Chapter 11.1

680 Words
Chapter 11.1 Nilapitan agad ng Boss ko ang tito ko at kinamayan ito. "Good morning chief. What do you need?" pormal na tanong ng boss ko. Lumapit ang isang pulis at may inabot na isang papel. "We need Ms. Delos Santos for an interrogation" sagot nito "Oh my God! Don't tell me you killed again someone" bulalas ni Margie Mabilis ko siyang binalingan ng tingin at nagtaas ng kilay sa kanya. "What for?" malalim at buo ang boses na tanong ni Mark. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya nakatayo. Nagkatinginan kami at kahit walang mga salitang lumalabas sa mga bibig namin ay tila nagkakaintindihan kami. "Shooting accident?" malakas na sabi ng boss ko. Narinig ko ang pagkagulat ng mga kasamahan ko. Marahan akong tumango bilang pagsagot. "She was attacked on her way here. Someone tried to kill her." paliwanag naman ng tito ko. Ngayon ako nakaramdam ng panghihina at mas panginginig ng tuhod. Siguro'y naghalo halo na mula sa pangyayari kanina sa daan at sa mga nangyari sa meeting. Bumibigat ang loob ko at parang gusto ko nang umiyak. Kaya naman agad kong kinurot ang mga braso ko. Pinisil ko yun ng buong lakas para mas maramdaman ko ang sakit nito kesa sa pagnanais kong umiyak. Paulit ulit ko yung ginawa hanggang sa makaramdam ako ng mga kamay na pumigil sa akin. "Stop hurting yourself" mahinahon na bulong sa akin ni Mark sa aking tenga. Kinuha niya ang mga braso ko at pinalandas doon ang daliri niya tila pinapawi ang ginawa kong pagkurot dito. "Why did you still come here, Arisse?" galit ang boses ng boss ko nang tanungin niya ako "I still have to present Boss" Napailing ang boss ko sa sagot ko at lumapit sa harapan ko. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at sinuyod ang katawan ko "Are you okay? May tama ka ba? May sugat?" nag aalala nitong tanong Napangiti naman ako sa concern na ipinakita ng Boss ko. Madalas mang masungit at strikto ang boss ko pero mas nangingibabaw pa rin ang pagiging ama niya sa aming mga empleyado. "Wala po. I'm okay" isang malalim na hinga ang pinakawalan ng boss ko bago tumingin kay Mark " That's how we train our employees here, Mr. Villafuerte." mayabang nitong sabi kay Mark. "I apologize for what happened earlier." sabi ni Mark at hinaplos ang braso ko. Tumango lang ako bilang pagpapakita ng pagtanggap ng sorry sa ginawa niya kanina. "I need you to come with me, hija" sabi ni Tito sa akin "Kuya and Ate are really worried about you. I promised to bring you with me" pagpapatuloy nito Napatingin naman sa akin ang mga kasamahan ko. "He's my tito" pagpapakilala ko "What?! Your tito is the chief of police?" gulat na tanong ni Margie "Yes, so be careful about the words your telling about my niece" pananakot nito kay Margie na dahilan para mamutla ito Kitang kita ko ang pagtawa nang iba naming kasama sa loob ng conference room. "Sige na Arisse, we'll take over here. Go with your tito and take a rest. I don't want to see you here today. Take this as a rest day" sabi ni Boss "Thank you po" at binigyan ko siya ng isang yakap. Nang pakawalan ako mula sa pagkakayakap ay pumunta ako sa tabi ng tito ko at sabay kaming naglakad papunta sa pintuan para makalabas "I'll come with you, Arisse" sigaw ni Mark bago pa man kami tuluyang makalabas ng conference room. Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Kunot noo ko siyang binalikan ng tingin at doon nakita kong nakatayo na siya at tila isang bata na naghihintay payagan na makasama. Cute, sana lagi ka na lang ganyan Nagtatakang tumingin naman sa akin ang aking tito ganun din ang mga tao sa loob ng conference room. "I said I want to come with you" ulit pa nito nang di ako nakasagot agad. Kita sa mata niya ang pag aalala at pagkainis. Napangiti ako dahil sa itsura niya. Agad namang nagtaas siya ng kilay. Nakangiti akong tumango bilang pagpayag sa gusto niyang pagsama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD