Chapter 13.3

483 Words
Chapter 13.3 "Ang ganda pa naman ng mood ko kasi ang thoughtful niya kanina sabay ganun naman after. Bipolar ba yun ha? Paiba iba ng ugali minsan okay, minsan hindi. Paano mo natiis ang ganung ugali" tuloy tuloy kong sumbong. "Saka lagi niyang nirereject yung gawa ko minsan nilalait pa di ko na tuloy alam. Feeling ko laging palpak gawa ko kapag kaharap ko siya. Nami miss ko tuloy ang palagi mong comment sa gawa ko "ang ganda" kahit alam kong hindi naman talaga kaya ngayon na sinasabi ni Mark na hindi maganda at nakikita ko ang disappointment sa mata niya, feeling ko di talaga ako magaling" malungkot kong sabi habang pinupuno nang pagkain ang bibig ko para hindi maiyak. "Pero syempre mas gagalingan ko para sayo Kim. I'll be successful in this field" bumuntong hininga ako bago humiga sa tabi ng puntod niya "I miss you big time. Yakapin mo naman ako" pagkasabi ko nito ay isang mainit na hangin ang umihip. Napangiti ako dahil alam kong si Kim yun. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang hangin na nasa paligid. Nagising ako nang may tumatapik sa balikat ko. "Architect?" Napaupo ako nang maayos nang makilala si Jay ang nasa harapan ko. "Anong ginagawa mo dito?" "May binisita lang, ikaw bat natutulog ka dyan?" "Si Kim bestfriend ko" pakilala ko kay Jay. Napansin kong madilim na sa paligid. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong ala sais na ng gabi. Inayos ko ang sarili bago tumayo. Sabay na kaming naglakad ni Jay papalabas ng sementeryo "May dala kang sasakyan Architect?" "Wala. Mag c commute na lang ako" "Sabay ka na sa akin. Hatid na lang kita." "Sure ka? Di ako tatanggi dyan libreng pamasahe din yan" Tumawa si Jay at itinuro sa akin kung saan nakapark ang sasakyan niya. Sa loob ng kotse ay kinuwento ko si Kim at kung paano siya namatay. Ganun din nasabi ko na sa kompanya ni Mark ako pansamantalang nags stay dahil sa nangyaring aksidente "Pwede bang dumalaw dun?" tanong niya nang tumigil kami sa harap ng building ng condo "Oo naman basta sabihin mo pangalan ko" nakangiti kong sabi "Sige. Pupuntahan kita minsan" nakangiti nitong sabi "Wag mong kalimutan magdala ng foods ah. Bawal pumunta pag wala" "Ikaw talaga Architect basta pagkain wala kang inuurungan" Bumaba na ako ng kotse ni Jay at hinintay siyang makaalis bago umakyat sa condo ko. Nag uunat pa ako ng katawan dahil medyo sumakit ang likod siguro dahil sa pagkakahiga ko kanina. Nakataas ang dalawa kong kamay nang bumukas ang pinto ng elevator at isang pares nang galit na mata ang unang bumungad sa akin. "WHERE THE HELL HAVE YOU BEEN!" galit na sigaw ni Mark dahilan para maibaba ko ang mga kamay ko "Alam mo bang halos baliktarin ko ang buong building para mahanap ka. Halos ulit ulitin ko ang CCTV just to make sure na walang kumuha sayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD