Chapter 9.1

629 Words
Chapter 9.1 Ilang linggo na rin mula ng nanggaling kami sa resort at nakagawa na rin ako ng plano para sa mga babaguhin at itatayo sa lugar. "This is great. I like your idea" puri sa akin ng boss ko. Napakalaki ng ngiti ko ng marinig ang sinabi ng boss ko. "Present this to Mr. Villafuerte. He actually wants to see this now. He's on his way" Napasinghap ako sa sinabi ng boss ko. "Wala pa po akong presentation boss saka hindi pa to final. May mga gusto pa po sana akong baguhin at idagdag bago ipakita sa kanya" natataranta kong sabi "He actually doesn't mind about the presentation. Mas gusto niya daw makita yung bare work mo para makapag add din siya ng insights and inputs" "Pero Boss, di ako ready. Look at me, napaka haggard ko pa. Ikaw na lang kaya boss ang magpakita sa kanya" pang uuto ko dito "Arisse, your work is beautiful. Sigurado akong magugustuhan niya yan saka you don't look haggard! Kung haggard ang tawag mo sa mukha mo na yan, anong tawag mo sa akin?" Napangiti ako sa sinabi ng Boss ko. "Fix yourself. I'll give you 10 minutes. Nandyan na daw si sir Villafuerte" Sabay kaming lumabas ni Boss sa kanyang office. Hindi pa man kami nakakalayo ay rinig ko na ang bulungan ng mga babaeng ka officemate ko. Napatingin ako sa direksyon na tinitignan nila and there I saw Mark walking towards our direction He's wearing a dark blue long sleeve na nakatupi hanggang siko at black pants na humahapit sa mga hita niya. His body built is screaming of masculinity. Halatang nag gym siya dahil sa ganda ng pangangatawan. Kahit sa lakad pa lang niya mararamdaman mo na ang presensya niya. Huminto siya sa harapan namin para kamayan ang boss ko. Dumako ang tingin niya sa akin. Agad naman akong nag iwas ng tingin sa kanya. "Let's go to the conference room. We'll wait your team there Ms. Delos Santos" "Copy boss" sagot ko bago sila iniwan para mag ayos ng sarili at tawagin na rin ang team namin. "Ang gwapo Architect ng client natin. Ang sarap tingin pa lang nakakatunaw na" kinikilig na sabi ni Mae "Girl, muntik ng tumulo ang laway ko. Kita mo yung mga muscles girl parang kayang kaya akong ibalibag. I like it hard and rough baby" sabay tili naman ni Janna "Sana hindi pa taken. Ito na ang chance ko" singit naman ni Camille. "As if naman papansinin kayo nun. Look at yourself" natatawang sabi ni Margie bago kami iniwan sa cr "Bakit mo ba kasi kinuha yun Arisse! Alam mo namang napaka atribida ng babaeng yan!" reklamo ni Camille "Hindi ko kinuha yun ah! Dinagdag lang ni boss sa atin kasi kulang daw tayo. Hayaan niyo na wag niyo na lang pansinin" Kinakabahan ako habang tinatahak ang daan patungo sa conference room. Pagkapasok namin ay agad na nagtama ang mga mata namin ni Mark. Agad din akong nag iwas ng tingin sa kanya "Nauna pa talaga siya kesa sa mga heads ah" narinig ko ang pagrereklamo ni Janna na ang tinutukoy ay si Margie na ngayon ay kaharap si Mark. That was my seat! Umupo na lang ako sa tabi ni Margie at inihanda ang mga blueprint ko. Nakita kong mayroon ding inilabas si Margie. Sabay sabay kaming nagkatinginan ng mga kasamahan ko. Napailing na lang sila dahil wala din naman silang masabi. Bumuntong hininga na lamang ako. "Here's my initial plan for your resort. Sorry, I wasn't able to prepare a presentation since I wasn't informed that you're going today" Inabot ko kay Mark ang blueprint ko. Kita ko ang pagsiyasat niya sa gawa ko. Binigyan naman ako ng mga kasama ko ng "thumbs up" para sabihing okay lang ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD