Chatper 8.3

744 Words
Chapter 8.3 Pero laking gulat ko nang pagtayo ko ay isang lalaki ang nakatalikod sa akin habang may hawak na mga hita ng babae. Nakapikit ang babae habang hinahalikan ng lalaki ang kanyang mga dibdib. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang magdilat ng mata ang babae at nagkatinginan kami "Oh my God!" bulalas nito sabay tulak sa lalaking nagpapaligaya sa kanya at tumakbo palayo sa amin "Sorry. Hindi ko alam. Palabas na din ako. Kinuha ko lang itong...." Hindi ko na natapos ang mga sasabihin nang makilala ang lalaking nakatalikod sa akin. Bakas din sa mga mata nito ang pagkagulat ng makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay naming tanong sa isat isa "I own this place" sagot niya habang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin. Great! "You hired our company to renovate this place" sabi ko at yumuko dahil hindi ko makayang makipagsabayan ng tingin sa kanya. "I should go" at tinalikuran siya. "Wait" pigil nito sa akin "You're holding my cat" Bumaling ako ng tingin sa kanya. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa akin "Nakita ko kasing may sugat kaya gagamutin ko sana" paliwanag ko "You know how to care huh? Last time I checked you are so full of yourself" sabi nito ngunit bakas sa tono nito ang pagiging sarcastic Huminga ako ng malalim bago siya nginitian "Last time I check, you despised me Mark" naniningkit ang mata kong sinagot siya He chuckled upon hearing my answer "I still despised you" walang gana nitong sagot Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay may galit pa rin siya sa akin. "Sorry. I'll leave your cat here. May sugat siya bandang leeg. Ikaw na ang gumamot" malungkot kong sabi bago ibinaba ang pusa. Lumapit sa akin ang pusa at ikiniskis nito ang ulo nito sa paa ko. Napangiti ako dahil sa ginawa nito. Tumikhim si Mark na ngayon ay nasa harapan ko na. "I'll go now" at diretsong tumalikod pero hinawakan niya ang braso ko "You're walking barefoot" kunot noo niyang tanong sa akin. Tinignan ko ang paa ko at nakita ko doon ang dumi mula sa alikabok at mga buhangin. "I have my sandals outside. I just removed it kasi ang hirap maglakad sa buhangin" He nodded as he heard my explanation. "Architect! Kanina pa kita hinahanap" hinihingal na sabi ni Jay. Napatingin agad siya sa mga kamay ni Mark na nakahawak sa braso ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Mark sa akin. Lumapit si Jay at lumuhod sa harapan ko. Nagulat ako ng kunin niya ang mga paa ko at suotan ako ng tsinelas. Nakita ko ang pag angat ng kilay ni Mark dahil sa ginawa ni Jay. Tinignan niya ako at sumunod na idinako ang mga mata sa nakaluhod na si Jay. Hinawakan ko ang braso ni Jay para itayo siya. "Jay, this is Mr. Villafuerte. He's the owner of this resort" pagpapakilala ko "Mr. Villafuerte" "Mark will do" putol nito sa sinasabi ko "Mark, this is Jay the head engineer of this project. Nagkamayan ang dalawa pagkatapos ko silang ipakilala sa isat isa "Sir, tinitingan lang namin ang venue para makapag isip na tong si Architect ng design" nakangiting sabi ni Jay Tumango lang si Mark sa sinabi nito pero ang tingin ay hindi inaalis sa akin Problema nito? "We'll go ahead" pagpapaalam ko kay Mark. "You bring your car?" habol na tanong ni Mark "Sasakyan ko po gamit namin Sir" maagap na sagot ni Jay "Okay" tipid nitong sagot bago kinuha ang pusa niya at iniwan kaming nakatayo sa gitna ng abandonadong building "Tara na, Jay" "Nakakatakot yung may-ari" Napangiti ako sa sinagot niya "Mukha namang mabait" pahayag ko na akala mo ay di talaga kilala si Mark. "Halika na nga at para di tayo gabihin dito" Nilibot namin ang buong resort at nakita pa namin lalo ang ganda ng buong resort. Habang nililibot namin ang buong lugar ay hindi mawala sa isipan ko ang eksenang nasaksihan ko kanina It was a different Mark! Ibang iba sa Mark na nakilala ko. Ang mga mata niya ay tuluyan nang di makikitaan ng emosyon parang mas lalo itong dumilim. Mas lalong naging matapang ang mukha niya at iba ang awra na nasa paligid niya. Tila hindi mo nanaisin na mapalapit sa kanya. Hindi ko rin akalain na sa ganitong pagkakataon, sa ganoong posisyon pa kami magkikita. He's different now. What happened to you Mark?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD