang papuntang salas. Hindi na nga yata uuwi ang amo nila kaya kampante naman siya.
Pinihit niya ang knob. Bukas nga iyon. Hindi nai-lock ng matandang katulong ang pintuan. Akmang ilalock na lang sana ni Bella ang pinto nang bigla na lang bumukas iyon at iniluwal niyon si Eon, na biglang gumewang at kamuntik nang matumba.
“Ay!” tili ng dalaga.
Naaalangan man ay kusa na lang na kumilos ang katawan niya para alalayan ang binata na lasing, hindi, sobrang lasing.
Nanginginig ang mga kamay niyang inihawak sa katawan ni Eon para masuportahan ito.
Muntikan na rin syang matumba dahil ang kabigatan nito ay nakaasa na sa kanya lahat.
"Oh b***h," mahinang mura nito nang tila matitigan ang mukha niya at saka pilit na kumawala sa pagkaka-alalay niya kaya kamuntik na naman matumba.
Lasing na nga, galit pa rin sa kanya. Kahit nga yata mamatay na lang ito ay galit pa rin sa kanya.
Nakatayo lang siya at pinagmasdan ito habang papunta sa hagdan.
Kapag di niya ito inalalayan, sigurado gugulong ang binata pababa. Unang baitang pa nga lang ay hindi na halos makahakbang, tuktok pa kaya ng hagdan? Bakit ba hindi ito nagpagawa ng elevator? Sobrang taas ang mansyon kung tutuusin.
Wala syang nagawa kundi lumapit ulit at kahit ayaw nito ay pilit niyang inalalayan.
"Saka ka na po magalit kapag hindi ka na lasing. Di niyo kaya ang sarili niyo ngayon," lakas loob na sabi lang niya sa amo.
Malakas ang loob niya kasi hindi naman ito makagulapay kaya alam niyang hindi sya nito masasaktan.
"Ihuhulog mo ba ako sa hagdan?”
Napaawang ang labi niya. Ano raw? Binintangan pa siyang pusher … tagatulak ng lasing na lalaki.
“Will you kill me too like what you did to my wife and my baby?" tanong nito na halos magdikit dikit ang pagkakabigkas ng salita dahil sa pagkalasing.
Napabuntong hininga siya.
"Hindi po,” tanging sagot niya sa gitna ng paghangos.
Ang kunat nitong hilahin paitaas dahil ang bigat ng katawan at ang laking tao pa. Kapag nahulog ito, sigurado pati sya ay kasama.
"Pinagsisihan ko na po yun. Saka di ko po yun kasalanan." aniya rito.
"Liar!" iwinaksi na naman nito ang kamay niya na nakahawak sa baywang ng binata pero ibinalik niya, kaysa naman gumulong ito pababa eh nasa tuktok na sila ng hagdan.
Hindi naman sya ganoon kasama na kahit pinarurusahan sya nito ay hahayaan niya itong masaktan o mamatay. Siguro dahil isang dahilan ay humanga na sya sa lalaking ito sa unang beses pa lang na makita niya ang gwapong mukha nito noong limusan sya. Yun lang may asawa na nga at sobrang tanga naman niya na isipin na kung wala itong asawa noon ay mapapansin ang isang batang lansangan na katulad niya.
Ang dungis dungis niya kahit na maganda siya at pambato sa mga pageant, pageant ng mga basurero at basurera, mga taong kalye na tulad niya.
Araw-araw niyang inaabangan at tinandaan pa niya ang plate number ng sasakyan ni Eon noon, na hindi na niya nakita pa ulit kahit kailan. Nagkita na lang sila ay paggising nya mula sa aksidente at galit na sa kanya ang binatang sa pagkakaalam niya ay mabait at ang sabi nga ay mabait daw talaga.
"Mamamatay tao ka," halos pilitin nito na maglakad mag-isa pero bumagsak sa sahig, buti na lang ay nakaakyat na sila.
Nilapitan na naman niya ulit ito at inalalayan patayo. This time ay parang matutulog na ito pero kumilos pa rin naman.
Nangislap ang pisngi nito sa luha. Alam niya kung anong iniiyak nito. Ang asawa at anak na naman nito ang dahilan nun. Sampung taon na. Hindi pa ba ito nakapag-move on?
"Anica..." usal nito ng paulit-ulit sa pangalan ng babae. Alam niyang asawa nito ang Anica na yun.
Pinilit niya itong maipasok sa kwarto nito.
Ibabagsak na sana niya ito sa kama na mag-isa pero hindi sinasadyang nadala sya kaya napatili pa sya nang mahina nang lumanding siya sa ibabaw nito.
Diosko! Piping usal ng isip niya nang marinig niya ang mahinang tawa nito kasabay ng pagyakap sa baywang niya.
Pilit syang kumawala pero lalong humigpit iyon.
"Oh don't leave me again... Stay..." he uttered softly at pinisil pa ang baywang niya.
Kinakabahan sya ng husto sa pagkakayakap nito sa katawan niya at ang nipis nipis pa man din ng suot niya. Parang nababastos na kaagad sya pero di sya makawala. Kahit lasing ay grabe ang diin ng mga braso nito sa katawan niya. Dinaig pa nito ang Anaconda.
"Di po ako si Ani—" nakulong ang sasabihin niya sa bibig nang bigla nitong hawakan ang likurang bahagi ng ulo niya at idiniin sa sariling mukha nito para halikan siya.
Huli na para makawala sya.
Mariin ang halik ni Eon sa kanya pero hindi naman masakit. Gusto niyang pumikit pero di niya magawa kasi parang pakiramdam niya ay madadagdagan lang ang kasalanan niya.
Mariin pero maingat na halik na parang may pinapawi yun at parang sabik na sabik.
Akala yata talaga nito sa kanya ay si Anica siya.
"f**k. I missed you so much, Anica," anito nang tumigil. Halos wala na syang maintindihan sa salita dahil magkakakabit na lumabas sa bibig at kinakain ang bawat letra pero nakuha pa rin niya ang sinabi nito.
Pilit syang kumawala pero idiniin ulit nito ang ulo niya at hinalikan na naman sya. Mas agresibo yun ngayon at may kasamang kagat at dila at kapag kumakawala sya ay lalong nagiging mapusok at pangahas.
Ang isang kamay nito ay humawak sa pang-upo niya na ikinalaki ng mga mata niya. Susmaryosep!
Napakamalas naman niya na ang unang nakahalik sa kanya ay ang taong pinakanasusuklam sa buo niyang pagkatao pero bakit parang gusto niya? Hindi. Kailangan niyang mag-isip ng matino. Kailangan niyang makawala. Hindi pwedeng mahulog sya sa ganoong sitwasyon lalo pa at may paghangan siya rito. Lalo itong magagalit sa kanya kapag hinayaan niya nang tuluyan ang ginagawa nito sa kanya.