Chapter 8.2

658 Words
Chapter 8.2 "We have an incoming big client and I want you to create your team. I'll let you handle this project" direkta ang mata niyang nakatingin sa akin Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang sinabi niya. "Wait boss, tama ba ang narinig ko? You are entrusting this project to me? Bakit ako?" Sunod sunod na tanong ko. Natatawa naman ang boss ko sa naging reaksyon ko. "Are you questioning my decision? Ayaw mo ba? Pwede ko namang ibigay sa iba" "Noooo! I want this! I got you boss. Thank youuuu. You're the best!" sabi ko at napatakbo pa sa swivel chair niya para yakapin siya. "Sige na create your team and I'll email you the details about the project" Pagkalabas na pagkalabas ko ng office ng boss ko ay nagtitili ako at nagtatalon. Agad namang napatingin sa akin ang mga ka officemates ko "I'll lead my first project!" Sigaw ko "Whuohoo" sigaw ng mga katrabaho ko na natutuwa din sa new achievement ko. Mabilis akong kumuha ng mga makakasama ko sa project na ito syempre pinili ko ang magagaling para walang problema. Chineck ko na rin ang email na pinadala sa akin. Isang resort ang ire renovate namin at may mga idadagdag na building that will serve as the hotel. Agad akong nag isip ng mga ideya na pwedeng i design. At dahil first project ko to ay maraming pumasok agad na ideya sa akin. Super excited ako sa gagawin namin kaya naman nag pa schedule agad ako para makita ang venue. Sabado ng umaga ako pumunta kasama ang head engineer ng aming team. Pagkapasok pa lang sa gate ay isang napakagandang dagat na ang sasalubong sayo. Asul na asul ang tubig at ang mga buhangin ay mapuputi at napakapino parang mini boracay ang resort na ito. Matatayog na puno ng niyog ang nagsisilbing lilim ng buong lugar. May mga iilang kubo na rin akong napansin na nakatayo pero halata sa itsura nito na matanda na ito. Sariwa at malamig ang hangin na nanggagaling mula sa karagatan. May mga iilang tao din ang nag che check in. Hindi pa ganun kalaki ang crowd marahil dahil ire renovate pa ang nasabing lugar. Huminga ako ng malalim at pumikit para damhin ang lamig nang hangin na humahampas sa aking mukha. "Mukhang enjoy architect ah" puna ni Jay ang head engineer namin. "Syempre kailangan i feel natin para naman mas makaisip tayo ng magandang ideya para dito. Ikaw ha, hand picked kita kaya galingan mo hindi porket close tayo ay mag c chill ka!" pagbabanta ko dito "Tsk. Parang di mo naman ako kilala. I got your back architect" sabi nito at inakbayan pa ako "Let's roam around" yaya ko kay Jay. Naglakad kami sa buhangin dahil naka heels ako ay agad ding bumabaon ito sa buhangin kaya sabay kaming napapatawa ni Jay. Nagdesisyon akong hubarin na lang ang sandals ko at magyapak na lang "Wait. May extra tsinelas ako sa sasakyan" sabi ni Jay at mabilis na umalis sa tabi ko. Nakatayo ako sa ilalim ng puno ng niyog nang makarinig ako ng tunog ng isang pusa. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang pusa na may sugat sa bandang leeg. "Come here ming" tawag ko sa kanya, sinubukan kong lumapit pero tumakbo ito sa loob ng abandonadong villa. Sumunod naman ako sa loob para hanapin ang pusa "Meow, meow" tawag ko sa pusa Napatigil ako nang ibang may marinig. "Dito talaga natin gagawin?" Mahina ang boses ng babae "You can back out if you want" baritono ang boses ng lalaki Sunod kong narinig ay ang halinghing ng babae. Oh my gosh! I shouldn't be here! Tumalikod ako para tumakbo at lumabas kaso natanaw ko yung pusang hinahanap ko. "Meow" mahina kong tawag dito Pero naglakad ulit ito palayo. Sinundan ko siya habang nakayuko at unti unti ay lumapit dito. Hinaplos ko ang ulo niya nang maramdaman kong kumportable siya ay binuhat ko siya para ilabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD