Chapter 11.3

746 Words
Chapter 11.3 Napabuntong hininga siya nang mapagtantong wala naman akong galos o sugat. "Let's go" sabi nito at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan niya. Tahimik kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sa office ni Tito. Pagkabukas pa lang ng office ni Tito ay bumungad na sa akin ang mga magulang ko. Agad akong nilapitan ni Mommy at niyakap. "I'm so worried about you. I remembered what happened to your dad a year ago" at lalong naiyak si Mommy dahil sa alaala niya "Mommy I'm okay wala po akong sugat. Wala ring tama" sabi ko at pinakita ang katawan ko sa kanya. Binigyan niya ako ng isa pang yakap bago nagbigay daan kay Mama. "We are so worried upon hearing the news. I can't lose another daughter, Arisse" iyak nito sa balikat ko "Sshhh, you won't lose me Mama" pagpapakalma ko dito "I'm here safe and sound" paninigurado ko dito. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula rito si Mark. Bakas ang pagkagulat sa mga mata ng mga magulang ko. "Si Mark po ang naghatid sa akin dito" Nilapitan ni Mama si Mark saka niyakap. "Thank you. It's been a long time" "No worries, Tita. Sorry po medyo na busy lang" "Paano kayong sabay na nagpunta dito" nagtatakang tanong ni Mommy "He's our client po. Nasa meeting kami kanina nung sinundo ako ni Tito" paliwanag ko "We can't let this happen again, Ronaldo" sigaw ni Daddy kay Tito "Kailangan ng mahanap ang lets*ng gustong patayin ang pamilya ko. This is not the first time. We already lost Kim because of this" sabay hampas ni Daddy sa mesa ni Tito "We're doing our best to look for the culprit Kuya, kaso palos ang kalaban mo ngayon kahit malapit na kami ay nakakawala pa din" frustrated na paliwanag ni Tito. Nilapitan ako ni Papa at hinaplos ang pisngi ko bago ngumiti sa akin. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "We'll hire bodyguards for Arisse. Hindi ako papayag na maulit ang nangyari ngayon" sabi ni Papa na sinang ayunan naman ni Daddy. "No. I don't want it Papa" pagtanggi ko "I'll be careful I promise" "No. You almost got killed kung nahuli ang dating ng mga guards ko baka sa morgue ka na namin nakita" "Danilo" sabay na sigaw ni Mommy at Mama kay Daddy dahil sa huling sinabi. "Arisse, you need it. We can't afford to lose you too" mahinahong sabi ni Papa "Kapag nahuli na ang may kagagawan nito you can rid of your guards" paliwanag niya. Tinignan ko si Daddy. Nangingilid ang luha sa mga mata niya nang lumapit siya sa akin. Sinalubong ko agad siya ng yakap. I know what's on his mind right now. Alam kong palagi niyang sinisisi ang sarili niya sa tuwing may ganitong nangyayari sa pamilya namin. "Dad, don't blame yourself. It's not your fault." Pag aalo ko dito "I'm sorry nadadamay ka sa gulo ng business" mahina nitong bulong sa akin "Masyado mo kasing ginagalingan sa business eh kaya lahat sila threaten sayo" pagbibiro ko. I heard a soft laugh from the people inside the room. Pinakawalan ako ni Daddy mula sa pagkakayakap. "Take the guards or hindi ka makakalabas ng condo mo" pagbabanta nito Naramdaman ko naman ang paglapit ni Mark sa likuran ko dahilan kung bakit sinundan siya ng mga matang nasa loob ng silid. Tinignan ko siya at hindi ko alam pero kahit sa tingin lamang ay tila nababasa ko ang nasa kanyang isipan. "I can look out for her po" pag v volunteer nito. "Are you sure, Mark?!" sabay na tanong ni Papa and Daddy "Yes po, I took up self defense and some martial arts lessons just in case I needed it and I think I can practice it now" mayabang nitong sabi Nagkatinginan ang mga magulang ko. "I'll be at ease kung alam kong si Mark ang makakasama niya" sabi ni Mommy na sinang ayunan din ni Mama "We can just add some civilian guards to them Kuya kung natatakot ka pa din" dagdag ni Tito "Fine. Mark, ipagkakatiwala namin sayo ang anak namin. Make sure to protect her lalo na sariwa pa tong aksidente. I'll hire some guards pero I'll put them on hide lang just in case" dagdag ni Papa "Arisse is safe with me Tito" pag aassure niya sa mga magulang ko. Nagkatinginan kami matapos niyang sabihin yun he then grinned at me bago ibinalik ang tingin kila Daddy Oh no! I don't think I'm safe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD