Chapter 8.1

478 Words
Chapter 8.1 Isang taon na ng huli kaming magkita nila Prin at Mark. Maraming nagbago sa buhay ko matapos ang huling usapan namin. Marami akong tinalikuran at unti unti kong inayos ang sarili ko. Naghanap ako ng trabaho cause just like what I've said gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan at hindi lamang makilala sa anino ng aking magulang. Iilang proyekto na rin ang nagawa ako at lahat ito ay naging successful. Unti unti na ring nagiging maingay ang pangalan ko sa profession na tinatahak ko. "Ms. Ganda pinapahatid po ni mama mo. Nasa baba po siya" sabi ng isa sa mga katrabaho ko. Karamihan sa katrabaho ko ay ito ang tawag sa akin. Naging kumportable na din ako dahil nasanay na. Agad akong tumakbo pababa sa lobby ng building namin para salubungin si mama. Simula nang nagdesisyon akong magsimula ulit ay naging buo ang suporta nila Mommy at Daddy sa akin, gayun din ay tinupad ko ang pangako ko kay Kim na ako ang mag aalaga sa mga magulang niya. Sa nakalipas na mga buwan ay mas naging malapit kami ng kanyang Mommy at Daddy hanggang sa hiniling nilang tawagin ko silang "Mama" at "Papa" every weekend din ay sa kanila ako natutulog. Naging dalawa ang pamilya ko at mas napuno ako ng pagmamahal mula sa kanila. "Mama" at binigyan ko siya ng mga halik sa pisngi "Bat di ka umakyat sa taas?" "No need Arisse. Mag m meet kami ng Mommy mo. May salon date kami ngayon kasi mamaya ay may double date kami nila Papa at Daddy mo" kinikilig pang sabi nito Ano ba yan mga pa virgin! "Ay sana all" natatawa kong sabi "Ikaw kasi ang daming nakapila dyan sayo wala ka man lang mapili. Edi sana triple date tayo ngayon" nang aasar nitong sabi "Hay naku Mama wala pa akong nakikita saka I have the greatest parents in the world kaya sobra sobra na yung love na meron ako kahit di na siya dumating basta nandyan kayo" sabi ko idinikit pa ang pisngi ko sa pisngi niya "Hay naku napaka bolera mo talagang bata ka" sabay pabirong kurot sa tagiliran ko "Darling" bungad sa amin ni Mommy. Binigyan niya ako ng mga halik sa pisngi "Nakuha mo ba ang niluto namin ni Mama mo?" Tanong nito. Ngumiti ako bilang sagot. "Kumain ka at tignan mo yang katawan mo akala mo wala kang magulang samantalang apat pa kaming nag aalaga sayo" nagtatampo nitong sabi "Yes 'my uubusin ko po wala akong ititira kahit isang butil ng kanin" at itinaas ang kanan kong kamay "Sige na magpasalon na kayo at baka malate pa kayo sa mga dates niyo" sabi ko at itinaboy na sila mismo. Bumalik ako sa office na may malaking ngiti sa mga labi "Arisse, please come in my office" tawag ng boss ko sa akin Sumunod naman agad ako sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD