Chapter 12.1

730 Words
Chapter 12.1 Kinabukasan ay sabay kaming pumunta ni Mark sa opisina. Sinundo niya ako sa condo bago dumiretso dito. "You can go now" pagtataboy ko sa kanya nang makitang nakasunod pa rin siya sa akin "I need to talk to your boss" at inunahan pa ako sa pagsakay sa elevator. Napabuntong hininga na lang ako nang mapagtantong mukhang makakasama ko pa ng matagal ang lalaking ito. "Lalim nun Architect ah" isang nakangiting Jay ang sumalubong sa akin at inakbayan ako. "Aga natin ah" pagbibiro ko sa kanya "Lagi akong maaga, ikaw ang laging late" pagganti niya na dahilan ng pagtawa namin. "Sasakay ba kayo o hindi?" seryosong tanong ni Mark. "Hindi na Sir. We'll take the next one" at pinindot na ni Jay ang close button ng elevator. Masama naman ang tingin sa akin ni Mark lalo na sa mga brasong nakapatong sa aking balikat. Pasimple ko yung tinanggal nang mapansing tinitigan niya ito. Hindi ko pa man naibaba ang aking mga gamit ay tinawag na agad ako nang aking boss. "Good morning boss" Napadako ang tingin ko kay Mark na nakatayo sa may likuran ni Boss habang nakasandal sa glass wall. Nakahalukipkip ang mga braso niya habang naka cross ang mga binti at direktang nakatingin sa akin Simple lang ang suot niya ngayon. Isang gray na polo shirt at maong pants pero hindi yun naging hadlang para lumitaw ang taglay niyang kagwapuhan. Parang mas gwapo pa nga siya kapag simple lang ang suot niya. "You will stay for a while in the company of Mr. Villafuerte, Arisse" panimula ng boss ko na siyang kinagulat ko "Why?" "He needs to look out for you. I understand his concerns lalo na pinagkatiwala ka sa kanya ng family mo and para makapag usap na rin kayo about sa design sa renovation natin" "Pero Sir, I'm not an employee in his company. Dito lang ako" tutol ko agad "Then I'll stay here too" malamig nitong sabi "Then stay" sabi ko "Arisse, there's no problem if you're going to stay in his company para makapag usap na rin kayo ng mga details sa pagsisimula ng renovations. It would also be convenient for us para pwedeng pwede ka agad magpa approve kay Mr. Villafuerte and for your safety purposes also" "Ayaw ko. I want to stay here" "I'm not asking you. I'm just informing you that I'm going to transfer you for a while. Kapag nag start na ang construction and renovation pwede ka nang bumalik dito" "Pero" "Wala nang pero pero. Fix your things isasama ka ni Mr. Villafuerte today" "Fine" malungkot kong sabi bago inirapan si Mark. I heard his soft laugh kaya mas lalo akong nainis Bagsak ang mga balikat ko ng bumalik ako sa table para mag ayos ng gamit. Umupo muna ako at inihiga patagilid ang ulo ko sa lamesa Naman kapag sinuswerte ka! Sa dami daming pwedeng makasama siya pa talaga "Are you done?" Napaupo ako ng maayos ng marinig ang boses ni Mark. Tinignan ko siya at nagtaas ng kilay. "I changed my mind. Di ako lilipat" pang aasar ko dito "As if may choice ka" prenteng sabi nito at umupo sa table ko kaya ngayon ay nakatingala ako sa kanya habang siya ay nakayuko. Kinuha niya ang mga gamit na nakaayos sa ibabaw ng mesa ko. Pinigilan ko ang mga kamay niya sa ginagawa niyang pagkuha. "Dito na lang tayo" pagmamakaawa ko pero di siya nagpapigil at patuloy pa rin sa ginagawa. "Mark naman eh. Sige na magpapakabait ako dito. Di ako aalis nang wala ka. Kung saan mo ako huling iniwan hindi ako aalis hihintayin kita hanggang sa balikan mo ko" pagpupumilit ko Natigilan siya dahil sa sinabi ko at binaba ang mga gamit ko. He gave me a smirking smile before he lean on the chair that I am sitting. Ikinulong niya ako sa upuan ko habang inilalapit ang mukha niya dahilan kung bakit grabe ang pagkalabog ng puso ko. "Sana noon mo pa naisipang gawin yan. You are way too late in giving those words. I won't ever belive in your games Arisse. You'll come with me whether you like it or not" hinila niya ang braso ko at mahigpit iyong hinawakan "Naiintindihan mo?" sa sobrang higpit ng pagkahawak niya ay napadaing na ako. "Nasasaktan ako Mark" at pilit na inaalis ang kamay na nakahawak sa aking braso pero mas hinigpitan niya lang ito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD