bc

HATE THAT I LOVE YOU By: Authoress Euphoria

book_age18+
60
FOLLOW
1K
READ
arrogant
drama
others
enimies to lovers
office lady
like
intro-logo
Blurb

SIMULA:

"Arisse, halika na umuwi na tayo" hila sa akin ng bestfriend kong si Kim

"No. I'll stay here. Inom pa tayo. I want to forget" sabi ko at sabay taas ng baso ng whisky.

Tumayo ako sa gitna ng dancefloor at doon sumigaw. Iginiling ko ang katawan ko sa saliw ng kanta. Hinayaan kong sumabay ang katawan ko sa bawat beat ng musika.

"Let's go, Arisse please" bulong sa akin ni Kim nakita kong meron ng lalaking sumasayaw sa gilid niya.

Sino ba namang hindi maaakit sa bestfriend kong sobrang puti ng kutis. May matangos na ilong. Itim ang mga mata at may mahabang pilikmata. Isama mo pa ang itim niyang buhok na hanggang beywang. Ang kanyang labi ay mapula at tama lamang ang kapal. Perfect ang katawan nito parang hour glass.

Muli akong pumikit at dinama ang music sa loob ng bar. Gusto ko lang talagang makalimot sa gabing ito.

Let me please.

Iginiling ko ang aking beywang nang may marahas na mga braso ang humila sa akin. Sumalubong sa akin ang isang mga mata na nagngangalit

"Uuwi ka o kakaladkarin kita palabas" may diin nitong sabi

"Let go of me!" at pilit na binawi ang braso ngunit lalo lamang humigpit ang kapit nito sa akin

Walang ano ano'y hinila niya ako palabas ng bar walang pakialam kung meron kaming nababangga.

"Nasasaktan ako Mark" sabi ko dahilan para bitawan niya ang mga braso ko. Sa likuran niya ay nakita ko si Kim na agad naman akong dinaluhan.

"Sorry. Alam kong di kita mauuwi kaya tinawag ko na si Mark" pagpapaliwanag ni Kim

"Pwede ba Arisse, I know you're a b*tch pero wag mo ng idamay si Kim! Tignan mo palagi na lang dito ko siya naabutan na nag aalaga kapag nalalasing ka! Matinong babae yan wag mong itulad sayo" sigaw ni Mark sa akin

"Bakit di ko namang sinabing samahan niya ako ah! Kusang loob siyang pumunta dito, hindi ko siya tinext o tinawagan. Pinauwi ko na siya, ayaw niya. I wanted to stay!"

"Go, bumalik ka doon!" sigaw niya at tinulak tulak ako papasok ng bar

"Mark" pigil ni Kim sa boyfriend niya

"Nakakainis na Kim pati ikaw mapapahawak dahil sa ginagawa niya eh kung gusto niyang magpakawala siya na lang wag ka ng isama" sabi nito at padabog na pumunta sa kotse niya.

"Arisse, halika na iuuwi na kita. Nangako ako kay Tito na iuuwi kita"

Tinitigan ko ang bestfriend ko. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya dahilan para pumayag ako.

Tahimik kaming sumakay sa likuran ng sasakyan ni Mark. Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan bago ito paandarin ni Mark.

Nakatingin ako sa labas ng bintana. Minamasdan ang bawat sasakyang dumadaan. Ilang buntong hininga ang inilabas ko.

"Are you okay?"

Nilingon ko si Kim. Diretso kong tinitigan ang mga mata niya bago umiling.

"You can tell me everything. I'm always here to listen" sinsero niyang sabi

"Prin is cheating on me" kumawala ang luha na kanina ko pa itinatago

Bakas sa mga mata ni Kim ang pagkagulat at pagkalito.

"How? I mean, imposible si Prin? Baka naman naghihinala ka lang?"

"No, I saw their text messages. I saw all the 'I love you', 'How are you', 'I miss you', Even in our anniversary, she texted the woman 'I wish you're here with me tonight'" lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Marahas ko namang pinunasan ito.

"Ako ang kasama Kim. It was our f*cking anniversary. I surprised him. I did all the things he wanted us to do, then mababasa ko yun! Ang sakit para akong sinaksak at sinasaksak ng paulit ulit, dito" sabay turo sa puso ko bago ipahinga ang ulo sa backrest ng sasakyan. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.

"Did you two talk already?" singit ni Mark habang sinisilip ako sa rearview mirror ng sasakyan.

"I can't. I can't see him right now. I'm too vulnerable"

"Maybe you should hear his explanation as well" tamad nitong sabi

"Bestfriend mo kasi kaya mo pinagtatanggol. Magsama kayong parehas na g*go!" sabi ko bago pinikit ang mga mata ko

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Kim na humahaplos sa mga palad ko. Inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya habang hinahaplos ang buhok ko

"Sshhh. Everything will be okay. Calm down first. You don't wanna talk to him habang galit ka baka mas lalong di kayo magkaintindihan. Magpahinga ka na muna"

Tumango ako bilang tugon.

5 years. Akala ko matibay na kami. Akala ko sapat na yun para masabing mahal namin ni Prin ang isat isa. 1st year high school nang makilala ko siya. The moment I saw him I know he's the one kaya nga nung nangligaw siya sinagot ko siya agad. I was happy in our relationship. Contented sa mga bagay na ibinibigay niya sa akin. Everyone na makakita sa amin ay palaging sinasabi na "we are made for each other" and I f*****g believe that! I love him with every bits of my heart but he just hurt me! He hurt me that I feel like I am dying. I want this feeling to stop

It hurts. F*cking hurt!

chap-preview
Free preview
Chapter 1.1
Chapter 1.1 "Happy anniversary, Babe!" bati ko sa boyfriend ko ng makalapit at niyakap siya ng napakahigpit. "Are you okay? Bat parang sad ka ngayon?" Nag aalala kong tanong "I'm okay. Stresss lang sa thesis" ngiti niya sa akin. Niyakap niya ako pabalik bago pinatakan ng halik sa ulo "Happy anniversary" bulong niya sa akin. Maya maya ay natanaw ko na sa likuran niya si Kim ang bestfriend ko at si Mark ang boyfriend niya at bestfriend naman ni Prin. Napakagandang ngiti ang binigay sa akin ni Kim habang lukot naman ang mukha ni Prin. "Ano nangyari sa boyfriend mo?" Bulong ko nang makalapit sa amin si Kim "Wala lang yan sa mood. Hayaan mo na" natatawang sabi nito "Hey, help me later. Ayusin natin ang condo ko. It's our anniversarry. I'll suprise him later" excited kong balita kay Kim "I'm in" bulong niya rin sa akin Sabay kaming lumaki ni Kim. Mag bestfriend ang mga mommy namin kaya naman ng nalaman nilang parehas na babae ang magiging anak nila ay tuwang tuwa sila. Plinano pa ata nilang sabay na magbuntis kaya naman isang araw lang ang pagitan ng birthday namin ni Kim. Parehas kaming only child kaya naman nakahanap kami ng kapatid sa katauhan ng isat isa. "Babe, alis muna kami ni Kim may bibilhan lang bonding muna kayo ni Mark" paalam ko "San mo dadalhin si Kim?" tanong ng boyfriend niya "Papasama lang. Babe, I'll text you later" Nakangiti akong bumalik kay Kim para ayain siyang bumili ng kung ano anong design para sa surprise namin mamaya. Balak ko ring magluto ng favorite ni Prin na carbonara para naman matuwa. Business ang kinukuha nila Prin, Mark, at Kim. Magkakaklase sila, ako lang nahiwalay dahil architecture ang kinuha ko. Kilala ang mga pamilya namin sa larangan ng business. My family owns chains of hotel, dahil sa nag iisang anak gusto nilang ako ang humawak ng business namin, but I declined dahil gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan. I do not want to depend on them though I am really grateful dahil sa binibigay nila lahat ng kailangan ko. Hindi rin sila mahigpit sa akin. I can do whatever I want minsan nga sakit na daw nila ako sa ulo but they still love me. "Hindi ko alam pero kinakabahan ako para mamaya. Samahan mo ako ha isurprise natin si Prin" yaya ko sa kaibigan ko. "Oo naman. I'll take the pictures and video. Ano pa't ako ang bff mo kung di kita masusuportahan" Almost 4pm ng matapos kami sa lahat ng pamimili namin. Agad kaming pumunta sa condo ko para mag ayos. Si Kim ang gumawa ng lahat ng decoration habang ako naman ay busy sa paghahanda ng pagkain. Sana magustuhan ni Prin 6pm ng matapos kami at nag ayos na rin kami. Tinext na ni Kim sila Mark at Prin para pumunta sa condo. Nakapatay ang ilaw at tanging mga kandila na hugis puso lamang ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. Nakatayo ako sa gitna nito habang may hawak na cake na may message na nakasulat. "Happy 5th anniversary Babe!" Unti unti naming narinig ang pagpihit ng doork knob Nandyan na sila! Agad na tumugtog ang kantang "More Than Words" Bumukas ang pinto at ang gulat na mga mata ni Prin ang una kong nakita. Napalitan ito ng saya at unti unti ko na ring nasilayan ang mga ngiti sa kanyang labi. Nilapitan niya ako habang umiiling. Tumayo siya sa harapan ko. "I should be the one doing this not the other way around Baby" natatawa nitong sagot "I love you. This makes me happy. Seeing your reaction makes me happy" naluluha kong sabi Kinuha niya ang hawak kong cake at nakitang inabot kay Mark na hindi ko napansin na kasama niya pala. Magkatabi na sila ni Kim at nakatingin sa amin. Hinawakan ni Prin ang dalawa kong pisngi. "You deserve a guy better than me. I love you kahit na tutol ang mga bagay bagay mahal kita. Kahit na mukhang malabo ang sitwasyon natin, mahal kita at kapag kaya ko na ipagsisigawan kong mahal na mahal kita" sabi niya bago ako bigyan ng isang halik sa mga labi Nalilito man sa mga salitang sinabi niya ay ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang kanyang halik. Bumitaw siya at kita ko ang naluluha niyang mga mata. Lumingon ako sa likuran kung saan siya nakatingin at dun ko nakita na hindi pa pala nakakaalis ang dalawa naming kaibigan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Hinawakan ko ang kamay niya. "I prepare something for you" sabi ko at hinila siya sa veranda para ipakita ang inihanda kong dinner para sa aming dalawa. Niyakap ako ni Prin mula sa likuran. "Ang swerte ng mapapangasawa mo" bulong niya sa akin

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
262.6K
bc

The Lone Alpha

read
84.8K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
97.7K
bc

Just Got Lucky

read
145.2K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
16.2K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.9K
bc

Cruel Love

read
780.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook