Chapter 3.3

797 Words
Chapter 3.3 Dumantay ang mga kamay ni Mommy sa pisngi ko. May luha na palang tumakas mula sa mga mata ko. Mommy smiled at me. "I'm sorry for making you worry. I'll clean myself now. You wait for your daddy. I'll be back as soon as I can." Tumango ako bilang pag sang ayon "Here Tita" Isang bottled water ang nanggaling sa likuran. Tinanggap naman ito ni Mommy at ininuman. Nang lingunin ko ay nakita ko sa likuran ko si Mark na nakatayo. Nginitian ko lang siya bilang pasasalamat. "Where's Prin and Kim?" nagtatakang tanong ni Mommy "Nasa meeting Mommy pero dito din sila pupunta pagkatapos" paliwanag ko "Okay. Mark can you stay with Arisse for a while?" "No problem Tita" Hinatid namin si Mommy sa room niya sa hospital. Ayaw niya pang pumayag ng una pero wala ding nagawa dahil dalawa na kami ni Mark na kumimbinsi sa kanya. Kasama ko si Mark na naghihintay sa labas ng operating room. May isang upuan ang nakapagitan sa aming dalawa. "Nagugutom ka na ba? I'll buy us food. What do you want?" Tanong nito sa akin "I'm fine. Sige na bumili ka na saka kung may gagawin ka pa okay lang ako dito. Parating na rin naman siguro si Prin" "I'll stay. Dito rin naman didiretso si Kim" tipid na sagot nito Tumayo siya at naglakad papalayo. Tinitigan ko ang malapad niyang likuran. Buti na lang at siya ang napili ni Kim. Lihim akong napangiti para sa bestfriend ko. She is in good hands. Mark might look cold hearted but he has a warm heart. Naghintay pa ako ng minuto hanggang sa umabot ng oras. Hindi pa din nakabalik si Mark, maging sila Prin ay wala pa. Marahil dahil sa pagod ay unti unting hinila ng antok ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa mga pisngi ko. Nang magising ako ay nakita ko na nakapatong naang ulo ko sa mga balikat ni Mark. "You're sleep talking, Arisse" mahina nitong sabi Mabilis akong umayos sa pagkakaupo. Inayos ko ang buhok ko. Napalingon ako sa orasan at nagulat ako ng mapagtantong halos 2 oras akong nakatulog. Tinignan ko si Mark na nakatingin din sa akin. "Bat di mo ko ginising? Sorry, baka nangalay ka" "Magaan lang ang ulo mo. It's no big deal" "Sila Prin wala pa ba?" "Nasa room ni Tita. May dala silang pagkain ni Kim kaya dinala dun di ka na niya ginising dahil nakita niyang mahimbing kang natutulog" paliwanag nito Naputol ang sasabihin niya dahil bumukas na ang pintuan ng OR. Lumabas ang family doctor namin. Lumapit agad ako sa kanya. "He lost a lot of blood. Nasa 7 bullets ang nakuha namin mula sa kanya. It's good na walang internal organs ang natamaan. He's stable for now and we're going to transfer him to his room. It's a successful operation Arisse" nakangiti nitong sabi bago umalis Nilingon ko si Mark at sa sobrang saya ay agad ko siyang niyakap. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa itinatago. "He's safe now. He's safe" umiiyak kong sabi "Kung kailan safe saka ka naman iiyak" saad niya habang tinatapik ang balikat ko. Mahina kong hinampas ang balikat niya bago humiwalay sa kanya. Mabilis naming tinungo ang room ni Mommy. Pagkabukas namin ng pinto ay nadatnan naming natutulog ang tatlo. Si Mommy sa hospital bed habang si Kim ay natutulog sa balikat ni Prin. Lumapit si Mark kay Kim at tumabi dito. Kinuha niya ang ulo nito mula sa balikat ni Prin. Mabilis namang nagising si Prin dahil sa ginawa ni Mark. "I'll take over" nakangiting sabi ni Mark Tumayo si Prin at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit "The operation was successful. Ililipat na siya ng room" panatag kong sabi "That's good. Alam kong kaya ni Tito yun" pagpapanatag ni Prin sa akin. "Kumain ka na?" umiling ako bilang sagot kasabay din ng pagtunog ng aking tyan. Marahil ngayon lang nakaramdam ng gutom dahil sa mga nangyari Natatawang kinurot ni Prin ang ilong ko. "Let's go. I'll buy you your favorite food" hinawakan niya ang kamay ko. Bago lumabas ng room ay sinulyapan ko pa ang mga taong naiwan sa loob. Agad namang nahanap ng aking mga mata si Mark. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ni Kim. Napangiti ako sa nakita ko. Mukhang napansin ni Mark ang tingin ko kaya tinignan niya rin ako. Nginitian ko siya at binigyan ng finger heart dahil sa nakikita kong pag aalaga niya kay Kim pero nagulat ako ng irapan niya ako bilang tugon habang tumatawa. "Let's go babe inaasar mo pa si Mark eh" sabi ni Prin ng mapansin ang ginawa ko habang ginugulo ang buhok ko. Magkahawak kamay kaming lumabas ng hospital. Magaan ang mga pakiramdam at wala ng takot na nakadagan sa aking puso
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD