Chapter 10.3

827 Words
Chapter 10.3 Someone tried to kill me! Isinandal ko ang ulo ko sa manibela at malalim na huminga. Nanginig ang mga labi ko at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Agad kong kinagat ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha. Tumingala ako para hindi bumagsak ang mga luha ko No, I won't cry! I endured more than this! Napatingin ako sa relo ko at napagtantong almost 1 hour na akong late. Nawala ang mga iniisip ko kanina at mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko. Walang pakialam kahit basag pa ang salamin at may mga tama ang sasakyan ko. Kailangan kong makarating sa office as fast as I can. Pagkadating na pagkadating ko sa parking ay tinakbo ko na ang lobby at mabilis na sumakay ng elevator. Ilang pawis na rin ang tumatagaktak mula sa noo ko. Marahil sa takot, kaba, at pagtakbong ginawa ko. Pagkarating ko sa floor namin ay kita ko ang pagliwanag ng mga mata ng kasama ko. "Architect, ano nangyari sayo! Nagagalit na yung client pati si Boss" naiiyak na sabi ni Janna "Sorry, sorry ako na bahala mag explain" Ibinaba ko lang ang bag ko at kinuha ang presentation at agad na pumasok sa conference room. Magkasalubong na kilay ni Mark ang agad na sumalubong sa akin. Nakataas naman ang kilay ni Margie na sinusundan ako ng tingin. "So unprofessional" komento ni Margie nang makarating ako sa table "Sorry, I got into some serious business on my way here" at yumuko para humingi nang paumanhin Kita ko rin ang disappointment sa mata ng Boss ko. "Is this how you train your employees here? Excuses? Allibies? O talagang di mo lang natapos ang new design" galit na sabi ni Mark "I'm so sorry Mr. Villafuerte. I'll give Ms. Delos Santos the sanction she deserves" pampalubag loob ng boss ko. "No, sir natapos po ni Architect kagabi. Hindi po siya umuwi hanggat hindi natatapos ang new design" pagtatanggol ni Jay sa akin Binigyan ko naman siya ng ngiti bilang pasasalamat. Ibinigay ko ang new blueprint kay Mark. Marahas niyang kinuha sa akin dahilan para mapunit ang dulong bahagi ng hawak ko. Kalma Arisse. Kliyente yan Nanginginig pa ang mga tuhod ko at di pa rin nawawala ang kaba at takot sa dibdib ko. Parang may mga dagang naghahabulan sa loob ng puso ko. "Ito na yun?" walang ganang tanong ni Mark Nagkatinginan kami ni Jay dahil sa sinabi niya. Kinuha naman ni Boss ang gawa ko pero mula sa mga mata niya ay kita kong nagustuhan niya ito. "Yes Sir. That's my new design. I put more details on the lounges that we're going to use. Also, to the beach houses na gusto niyong ipa renovate. As you can see here, ......" "I don't like it" Hindi na pinatapos ni Mark ang sasabihin ko. Pinutol niya agad ang pagpapaliwanag ko. Huminga ako ng malalim bago siya tinignan at sinubukang ngitian "That's my new design. I put all my new ideas on it po. I did my best to finish it on time and present it to you today sir" kinakalma ko ang sarili ko habang sinasabi ko ito "Best? You call this best?" pang iinsulto nito sa akin Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Nakangiti siya habang pinunit sa harapan ko ang ginawa kong bagong design Narinig ko ang pagkagulat ng mga kasamahan ko. Nalaglag naman ang panga ko dahil sa ginawa niya. Tumayo si Mark at dumiretso sa basurahan at doon nilagay ang ginawa ko. Kinagat ko ang loob ng aking bibig at kinukurot ko ang mga braso ko para hindi bumuhos ang mga luhang kanina ko pa itinatago. "I'll create a new design po" sabi ko at yumuko na lang "No need" maikli nitong sagot. Napabaling naman ako ng tingin sa kanya "I'll look for another company who can accommodate my wants and professional enough to handle their jobs" direkta niyang sabi sa akin "We have a contract, Mr. Villafuerte" natarantang sabi ng boss ko "I can pay for the breach of contract. I don't think your employees can provide the things that I want. I thought she's good but she wasn't. Still hiding, under your surname. Same old Arisse, who can't stand on her own, waiting for someone to pave the way for her. Like what you did to Kim" pang iinsulto nitong sabi sa akin. Tumingin ako sa kanya ng walang emosyong ipinapakita. Parang namanhid ako sa mga sinasabi niya. Nagtinginan kami ng ilang sandali nang makarinig kami ng katok mula sa pinto. "Excuse me sir, I told them you're in the middle of a meeting but they said it's urgent" binuksan ng mas malaki ng secretary ang pinto at mula doon ay pumasok ang 4 na nakaunipormadong pulis at 1 chief of police, si tito Ronaldo, kapatid ni Daddy. Kitang kita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata ng mga nasa loob ng conference room. Bumuntong hininga ako at napayuko na lang Not now!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD