Chapter 13.1

638 Words
Chapter 13.1 Inayos ko na ang gamit ko sa bago kong table. Napangiti ako nang makitang ang ayos ng bago kong table. Nagsimula akong mag drawing nang may ngiti sa mga labi dahil mas naiinsipire ako everytime na napapatingin ako sa napakagandang view sa labas. "Arisse" narinig ko ang sigaw ni Mark pagkapasok niya sa office. Nilingon ko siya na may napakagandang ngiti pero agad naglaho yun nang iangat niya ang hawak hawak niyang isang set ng napkins "Bought it already" at iwinagayway pa ang hawak hawak. Narinig ko ang tawanan nang mga kasamahan ko. Napayuko ako sa loob ng cubicle ng table ko dahil sa kahihiyan. I'm really gonna punch you hard after this! Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Mark. Inilapag niya ang napkin sa table "Whisper with wings pang night time. Yan na daw ang pinakamahaba. I bought you two para sure" "How thoughtful" sarcastic kong sabi at kinuha ang napkin "Magkano?" tanong ko "No need. I enjoyed buying it naman" natatawa nitong sabi Lets* ka talaga Mark! Inirapan ko siya at kumuha ng tissue at hand sanitizer bago pa man ako makatayo ay may inabot ulit siyang paperbag sa akin "Bought this also" di siya makatingin sa akin habang sinasabi niya yun. Nagtatakang kinuha ko ang paper bag. Nalaglag ang panga ko nang makitang panty set at isang black trouser ang binili niya. "You... you bought this?" nahihiya kong tanong. "Gamitin mo na lang ang dami mong tanong" mabilis niyang hinawakan ang balikat ko at itinalikod ako sa kanya para itulak papuntang comfort room. Tinatakpan niya ulit ang likuran ko. Natahimik ako dahil sa ginawa niya. Nang makapasok sa loob ng restroom ay napangiti na lang ako Thoughtful nga Naglinis ako ng sarili at pinalitan ang trouser na suot ko. Buti na lang at bumili si Mark ng mga ganito. Nakita kong nakaupo si Mark sa may table ko at hinihintay ako. Tumayo siya ng nakitang papalapit ako. "Kasya?" at tinignan ang suot "Oo. Sakto sa akin" ngiti kong sagot "Hindi yung trouser, yung pan...." agad na kumilos ang kamay ko para takpan ang bibig niya para di niya matuloy ang susunod na sasabihin. Nakatingkayad ako dahil hindi ko siya abot. Ang kanang kamay ko ay nakahawak sa bibig niya at ang kaliwa ay nasa balikat niya. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa pinaggagawa niya. Ramdam ko ang paggalaw ng labi niya para ngumiti kahit nakahawak ang kamay ko. "Ayiee" sabay kaming napalingon ni Mark sa mga ibang empleyado. Dun lang namin napansin na nakatingin na pala sa amin lahat. Mabilis pa sa alas kwatrong binitawan ko ang bibig niya at umayos ng tayo. Siniko ko siya at tinulak ng bahagya para makapunta sa pwesto ko. "This is Arisse Mae Delos Santos. She'll be staying for us in a while. She's the assigned architect sa renovation and construction ng pinapatayo kong beach resort" pormal na pagpapakilala niya sa akin "Welcome mam" bati sa akin ng mga empleyado Ngumiti ako bilang pasasalamat sa mainit nilang pagtanggap. Iniwan din agad ako ni Mark matapos ang pagpapakilala niya. Hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari kanina. Habang inaalala ang mga pangyayari biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Naalala ko kung gaano kahaba ang mga pilikmata niya. Ang mga mata niyang kulay hazel brown, napakagandang tignan nito lalo na sa tuwing nagpapakita ito ng ibat ibang emosyon pero nakakatakot kapag walang emosyon ang mga ito. Napakatangos din ng ilong niya at ang labi niya ay napakalambot. Ramdam ko pa rin ang init at lambot nito sa mga palad ko. Pinilig ko ang aking ulo para mawala ang paghanga ko sa bawat parte ng kanyang mukha. "Oh my God!" Napasigaw ako nang mapansing imbes na mag drawing para sa beach resort ay ang mukha na ni Mark ang nasimulan kong idrawing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD