Chapter 9.3

657 Words
Chapter 9.3 "Then, make me another design. Present it to me tomorrow" "You just said you want her work, Mark" napataas na ang boses ko dahil sa inis "I changed my mind. I want your ideas Arisse. I want your work" panlalaban niya sa protesta ko. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. "Okay, I think let's call it a day. Ms. Delos Santos will present another design tomorrow" pinal na sabi ng boss ko Tumango lamang ako bilang pagpakita na naiintindihan ko ang sinabi niya. Padabog namang inayos ni Margie ang mga gamit niya. Naririnig ko pa ang mahihinang pagtawa ng iba naming kasamahan. "Seems like you two know each other" komento ng boss ko habang nag aayos kami ng gamit bago lumabas ng conference room. "He's my schoolmate" tipid kong sagot na hindi tinitignan si Mark. Narinig ko ang pagtawa niya sa sagot ko. Hindi ko na siya binalingan ng tingin at nagsimulang maglakad papalabas ng conference room. "He actually killed my girlfriend" dugtong nito dahilan para matigil ako sa paglalakad. "What?! She killed your.....? She's a killer?" gulat na bulalas ni Margie Mabilis akong naglakad pabalik sa conference table at binagsak ang mga dala kong gamit dito. Matalim na tinignan ko si Mark. Kitang kita ko ang satisfaction sa mukha niya ng makita niya ang reaction ko F*ck you! "I didn't killed her! Stop blaming me for the things I didn't do! Stop accusing me of the things I never wanted! I'll give you a copy of the police report of what happened that night para naman ma inform ka! Fake news ka and Mark, f*ck you!" sabay sabay na nagulat ang mga kasamahan ko sa sinabi ko. Mabilis ang pataas at pagbaba ng dibdib ko dahil sa inis na nararamdaman "If you want me out in this project, I'll be gladly to accept that. Sorry, not so sorry boss" sabi ko at mabilis na lumabas sa conference room. Tinungo ko ang table ko at ibinagsak ang mga gamit ko. Napahilamos ako sa mukha ko nang mapagtanto ang inasta ko sa harapan ng mga taong nasa conference room. Napaka unprofessional mo Arisse! Inihiga ko ang ulo ko sa may table ko at bumuntong hininga. Inalala ang sinabi ni Mark kanina. I didn't kill her! I didn't Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya agad akong tumingala para pigilan ang pagtulo nito. Simula nang huli naming pagkikita nila Mark at Prin ay sinanay ko ang sarili ko sa hindi pag iyak. I never wanted anyone to worry for me anymore. I'll take care myself. I'll defend myself. No one needs to comfort me. Tumayo ako at tinungo ang elevator. I need my comfort food right now. Bago pa man tuluyang magsara ang elevator ay isang kamay ang humarang dito para hindi tuluyang magsara. Laking gulat ko nang bumukas ang pinto at nakitang si Mark ang pumigil sa pagsara nito. Nakangiti siya sa akin pero agad ko siyang inirapan. Lalabas na sana ako pero pumasok siya at tinulak ako papasok ng elevator. Bumangga ang katawan ko sa matigas na mga sulok ng loob ng elevator. Nang magsara ang pinto ay agad siyang lumapit sa akin. "You killed her Arisse, wag mong lokohin ang sarili mo. You were the sole reason kung bakit siya nandun sa kotseng yun! I'm gonna let you pay for what you did to her" bulong niya sa tenga ko na nagdulot ng kaba sa buo kong katawan. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. He casually stood beside me after what he said. Nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa ground floor na kami ay hindi ako nakagalaw. I just stand there, watching Mark going out of the elevator. He glanced at me once more with his dagger eyes before giving me a grin smile. I just looked at him hanggang sa muling magsara ang elevator This is not safe for me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD