Chapter 4.3

532 Words
Chapter 4.3 Napabuntong hininga ako dahil sa pagbanggit niya sa buong pangalan ko. Everytime na ginagawa niya to alam kong ubos na ang pasensya niya sa akin. Hinila niya ako at nagpaubaya na lamang ako. Pagkalabas namin ay agad kaming sinalubong ni Mark. "You're wasted" tipid nitong komento sa akin Inirapan ko lang siya bilang sagot. "Where's Prin? Bakit di siya ang kasama mo dito?" Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Wala akong panahon para isipin pa siya. Wala rin akong lakas para harapin siya. Hinatid ako nila Mark sa mansion at galit na galit si Daddy dahil sa ginawa ko. "Not now Dad please. Bukas mo na ako pagalitan" sabay akyat sa kwarto ko. Pagkasarado ng pinto ay napaupo ako. Niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak ng umiyak doon. Why Prin? Why? Anong mali sa akin? Bakit mo ko niloko? Yun na ba yun? Yun na ba yung mga sinasabi mo nung nakaraan? Hinahanda mo na ba ako nung mga panahon na yun? Sana diniretso mo na ako hindi yung ganito?! Ang sakit sakit! Nakatulog ako sa sahig dahil sa kakaiyak. Pinipilit ko pa ring maging okay sa harapan nila Mommy at Daddy. Sa school naman ay ginagawa ko ang lahat ng paraan para makaiwas sa mga kaibigan ko. Hindi ko pa kayang magkwento sa kanila at lalong di ko pa kayang makita si Prin. Hindi ako umaattend sa mga practice namin sa graduation dahil ayokong magkaroon ng opportunity na makita sila. Gabi gabi din akong laman ng mga clubs. Nilulunod ko ang sarili ko sa alak para itago ang sakit na hindi ko mailabas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang ginawa sa akin ni Prin. Ni isang tawag o text niya ay hindi ko sinasagot. Sa tuwing pupunta siya sa bahay ay hindi ko siya nilalabas o di kaya ay tatakasan ko. Ganun din ang ginagawa ko kapag si Kim ang pumupunta sa bahay. Alak lang ang saksi sa bawat luhang lumalabas sa aking mga mata. Ang club ang saksi kung paano ko nilulunod ang sarili para itago ang mga salitang hindi ko mailabas. Walang gabi na hindi ako nagpapakalasing at sa bawat gabi na yun ay walang palya na nahahanap ako ni Kim. Minsan kasama niya si Mark, minsan siya lang mag isa. Alam kong hinihintay niya lang akong magsalita at magkwento pero hindi pa ako handa at hindi ko alam kung magiging handa ba ako. Hanggang sa mukhang napigtas na ang pisi sa akin ni Mark dahil ilang beses na ring muntik ng mapahamak si Kim kakahanap at kakapilit na umuwi sa akin. "Pwede ba Arisse, I know you're a b*tch pero wag mo ng idamay si Kim! Tignan mo palagi na lang dito ko siya naabutan na nag aalaga kapag nalalasing ka! Matinong babae yan wag mong itulad sayo" sigaw ni Mark sa akin Dahil sa sinabi niya ay tila natauhan ako. Hindi lang sarili ko ang sinisira ko. Nilalagay ko rin sa kapahamakan si Kim kaya sa gabing yun ay pinili ko nang sabihin sa kanila ang dahilan ng ginagawa ko. "Prin is cheating on me" bulalas ko. Walang nagsalita at tanging katahimikan lang ang namayani sa loob ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD