Chapter 3.2

448 Words
Chapter 3.2 "Coding" tipid nitong sagot "Di ako marunong sumakay" "Don't worry di kita ilalaglag" sarkastikong sagot niya Kinuha sa akin ni Prin ang helmet. Pinatakan niya muna ng halik ang aking mga labi bago isinuot sa akin ang hemet. "Be strong Babe okay? Hintayin mo ako dun" Pinaandar na ni Mark ang sasakyan. Inalalayan naman ako ni Prin para makasakay. "Hold tight" sabi ni Mark bago paandarin ang motor. Nakahawak ako sa mga balikat niya. Sa una'y mabagal lamang ang takbo niya. Nauunahan pa nga kami ng iba naming kasabayan "MARK! SORRY, PERO PWEDENG PAKIBILISAN BAKA WALA NA AKONG ABUTAN" sigaw ko dahil baka hindi niya marinig dahil sa hangin na humahampas sa aming mukha. Biglang bumilis ang takbo niya. Hindi ako handa kaya muntik na akong mahulog. Binilisan niya pa ang paandar ng sasakyan niya at dahil takot na baka mahulog ay agad akong yumakap sa mga beywang niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero masyadong ng occupied ang isip ko. Natatakot ako sa kung anong madadatnan sa ospital. Hinahanda ko na rin ang sarili ko sa maari kong marinig. Ilang minuto pa ay nakarating kami sa hospital. Mabilis akong bumaba ng motor. Dali daling tumakbo papasok ng hospital pero agad na may pumigil sa braso ko. Paglingon ko ay si Mark. Nagtataka ko siyang tinignan pero isang katok mula lang sa helmet na suot ko ang sinagot niya Ano ba yan nakakahiya! Hindi ko nahubad ang helmet! Hindi ko alam kung paano hubarin ang helmet pero ng napansin ni Mark na nahihirapan ako ay siya na mismo ang naghubad nito. Tinapik ko ang braso niya. "Salamat. Bawi ako sayo soon promise" sabi ko at nagmamadaling tumakbo papasok ng hospital. Nakita ko si Mommy na umiiyak habang nagpapabalik balik ng lakad. "Mommy" tawag ko Tinakbo niya ang pagitan naming dalawa at niyakap ako ng mahigpit. "Arisse, your daddy, your daddy" hindi matapos ni Mommy ang sasabihin niya dahil sa iyak niya. Kita ko sa damit niya ang madaming dugo maging sa pisngi at mga kamay niya. What happened?! "How is he?" nag aalala kong tanong "They're inside the OR. He got shot multiple times. He protected me kaya siya ang maraming tama" paliwanag ni Mommy "How about you 'my. Nagpatingin ka na ba?" Agad na umiling si Mommy "I want to be here. Gusto kong ako ang unang makikita ng Daddy mo once he wakes up" "Mommy, tingin mo ba matutuwa si Daddy na ganyan ang itsura mo. Look at you?" Nangilid ang kanina ko pang pinipigilang mga luha "Puno ka ng dugo mommy. It's Daddy's blood. Let's clean you up first" sabi ko habang pinupusan ang mga natuyong dugo sa mukha ni Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD