Chapter 9.2

384 Words
Chapter 9.2 Ilang sandaling walang nagsasalita dahil hinihintay ang sasabihin ni Mark. "I don't like it" mabilis niyang sabi at pahagis na ibinigay sa akin ang blueprint Rude! Nalaglag ang panga ko dahil sa komento niya. I heard a soft laugh beside me. Tinignan ko si Margie and she just stared back at me. "May kulang. I am not satisfied" maikli nitong sabi "Here sir. I also prepare another one. You may want to look at this" at inabot ni Margie ang gawa niya. Ramdam ko ang inis ng mga kasama ko. Natahimik ang lahat ng makita naming tumaas ang gilid ng labi ni Mark na tila nagsasabing nagustuhan niya ang gawa ni Margie "I like this better" pagkumpirma niya sa hinila ko. Biglang bumigat ang nararamdaman ko. I looked at my work. I pour my heart on this. Sabi ko na kasi eh di pa nga ako ready. Naramdaman ko ang mainit na pagdapo ng mga palad sa kamay ko. Binalingan ko ng lingon si Jay. He smiled at me sweetly. "Thank you" I mouthed those words to him. Binawi niya rin naman agad ang kanyang kamay. Nag angat ako ng tingin para malamang nakatingin pala sa akin si Mark. "Really, Mr. Villafuerte?" natutuwang sabi ni Margie "I think you're better than your head" pang iinsulto nito sa akin. I raised my eyebrow upon hearing what he just said. Naglaban kami sa titigan pero ako ang unang bumitaw. Lumingon ako sa boss ko,waitng for what he is about to say. Tumatawa lang siya habang nagpapalit palit ng tingin sa aming dalawa ni Mark. "Thank you for that compliment sir" maarteng sabi ni Margie. "We can proceed on doing her design Mr. Villafuerte" iritado kong tugon sa kanya. "May I excuse myself then?" naiirita na ako sa presensya nilang dalawa ni Margie "Arisse" tawag sa akin ng boss ko bilang warning I know I'm being rude right now but I just can't take this now! Mahinang tumawa si Mark. Hinaplos niya ang kanyang labi gamit ang kanyang hinlalaki habang hindi inaalis ang tingin sa akin "I want you to do it, Arisse. Take some of her ideas and put it into your work. Revise some details" dagdag pa nito "It's her design. I can't take her work" may diin na ang bawat kataga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD