Chatper 5.1

504 Words
Chapter 5.1 Ilang araw ang lumipas. Itinigil ko na rin ang pagpunta sa mga clubs. Gabi gabi pa din akong umiiyak at hindi kinakausap si Prin. Hindi ko alam kung nasabi na ba nila Kim at Mark ang nalaman ko pero after the night na nalaman nila ang dahilan ng gabi gabi kong pag inom ay hindi na muling nagparamdam sa akin si Prin. "Ayaw mo ba talaga siyang kausapin?" Nag aalalang tanong sa akin ni Kim "Hindi ko alam. Hindi pa ako handa" "Kailan ka magiging handa?" "Hindi ko alam Kim. Masakit pa rin dito" at itinuro ang puso ko "Edi itigil mo ang sakit. Matatapos lang yan kung kakausapin mo siya at tapusin na ano mang meron sa inyo" "Hind ko ata kaya" naiiyak kong sagot "Anong hindi mo kaya? Ang kausapin siya o tapusin ang relasyon niyo" Tuluyan nang tumulo ang luha ko. "I'll prepare myself first. Ako ang kakausap sa kanya kapag handa na ako" Bumuntong hininga si Kim bago ako niyakap. Dalawang linggo na lang at g graduate na kami siguro panahon na rin para kausapin si Prin. Ayokong magtapos kami sa ganitong paraan. Naglakas loob akong buksan ang mga iniwan niyang mensahe para sa akin. "Arisse, please talk to me" "Babe, don't do this to me. I miss you. I know, I know ang laki ng kasalanan ko. Let me make up for this please" "I need you, Arisse. I badly need you" "Come back to me baby. I love you. I've learned my lessons. I can't make it without you" "Let's fix this. Please, one more chance. I'm begging you. Babawi ako. Please come back to me" May mga voice message din siya iniwan sa akin at halata sa boses niya na lasing siya. Napabuntong hininga ako para punasan ang mga luhang lumandas sa mga mata ko. Tama na ang pag iwas, oras na para harapin ko si Prin. Hindi ko alam kung tatapusin ko na ba o bibigyan pa siya ng chance. Wala pa akong desisyon siguro kapag narinig ko ang paliwanag niya ay mas magiging malinaw ang pag iisip ko. Inayos ko ang sarili ko at hinanda ang sarili para sa pakikipag usap kay Prin. Nasa kotse na ako nang tumawag si Mark sa akin "Are you with Kim?" Nag aalala nitong tanong "No, why?" "Di ko siya makontak eh. Kagabi pa daw di umuuwi sabi ng mommy niya" "WHAT?!" Na papreno ako dahil sa sinabi niya "Nag away ba kayo?" "No! Maayos kami kagabi ng hinatid ko siya kanila. Hindi ko alam na di pala tumuloy sa loob akala ko pinuntahan ka na naman para i comfort. Sayo lang naman laging pumupunta yun" iritado nitong sabi "I'm on my way to Prin. I'll help you find her pagkagaling ko kay Prin" "No need. Fix your relationship with him first. He's so wasted for how many weeks. Ayusin niyo na yan" sabi nito at binabaan ako ng tawag Mabilis kong dinial ang number ni Kim pero walang sumasagot. Sa voice message dumidiretso ang tawag ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD