Chapter 12.2

615 Words
Chapter 12.2 "Same Arisse, I am hurting and broken inside because of you" pagkasabi nito ay agad niyang binitawan ang aking braso at tumayo. "I'll wait on you in the parking lot" huling katagang sinabi niya bago ako talikuran. Pinagmasdan ko ang mga malapad niyang likod habang naglalakad palayo sa akin He's still hurt. I know that somehow his words are true. I''ve hurt him unintentionally kaya I'll do my best not to hurt him again. If I need to keep the betrayal of Kim, I will. I won't tarnish her image in his precious memory. Tahimik kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang malaking building. Bumaba siya kaya naman sumunod ako. Kinuha ko ang bag at ang malaking box ko na naglalaman nang mga gamit ko. Nakita kong isa isa siyang binabati ng mga empleyado Alam kong may company siya pero ang laki naman nito! Nasa harap na siya nang elevator habang hinihintay ako. May kabigatan kasi ang dala ko kaya nahihirapan ako sa pagdala. Nang malapit na ako sa kanya ay binuksan niya na ang elevator at pumasok doon pero bago pa man ako tuluyang makalapit sa elevator ay hinarang na ako ng isang babae "Sorry mam, but only the CEO can ride this elevator. You may use the other one po" at inilahad ang kabilang elevator Alanganin akong napangiti at maglalakad na sana sa kabilang elevator nang biglang kunin ni Mark ang malaking box na dala ko at binitbit lamang iyon gamit ang isang kamay. "He's with me" sabi nito at hinawakan ang braso ko para ipasok ako sa elevator. Nakita ko pa ang pagsunod ng mga mata ng mga taong nasa lobby hanggang sa sumara ng pinto. "Sayo to?" Di ko mapagilang tanong Tumango lang siya bilang sagot "Self-built or family?" "Family" "Ow, I see tapos may bagong beach resort ka pang tinatayo" napangiti ako nang maisip kung gaano siya nagtagumpay sa buhay niya Bumukas ang pinto at lumabas na kami. Sabay sabay na napalingon ang ulo ng mga taong nandun sa direksyon namin. Kinuha ko ang box ng mga gamit ko kay Mark "San ako pwe pwesto?" mahina kong tanong para di makaagaw pansin. "There, sa dulong table sa tabi ng glass wall" Napangiti ako nang makita ang magiging pwesto ko dahil kitang kita mula doon ang napakagandang view ng paligid. Di na rin masama kung dito ako pansamantala. Nakakawala ng stress ang green sceneries. "Salamat" sabi ko at dire diretsong naglakad "Arisse!" sigaw ni Mark sa akin. Naglipat lipat ang tingin sa amin ng mga empleyado. Haharap na sana ako pero pinigilan ako nang dalawang kamay niyang nakahawak sa mga balikat ko "Ano ba, Mark! Nakakahiya!" Inis kong sabi sa kanya dahil nakakaagaw na kami ng atensyon Nagsipagtayuan ang balahibo ko sa batok hanggang sa mga braso nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga "You have stain" bulong nito sa akin. "What do you mean? Stain ?" Nagtataka kong tanong pero di pa rin nakaharap sa kanya "Tagos, Arisse. May tagos ka" Ramdam ko ang mabilis na pag init ng mukha ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Anong date na ba?! Sa sobrang busy di ko na namalayan na it's the day of the month! Nakaputing trouser pa naman ako At sa lahat pa ng makakakita si Mark pa! Nilingon ko si Mark gamit ang ulo ko. Direkta siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nang iinis ba to dahil nakangiti siya sa akin. Pasimple ko siyang siniko kaya napahawak siya sa tyan niya. Makaarte kala mo talaga nasaktan mas nasaktan pa nga ang siko ko dahil puro abs yang tyan mo! "What should I do?" natataranta kong tanong kay Mark
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD