Chapter 11.2

430 Words
Chapter 11.2 Mabilis siyang naglakad papunta sa akin ngunit bago pa man makarating sa akin ay nilingon niya muna ang mga naiwang tao sa conference room "Sorry for the commotion earlier and I won't pull out. I'll still have you as my partner and I want Arisse to still lead on this project" at walang ano ano'y tumalikod at dumiretso sa akin. Hinawakan niya ako sa braso para itulak na palabas dahil hindi agad ako nakagalaw matapos nang marinig ko. Tahimik kaming nakasaky sa loob ng elevator at hindi pa rin tinatanggal ni Mark ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi na din naman ako nagreklamo dahil iba ang init na dala ng mga palad niya sa aking katawan. Tila kinakalma nito ang puso kong kanina ay halos tumalon na palabas sa aking katawan. Nang makababa sa lobby ay agad kong nakita ang mga police mobile sa labas ng building namin. Agad na bumalik ang kaba ko sa dibdib. Everytime na makakita ako ng mga police mobile ay tila may masamang mangyayari sa akin o kung hindi man sa akin ay kila Mommy at Daddy dahil simula pagkabata ko ay palaging may police mobile sa labas ng bahay at palaging dalang balita nito ay naaaksidente o napapahamak ang magulang ko kaya siguro nagkaroon ako ng ganitong phobia. Dire diretso naming tinahak ito nang pigilan ako ni Mark "Sa akin ka na sumabay" utos nito Napatigil naman si tito dahil sa gustong mangyari ni Mark. "Convoy na lang sir. Susunod kami sa inyo. Hindi siya kumportable sumakay sa police mobile" paliwanag ni Mark Nagtataka kong binalingan si Mark. "Your hands are cold and shaking. You're sweating and you look pale" sabi nito at pinunasan pa ang pawis sa aking noo. Agad akong natigilan dahil sa ginawa niya. Tila mas dumoble ngayon ang karera ng mga daga na nasa loob ng puso ko. "Okay, make sure hindi ka lalayo sa amin" sabi ni Tito at agad na dumiretso sa police mobile. Sabay kaming naglakad ni Mark papuntang parking lot. Walang nagsasalita sa amin. Nauna siya papunta sa sasakyan niya na katabi lang pala ng sasakyan ko. Isang matalim na tingin ang binigay niya sa akin. Imbes na sa sasakyan niya ay sa sasakyan ko siya unang dumiretso. Siniyasat niya ang mga tama at basag ng sasakyan ko "Wag kang mag alala may insurance yan" pag jo joke ko para gumaan ang atmosphere sa paligid namin "It's not funny" galit nitong sabi at nilapitan ako. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inikot pa ako habang sinusuyod ng mata niya ang buo kong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD