Chapter 4.2

430 Words
Chapter 4.2 Baka wrong send? Binuksan ko ang cellphone niya at doon ko nabasa ang conversation nila ng babae. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga nabasa ko. I love you. I miss you. I want to see you. I want to be with you. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nanginginig ang mga kamay ko at nag uunahang tumulo ang mga luha ko. Parang nilulukot ang puso ko dahil sa mga nabasa ko. Ang sakit sh*t! Binitawan ko ang cellphone ni Prin at dali daling lumabas sa condo niya. Kailan pa? Kailan niya pa ako niloloko? Bakit? Paano niya nagawa? May mali ba akong ginawa? Kagabi lang sinabihan niya pa akong mahal niya ako. Kanina lang sinabi niya pa sa aking he wants to be with me. Then why? T*ngina. Ang sakit! Umiiyak ako habang naglalakad sa kalsada walang pakialam sa mga taong nakakasalubong ko. Gusto ko lang umiyak. Gusto kong mawala yung sakit na nasa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa isang night club pero nakita ko na lang ang sarili kong umiinom ng whisky. I want to forget! I really want to! Sunod sunod ang inom ko hindi alintana kung tinatamaan na ako ng alak. May mga ilang lalaki na rin ang lumalapit sa akin pero agad kong itinataboy dahil wala akong panahon para sa kanila. Maya maya ay isang pamilyar na babae ang lumapit sa akin. "Kiiiiimmm! OMG you found me" natatawa kong sabi. "Why are you here? Halika na umuwi na tayo" at hinila nito ang kamay ko Pero hindi ako tumayo "Ano ka ba don't you miss this. Simula nung naging kayo ni Mark di na tayo nakakapunta dito. Let's stay for a while please" pagmamakaawa ko sa kanya "At kailan ka pa bumalik sa pag c club. You ditch this lifestyle of yours long time ago. Kaya anong problema mo ngayon?" Naiinis nitong tanong "Wala. I just want to have fun. You know super stress sa bahay at sa school. Unwind lang" natatawa kong sabi Umiiling si Kim habang pinipigilan akong uminom "Let's go. Nag aalala sila Tita at Tito sayo. Akala nila kung ano ng nangyari sayo dahil hindi ka mahanap ng mga bodyguards mo. Ano bang problema mo Arisse" "Wala nga! I just want to be happy" sigaw ko at itinaas pa ang mga kamay ko "Uuwi na tayo. Mark is waiting outside" may pinal sa boses nito "Ayoko. Umuwi kayo kung gusto mo" iritado ko na ring sagot sa kanya "Arisse Mae Delos Santos you don't want me to be mad at you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD