Chapter 3.1

742 Words
Chapter 3.1 Nagising ako dahil sa tawanan na naririnig ko mula sa sala. Nagtungo agad ako sa kusina at doon nakita si Kim, Prin, at Mark na nagkwekwentuhan habang kumakain Tumayo si Prin at agad akong nilapitan. Inayos niya ang magulo kong mga buhok. "Mark says you need us. Something's wrong babe?" "Nothing. I just don't feel well" Mabilis kaming nagkatinginan ni Mark pero umiling lang siya. Nilapitan din ako ni Kim at niyakap. "Akala ko 3 days ang immersion mo?" Nagtataka kong tanong "Ipagpapalit ba naman kita sa immersion. Ano bang ginawa mo bat ganyan ang mata mo? Pwede mo naman akong tawagan kung malungkot ka" tuloy tuloy na sabi nito "Ayokong makaistorbo sa inyo" "Pero sa akin pwede? Tsk" natatawang sabi ni Mark Parehas na natawa si Prin at Kim "Himala. Parang okay kayo ngayon. This is new" namamanghang sabi ni Prin "Come here babe ako nagluto ng agahan" Umupo ako sa tabi niya. Niyakap ko siya ng patagilid. Naluluha na naman ako ng maramdaman ang init ng katawan ni Prin Here's my comfort. I am safe now. Prin is here. Nagtama ang mga mata namin ni Mark. I mouthed "thank you" to him. He just politely nodded. "Kumain ka na at lalamig yang pagkain mo" puna ni Prin kaya agad din akong kumain. Hindi naging madali para sa akin ang mga sumunod na araw. Tuwing papasok ako sa room ay grabe ang takot na nararamdaman ko baka muli kong makita si Gian but after the incident happened ni anino ni Gian ay di ko na nakita. Kaya unti unti ay bumalik din ako sa dati kong sigla. "Arisse, your daddy needs you" umiiyak si Mommy habang tumatawag sa akin "Wait, 'My calm down. Where are you?" natataranta kong sabi "St. Lukes dear. Please come hurry! Your daddy got shot" Napatigil ako sa ibinalita ni Mommy. Dobleng kaba ang nararamdaman ko. Oh God! Not now please! "Can Manong pick me up?" palabas na ako sa room at hindi alam kung saan pupunta "No. Kasama namin siya ngayon. We might transfer your daddy kaya need ko siya dito" "Okay Mom I'll find my way to get there" sabi ko at tumakbo pababa ng building namin. Saktong pagbaba ko ay nakita ko sila Mark, Prin, at Kim papunta sa building ko. Nagtatawanan sila at tila di ako napansin. Natigilan sila ng tumayo ako sa harapan nila na hinihingal. "Babe, can you drive me now?" "Are you going to cut class, Arisse?" Halata sa boses ni Prin ang pagkakainis "Dad got shot. He needs me Prin. He needs me" nanginginig ang boses ko habang sinasabi ito. Nagkatinginan ang tatlo kong kaibigan "Babe, I still have meeting. I will go directly to tito after this but I can't drive you right now" malungkot nitong tugon "What?! Really Prin? Meeting over the life of my Dad? Really?" di ko makapaniwalang sagot sa kanya at tinalikuran siya. Mag c commute na lang ako. Bahala siya. I am so disappointed with him. Alam ko naman na busy siya graduating na kami but hell! It was dad. I'll drop everything for him just to be with him in this kind of situations. May kirot sa puso ko habang iniisip to. Siya kasi ang inaasahan kong masasandalan ko sa mga oras na to and I just can't believe he just rejected me like that. Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis pero bago pa ako makalabas ng gate ay may humila na sa kamay ko. A warm hug enveloped me. "I'm sorry. I really do. I want to be with you but this is important too, babe. Please bare with me. I promise to be there. I promise" bulong ni Prin sa tenga ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nawala lahat ng inis ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Siguro nga masyado lang akong emosyonal sa pagkakataong ito kaya ganun ang inasta ko. "Arisse, sabay kaming pupunta ni Prin dun pagtapos ng meeting I promise dadalhin ko siya" narinig ko ang malumanay na boses ni Kim. Tumango ako bilang sagot. I need to go now. "Mark will drive you to the hospital" dagdag ni Kim Napatingin ako kay Mark pero wala akong makitang reaksyon sa mga mata niya at maging sa mukha niya. Baka ayaw niya? "Let's go?" Yaya nito sa akin Sumunod kami sa kanya. Nagulat ako ng sumakay siya sa motor. He handed me a helmet. "Where's your car?" Di ko mapigilang itanong sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD