Chapter 13.2

498 Words
Chapter 13.2 "Okay, ka lang Mam" sumilip ang empleyado sa katabi kong table Mabilis kong itinago ang drawing na nagawa ko. Pinatungan ko yun ng ibang papel. "Ah oo okay lang" Inirolyo ko ang ginawa kong drawing ng mukha ni Mark at itinabi. Kumuha ako ng bagong papel para ituloy ang pag isip ng konsepto sa beach resort niya. Nang makabuo ay pumunta ako sa office niya. Kumatok muna ako bago pumasok kaso walang sumasagot kaya naman binuksan ko na ng tuluyan. Iiwan ko na lang sa table niya. Pero nanlaki ang mata ko nang makita merong babae nakapikit na nakaupo sa lap niya habang hawak hawak ni Mark ang mga binti nito habang inaatake niya ng halik ang babae. Napadako ang mata sa akin ni Mark pero hindi siya tumigil sa paghalik sa babae. Hindi ako makagalaw ng ilang sandali dahil sa nakikita ko. Naglaban kami ng tinginan ni Mark pero hindi ako bumitaw hanggang sa tumigil siya paghalik sa babae. Pinunasan niya ang labi niya gamit ang kanyang hinlalaki "What do you need?" iritado nitong sabi "Papakita ko lang sana ang bago kong nagawa" sabi ko at itinaas ang gawa ko "Let me see" Agad akong lumapit sa kanya pero laking gulat ko nang makilala ang babaeng nakaupo sa kanya. It was Margie!!! My God ang kalat naman nito! She gave me a smirked while fixing her hair and her snudged lipstick. Napalunok ako dahil sa nakikita ko ngayon. Nakaramdam ako ng inis dahil sa nalaman ko. She's making out with Mark! Mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita ko ang picture ni Kim sa ibabaw ng table ni Mark. The audacity !!! "I don't like it. Make a new one" sabi nito at mabilis na hinila ulit si Margie paupo sa hita niya at halikan ulit ito sa harapan ko. Napatili pa si Margie dahil sa ginawa ni Mark. Nangngingitngit ako sa inis dahil sa ginawa niya. Tinignan ko siya nang masama pero masyado na siyang nadadala sa ginagawa nila ni Margie. Lumapit ako lalo sa table niya at kinuha ang ginawa ko at itinaob ko ang picture ni Kim sa table. It just feel like he's cheating on her. Wala naman akong pakialam kahit ano pa ang gawin nila sa loob ng office niya pero wag sana sa mukha ni Kim. Umalis ako sa office niya na masama ang loob. Sa inis ko sa kanya ay mas minabuti kong umalis nang mismong building at pumunta sa puntod ni Kim. Nag commute lang ako dahil hindi ko na dinadala ang sasakyan ko simula nang nangyari ang shooting accident. Bumili muna ako ng bulaklak at nang paborito namin ni Kim na sundae at fries. Inilapag ko ang dala kong pagkain at bulaklak sa puntod nito. Hinaplos ko ang litratong nakadikit dito. "Yung jowa mo ang landi landi! Alam mo ba nakikipaghalikan tapos hindi man lang italikod o di kaya itaob yung picture mo. Nakakainis!" pag ra rant ko dito habang kumakain nang binili kong pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD