Chapter 10.1

701 Words
Chapter 10.1 Bumalik ako sa office namin na nanlulumo. Ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ng mga ka officemate ko kaya naman kunot noo ko silang binalingan agad naman silang nag iwas ng tingin "Okay ka lang?" tanong ni Jay Tipid akong ngumiti bilang tugon. "Akala mo sinong magaling, eh may tinatago naman palang baho" mahinang komento ni Margie habang nakatingin sa akin. I smirked at her. "Wala akong panahon sa tulad mo" mataray kong sabi at nilampas siya. Kitang kita ko ang tawanan nila Mae nang marinig at makita ang ginawa ko. "Arisse, come to my office" tawag ni Boss Tumungo agad ako sa office niya. Hindi pa man siya nagsasalita ay inunahan ko na siya "Sorry, boss. I know it so unprofessional kaso di ko talaga kaya yung sinabi niya. He's blaming me for something I didn't do. Since that night, they've been accusing me of being the bad person and I didn't protest about that because we are all hurting. But now, I just can't contain it anymore. Kaya sorry po. Kung tatanggalin niyo ko maiintindihan ko po" nakayuko kong sabi habang kinukurot ang mga daliri ko sa kamay. Hindi ako makatingin ng diretso sa boss ko dahil sa hiyang nararamdaman ko. Binalot ng katahimikan ang office. "I do not tolerate what you did earlier. As a professional, we should separate our personal lives to our business" panimula nito "But I understand where you're coming from buti na lang at wala namang pakialam si Mr. Villafuerte sa nangyari kanina. You still lead this project so start doing the new design dahil gusto agad ng new ideas ni Mr. Villafuerte" "Okay po. I'll do my best to finish it today" mahina kong sabi "You may go" tinalikuran ko ang boss ko at nasa pintuan na ako nang magsalita siyang muli "I admire how brave you are earlier, Arisse. Don't let other people define what you can do. You've done a great job and you'll do more, okay? Let's prove to him that you are the best in your field. I trust you" sabay thumbs up sa akin. Napangiti ako dahil sa sinabi ni Boss kaya naman ng lumabas ako sa office ay mas naging magaan ang pakiramdam ko. Umupo agad ako sa table ko at nagsimulang mag drawing ulit. Mas nilagyan ko ng detalye ang ginawa ko ngayon. "Kapagod, sakit sa mata" narinig kong reklamo ni Janna "Architect, paawat ka bukas naman" sabi ni Camille Agad akong nag angat ng tingin sa orasan at nakitang ala singko na pala ng hapon. Hindi ko napansin ang oras. "OT?" nakasukbit na ang shoulder bag ni Jay sa balikat niya "Kailangan eh need na bukas" sabi ko habang nagpapatuloy sa ginagawa "Una na kami Architect, wag kang pagabi ha" pagpapaalam ng mga kasamahan ko. Kinawayan ko sila bilang pagpapaalam. Wala pa sa kalahati ang natatapos ko. Hindi ako pwedeng umuwi hanggat di ko to tapos. Hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari kanina. Kaya naman lahat ng atensyon ko ay nasa ginagawa ko. Napapakamot ako sa ulo sa tuwing feeling ko may kulang sa drawing ko kaya ilang ulit pa akong nagbubura at inuulit ang gawa ko. "Finally!" nakataas pa ang dalawa kong kamay nang makontento na sa natapos ko. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas onse na ng gabi. Unti unti kong naramdaman ang pagod nang matapos ko ang ginawa. Sandali akong sumandal sa swivel chair ko at hinilot ang mga daliri ko. Biglang kumulo ang tyan ko. Wala pa pala akong lunch at dinner! Nagulat ako nang may biglang supot na lumitaw sa harapan ko. Nang tingalain ko ang nagbigay ay isang nakangiting Jay ang sumalubong sa akin. "I knew you'll get hungry" at humila siya ng isang swivel chair at itinabi sa akin. Isa isa niyang inilabas ang pagkaing dinala niya. "Niluto mo?" "Yup. Alam kong nandito ka pa kaya dinalhan na kita. Maraming tira eh" nagkakamot ulo nitong sagot sa akin "Thank you. Nagrereklamo na talaga ang alaga ko" Dinuguan, puto at kanin ang dala niya. Inumpisahan ko ang pagkain. Napapikit ako nang malasahan ang dala. Napakasarap. "Sure ka ikaw nagluto?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya "Di ko alam kung insult o compliment yan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD