Chapter 10.2

553 Words
Chapter 10.2 "Pwede ka nang mag asawa" sabi ko at sumubo ulit "Di pa ata pwede yung gusto kong asawahin" natatawa nitong sabi Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "You like someone? Sino yan? Bat di ko alam?" gumana na naman ang pagkamarites ko "You know her very well" "Sino nga? Ayokong nanghuhula! Satin satin lang" sabi ko habang patuloy sa pagkain "Architect, grabeng pagkamarites yan ah! Saka na wag kang mag alala ikaw unang makakaalam kapag ready na siya" sabi nito Kumuha siya ng tissue sa tissue holder na nasa table ko at dumako ang kamay niya sa gilid ng aking mga labi. Napatigil naman ako sa ginawa niya. "Ang kalat mong kumain. Para kang bata" Napangiti naman ako sa sinabi niya. I get that comment a lot. Messy eater talaga ako basta kapag may food all my attention is on the food. Wala munang pakialam sa ibang bagay. Nagpababa muna ako ng kinain bago namin napagpasyahan ni Jay na umuwi na din. Pagkauwi ko sa condo ay agad din akong nakatulog dahil sa sobrang pagkapagod. Pagkagising ko ay agad akong naghanda at nag ayos ng maayos para naman presentable ako sa pag present mamaya ng new design ko. Sumakay ako sa kotse ko at agad na nagpatugtog. Sumasabay pa ako sa pagkanta nang mapansin kong may kotse na sumusunod sa akin. Hindi ko to pinansin ng una pero nang sumasabay na ito sa takbo ko ay agad akong nakaramdam ng takot. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko at kita ko rin ang pagbilis ng takbo nito. Kung saang direksyon ako pumunta ay sumusunod ito sa akin. Dumoble ang kaba ko nang magbaba nang bintana ang sumusunod sa aking sasakyan at maglabas ng baril Sh*t! Napatili ako nang makarinig nang putok ng baril. Nabasag ang salamin sa likurang bahagi ng sasakyan ko. Tinodo ko ang pagpapatakbo sa sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ililiko ang sasakyan ko habang nagpaputok muli ang humahabol sa akin. Mabilis kong dinial ang number ni Daddy "Daddy, Help!" Sigaw ko "What's happening?" Natatarantang tanong ni Daddy "I'm being ambushed! May baril sila" nanginginig ang boses ko habang sinasabi ito. "I'm on my way to my work!" "Open your location. I'll send the guards now. I'll call the police" biglang naputol ang linya. Kahit takot ay tinuon ko ang mata ko sa kalsada. Determinadong makatakas sa mga humahabol sa akin. Ilang putok pa ng baril ang pinakawalan nila. Nanginginig na ang mga kamay kong nakahawak sa manibela. After the night of the car accident, natigil ang pagbabanta sa pamilya ko. Naging tahimik kami at wala na ring natatanggap na death threats si Daddy. Ngayon na lang ulit. Marahil dahil muling mag o open ang new expansion ng business ni Daddy. Palapit nang palapit ang mga humahabol sa akin. Hindi ko na alam kung saan pa tatakbo. Marahas kong niliko ang sasakyan ko nang mapansing naabutan na ako. Laking ginhawa ko nang makita ko ang mga kasalubong kong motor at sasakyan. Inapakan ko ang gas ng buong lakas para mabilis na makapunta sa mga bodyguards ni Daddy. Narinig ko pa ang ilang palitan ng putukan ng mga baril. Tinignan ko ang rearview mirror at dun natanaw ko na napalibutan na nila ang humahabol sa akin. Dahan dahan kong hininto ang sasakyan ko. Natulala ako matapos mapagtanto ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD